C24: A friend and a foe.

130K 2.2K 459
                                    


"The dice has been cast. (from the Latin phrase, 'Alea iacta est' by Caesar)


--------------------------------------------x

LUNA'S POV

 

ILANG segundo bago naging tuluyang malinaw ang paningin ko. Napahawak pa ko sa ulo ko dahil sa may nararamdaman akong pananakit dito. Ano nga bang nanyari? Paano ako napunta sa kwartong ito? At nasaan nga ba ako?


Inilibot ko ang mga mata ko sa kinalalagyan kong silid. Kulay puti ang dingding na may kaunting sira sa ibang lugar nito habang kulay itim naman ang buong sahig. Maraming nakadikit na mga papel at sa paglapit ko sa mga ito ay napasinghap ako. Ang iba ay mga guhit ng kung anu-ano tulad ng mga itim na itim na lobo na may mga pulang mga mata, may mga anino ng mga tao na may mga pulang mata at ang isa sa mga pinakawirdung guhit na nakita ko ay ang isang malaking itim na puno na may mga pulang mata sa ibaba nito. Nagkalat ang pulang mata na iyon hanggang sa dulo ng papel na ang tanging simbolismo para sa akin ay maaring iyon ang nagsisilbing 'lupa' o pundasyon ng itim na puno.


Anong ibig sabihin ng mga ito?

 

Halos okupado ang buong dingding ng kwarto ng mga ganung papel ngunit ang iba ay hindi ko na maintindihan kung ano nga ba talaga ang nakaguhit basta ang alam ko, hindi sila pangkaraniwang guhit lamang. Sino kaya ang mga gumawa nito?


Pumwesto ako sa gitna at muling tinignan ang kwartong ito. Tanging mga nakadikit na papel lamang ang laman nito pati na rin ang isang maliit na mesa na may isang drawer. Lumapit ako sa kinalalagyan nito at agad na binuksan ang nag-iisang drawer. Wala itong ibang laman kung hindi isang litrato. Isang babae na may hawak na sanggol na nakabalot sa isang puting tela ngunit kita pa rin ang nakapikit na mata ng sanggol at ang kanipisan ng pula niyang labi at sa tabi nila ay nakatayo naman si Mr. Laketon na may malapad na ngiti sa kanyang labi.


Isang family picture?


Ngunit may nakaagaw ng atensyon ko. May kung anong kumikinang sa pinakagilid ng drawer kukuhanin ko sana ito nang biglang bumukas ang pintuan. Saka ko nakita si Spade na hingal na hingal. Nasa likuran naman niya si Sandria na hawak hawak ang bag ko gamit ang kanan niyang kamay.


"A-Anong ginagawa nyo rito?" tanong ko sa kanila.


Ngayon ko lang napagtanto na ang kwartong kinalalagyan ko ay ang nasa likuran ng pintuan sa opisina ni Mr. Laketon. Bakit hindi ko agad iyon naisip? Hindi niya sinagot ang tanong ko at biglaan niyang hinablot ang hawak kong litrato at itinapon iyon palayo. Saka niya ako hinatak at halos kaladkarin.

 

"Alam mo Tuna, iba ka rin eh no? Mas gusto mo pa atang nakakulong diyan kaysa lumabas." Tinignan ko lang siya ng padabog niyang sinarado ang pintuan. Ngayon ay nakatayo kami sa gilid ng lamesa ni Mr. Laketon sa mismong opisina niya. "Kanina ka pa namin hinahanap. Hindi na nga kami pumasok sa susunod na klase dahil—" natigil ang pagsesermon niya sa akin nang biglaang napasigaw si Sandria.


"Luna may sugat ka sa binti mo!" napatingin naman ako sa sinabi niya.


Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon