C5: Doomed Reality.

202K 3.5K 811
                                    


 "...because some secrets just might kill you."

--------------------------------------------x

LUNA'S POV

 

"KINAKAUSAP ka namin, bingi ka ba?!" 

Narinig ko ang isang malaki at malutong na tunog ng isang sampal mula sa di kalayuan at ilang hakbang lang mula sa akin. Umupo ako sa swing sa kanang parte ng  playground habang pinapanood ang isa kong kaklase na pinapaligiran ng tatlong babae sa gilid ng high school building. 

"Palagi kang nakabuntot kay Sapphire, akala mo sikat ka na niyan ha?!"

Sumipsip ako sa hawak hawak kong juice habang nakasimangot na nakatingin pa rin sa kanila.

Nakakautang manood sa mga ganitong sitwasyon. Hindi ko maiwasang maalala ang buhay na meron ako dati sa Marylaine Academy. Kung gaano ako maliitin ng lahat. Kung gaano ako kamuhian maski ang mga guro. Lahat sila. Pinaramdam nila sa akin na mas masarap pang mamatay kaysa sa manatiling buhay.

 ****

"Hoy Luna luka-luka!" Natumba ako ng biglaan niyang hatakin ang buhok ko pababa. Narinig ko ang tawanan ng lahat ng nasa hallway. Tumingin ako sa kanya nang punong-puno ng takot ang mga mata ko. 

"Alam mo, kumukulo ang dugo ko sa tuwing nakikita kita. Namatay ang kaibigan ko nang dahil sayo. Pinatay mo siya diba?! Pero anong nanyari? Naabswelto ka lang dahil diyan sa lintek mong tatay!" Pinandidilatan niya ako habang umuupo sa harapan ko. Marahas niya muling sinabunutan ang buhok ko upang maitayo  ako.

Napakasakit.

Muli, marahas niyang sinabunutan ang buhok ko sa batok upang itaas ang mukha ko katapat ng galit na galit niyang mukha. 

"Sana ikaw na lang ang nalunod!" Nangi-ngiyak ako sa sakit habang unti-unting kong sinusubukan na ibuka ang bibig ko at makapagsalita kahit ilang salita lamang. Bago pa man ako makapagsalita, nahagip ng mga mata ko si Denise na nakatayo lang sa gilid. Nakapameywang siya  at nakatingin lamang sa akin. 

"Ano! Magsalita ka!" Sigaw muli sa akin ni Katie. Lumingon siya kay Denise. "Denise, sabihin mo nga sa lahat ng tao rito kung sino ang pumatay kay Jessie!"

Nabaling kay Denise ang atensyon ng lahat. Hinihintay ang sagot niya. Tumingin ako sa kanya na para bang nagmamakaawa. Ilang segundo ang nakalipas at nakatingin lamang siya sa baba. Mas lalong humihigpit ang pagkakasabunot sa akin ni Katie na pakiramdam ko ay malalagas ang mga buhok ko sa lakas niya.

Pinapanalangin kong sabihin ni Denise ang totoo, na hindi ako ang naglunod kay Jessie. Sinagip ko siya, pinilit ko siyang bigyan muli ng malay. Hindi ko kasalanan. Si Denise, siya ang may kasalanan ng lahat. Siya ang may gusto ng nanyari.

Kailangan ba sila maniniwala sa akin?

"Si Luna. Nilunod ni Luna si Jessie. Nakita ko ang lahat." Tuloy tuloy na pagkakasabi ni Denise.

Umalis siya agad at pumasok sa classroom namin. Hinatak ako ni Katie gamit ng pagkakasabunot sa buhok sa may batok ko pababa ng ikalawang palapag. Muli akong sumilip sa classroom namin at nakita ko si Denise na nakadungaw. Wala siyang ibang ginawa kundi manood. Panourin ang matalik niyang kaibigan na apihin ng lahat dahil sa isang kasalanan na hindi ko naman ginawa. Isang kasalanan na pinasa niya lang sa akin upang ako ang dumanas ng lahat ng sakit na dapat ay siya ang nakakaramdam.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon