C37: Friendship.

112K 2.1K 512
                                    


"This isn't a crush, it's obsession. You are never not in my thoughts. Your scent carries across a room and paralyzes me with longing. I don't want to hold your hand. Part of me wants to set you on fire and hold you while the flame consumes us both, to eat your heart so I know that only I possess it entirely." ― Gwen Hayes, Falling Under

--------------------------------------------x

SANDRIA'S POV

 

NAGISING ako sa paulit-ulit na tunog ng mga orasan.  Tik tak. Tik tak. Paulit-ulit. Sabay sabay. Napakadami. Minulat ko ang mga mata ko saka ko napagtanto na nasa isa akong kwarto. Isang kwarto na halos mapuno ng orasan ang dingding.


Nasaan ako?


Tumayo ako ngunit biglaan akong natumba. Hindi ko namalayan na may tali pala ang mga paa't kamay ko. Muli akong napaisip sa mga nangyari. Ang tanging naalala ko lang ay ang pagtaas ni Miaka ng kutsilyo saka—saka ... may humatak sa akin sabay tapal ng isang panyo sa bibig ko.


Pamilyar na panyo.


Nahawakan ko pa nga ang kamay ng gumawa sa akin 'nun. Panigurado na isang lalaki. May matigas na pangangatawan at noong nahawakan ko siya, para bang nakilala ko na kung sino iyon. Parehas na pangyayari, parehas na kamay ... noong gabi iyon.

 

"Bitawan mo ko!"

 

Nakarinig ako ng isang malakas na sigaw mula sa malapit na room dito sa kinatatayuan ko. Hinigpitan ko ang pagkakahawak sa strap ng bag ko habang papalapit sa room na iyon. Sino naman kaya ang tao sa school sa oras na ito?


"Ano ba Hanako?! Pakinggan mo naman ako!"

 

Boses ng isang lalaki. Pamilyar. Oo, tama—siya nga.

 

Mas binilisan ko ang paglapit at ng nakarating na ko sa harapan nito ay agad kong binuksan ang pintuan. Bumungad sa akin siya at si Hanako na magkaharap. Nakahawak siya sa leeg ni Hanako habang si Hanako ay pilit na kumakawala sa pagkakasakal sa kanya nito.

 

Napabitaw siya sa pagkakasakal kay Hanako ng nakita niya ako sa may pintuan. Saka naman tumakbo si Hanako palabas. Ilang sandali ay halos tumakbo na siya palabas ngunit bigla kong hinawakan ang kamay niya .

 

"Hindi ko alam na ganyan ka po pala at lalong hindi ko alam ang koneksyon nyong dalawa ni Hanako at nadatnan ko kayo sa ganung sitwasyon," wika ko sa kanya.

 

"Wala kang pakialam," ang huli niyang sinabi bago kalasin sa pagkakahawak ko ng kamay niya at umalis upang sundan si Hanako.

 

Kaya pala.


Noong gabing iyon, doon ko napagtanto na may iba pa pala silang relasyon bukod sa nakikita namin. May dahilan pala ang kakaiba niyang pagtingin sa kanya at lalong may dahilan ang ang dati ko pang pinagtataka na tawag niya.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon