C21: Hidden agenda.

153K 2.3K 1.3K
                                    


"We, who are about to die salute you." —Unknown. (From the Latin phrase, 'Morituri te salutamus')


--------------------------------------------x

CLYDE'S POV

 

HINAWAKAN ko nang mabuti sa kanan kong kamay ang hawak kong cellphone na agad ko naman binulsa pagkaraan ng ilang minuto. Napa-buntong hininga ako sa di ko malamang dahilan. Siguro dahil napapagod na rin ako sa kakaisip ng gagawin at maaring kahahatungan ng gagawin ko.


"May iba ka na namang iniisip." Napalingon ako kay Abi ng sinabi niya iyon. Ngumiti lang ako sa kanya at umiling. "Sus. Nitong mga nakaraang araw, parang wala ka sa sarili mo. Ano bang pinagkakaabalahan mo ngayon?" tuloy tuloy niyang tanong. Tulad ng kanina, umiling lang ako.

 

"Siguro, galit ka sa akin no? Dahil palagi kong kinokontra si Sapphire. Sus, Clyde, kilala na kita." Hindi ako umimik. Hindi dahil sa totoo at hindi ko rin naman itinatanggi. Isa na ring dahilan iyon pero may iba pa kong iniisip.  Bagay na kasing halaga ng buhay ko.


"Naku nga Clyde, magsalita ka nga! Nakakainis ka na ah!" tumigil ako sa paglalakad. Humarap lang ako kay Abi at ginulo ang buhok niya na parang isang tuta. Nakakairita talaga ang mga babae, ang daming sinasabi. De bale, si Abi naman ito, kaya ko siyang tiisin.


Hindi naman eh. Hindi naman ako galit sa kanya. Sadyang may mga bagay lang talaga na dapat hindi niya malaman. Mga bagay na hindi naman niya maiintindihan. Wala namang problema kung sa huli na  niya ito maunawaan. Para rin naman sa kanya ito eh.


"Nakakairita ka talaga. Galit na nga ako rito tapos ganyan ka lang, parang wala lang. Hindi naman sa lahat ng oras mahinahon ka. Bakla ka no?" napatawa lang ako sa mga sinasabi ni Abi. Sa mga ganitong sitwasyon, hindi dapat siya sinasagot dahil mas lalo pang hahaba ang usapan.


Kilala ko si Abi.


Napatingin ako sa gilid nang namataan ko si Sapphire at si Katherine. Nitong mga nakaraang araw, parating sila na lang ang magkasama. Wala si Cyrus, binabantayan ang kanyang kapatid na biglaan daw isinugod sa ospital. Wala rin si Austin at Aislinn.


"Oh bakit biglang nagbago ang facial expression mo?" tanong na naman ni Abi.


"Ha?" tanging tugon ko.


"Bigla na lang nanlumo ang mukha mo. Siguro dahil sa napatingin ka kala Sapphire ano? Tsk tsk. Hindi kita masisisi, nakakapanlumo talaga ang mukha ni Sapphire." Bahagya ko siyang binatukan sa sinabi niya. Maloko talaga to.


Mabait naman talaga si Abi. Medyo kalog lang ang utak at palaaway. Palagi nga ako ang nagiging taga-awat kapag nakikipag-away siya mula noong mga bata pa lamang kami at hanggang ngayon. Matapang siya at walang inuurungan kaya nga dun ako nag-aalala eh, masyado siyang matapang.  Mabuti na lamang at palagi akong nandirito para pakalmahin siya. Basta lang kasi siyang bira nang bira dapat sa bawat kilos at salita, pinag-iisipan

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon