C33: The white rabbit has the answer.

125K 2.1K 542
                                    


"Little Alice fell down the hole, bumped her head and bruised her soul" —Lewis Carroll, Alice in Wonderland


--------------------------------------------x

TEACHER MAEGANNE'S POV

 

HINGAL na hingal ko siyang tinignan. Nanlalaki ang mga mata ko, halatang hindi pa rin makapaniwala sa taong nasa harapan ko. B-Bakit?! Papano nangyari ito? Hindi ba... hindi ba—


"Nasan na si Miaka?" umiwas siya sa akin ng tingin at kinausap ang dalawa niyang kasama dito sa maliit na kwartong pinaglalagyan namin.


May nakatakip na makapal na tape sa bibig ko at mahigpit ang pagkakatali sa mga kamay at paa ko. At alam kong kahit walang tali, hindi pa rin ako makakagalaw. Sobrang pagod ang katawan ko sa di ko malaman na dahilan. Ano nga bang nanyari kanina? Ahh, tumakbo nga pala ako nang tumakbo. Tinignan ko ang mga braso't paa ko dahil sa dami ng galos at sugat na natamo ko. Kaya pala ang hapdi ng balat ko.


"Lumabas. Hindi pa rin bumabalik." Sagot ng isa sa kanila sa tanong niya.

"Malamang. Wala pa nga dito diba? Psh." Sabat pa ng isa sa kanila.

"Wag mo kong ginagago. Hindi nga namin alam kung kalaban ka ba o kakampi."

"Hindi mo na kailangan pang ala—"


Tuloy-tuloy ang pagtatalo ng dalawa niyang kasama—dalawa sa mga estudyante ko, dalawa mula sa section na hinahawakan ko bilang advisory class, at ang possibleng dalawa sa mga taong kilala ko na huling makakakita sa akin na buhay. Napatingin ako sa kanya na nakatayo pa rin, hindi niya pinansin ang dalawa niyang kasama na halos magtalo na sa harapan niya na naudlot lang dahil sa pagpasok ng isang pa nila sigurong kasama.


"Siya na ba yan? Yung nanay ni Hanako?" sabi niya habang sinasarado ang pintuan na pinasukan niya. Nagsitanguan ang mga kasama niya bilang tugon sa tanong niya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. Nang makalapit siya ay isang malakas na sipa ang natanggap ko sa kanya. Napauntog ang ulo ko sa pader. Ininda ko ang sakit at muling tumingin sa kanya. Teacher ako ... teacher niya ako, bakit parang impossible itong nangyayari ngayon? Isang teacher, gaganituhin ng isa sa kanyang estudyante?


Isang teacher—Napatingin ako sa kanya na nakatayo pa rin doon habang nakasandal sa pader, may kinuha siyang sigarilyo mula sa bulsa niya at sinindihan ito. Nakatingin lang siya sa akin nang sipain muli akong sipain ng kasama niya.



"Para yan sa pagpapanganak mo sa Hanako na 'yun. Sana nagpalaglag ka na lang. Psh!" inis na inis na sabi niya at isang sipa na naman sa tagiliran ang natanggap ko. Mas lalo siyang lumapit at tinanggal ang nakadikit na tape sa bibig ko. "Teacher Maeganne, salot yang anak mo. Alam mo ba yun? Ay mukhang alam mo nga," ngumisi siya bago ipagpatuloy ang sasabihin niya. "Pinamigay mo nga siya, di'ba?"

 

"Hindi totoo yan! Kinuha siya sa akin! Hindi ko kagustuhan ang lahat ng nangyari! Kinuha sa akin ang anak—" binalik niya ang tape sa bibig ko bago ko pa man matapos ang sasabihin ko.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon