C19: The liar.

142K 2.4K 501
                                    

 

"He, who lies." 

--------------------------------------------x

LUNA'S POV

 

UMAGANG-UMAGA, umuulan na naman. Maganda sana ang simula ng araw ko kung hindi lang bumungad sa akin ang ingay ng klase sa pagpasok ko pa lamang. Mga panira ng umaga. Halos hindi rin ako makatulog kagabi sa kakaisip. Masyado na ata akong nag-alala para sa mga taong ito. Bakit ko pa ba kailangang makialam sa mga away nila? Hindi naman ako kasali doon. Ayaw kong manyari ang mga pagkakamali ko sa dati kong pinapasukan na eskwelahan. Baka makita ko na lang ang sarili ko na nakikihalubilo sa kanila. Hindi pupwede.


Kung ano man ang problema nila, wala na ako dun. Tatandaan ko na ito mula ngayon, iiwasan ko na ang masyadong pakikialam sa mga nanyayari sa loob ng klase. Basta, ang akin lang, nandito ako para alamin ang mga bagay na bumabagabag sa akin. Hindi sa problema nila sa isa't-isa o ano pa man. Ang malaman kung ano ba talaga ang nasa eskwelahan na ito. Ang pagkamatay ng ibang estudyante, kasali na si Denise, ang taong kinamumuhian ko sa lahat.


Kahit ako, hindi ko alam kung ano ba ang mapapala ko kung sakaling malaman ko kung ano ba talaga ang nanyari kay Denise pero wala akong magawa... para bang uhaw na uhaw ako sa katotohanan. Ngunit sigurado ako sa isang bagay, ginagawa ko ito para sa pansarili kong kaluguran hindi para kay Denise. Gusto ko lang, nais ko lang malaman.


"Tuna." Hindi ko nilingon ang lalaking nagsalita na iyon. Sigurado kasi ako na tataas lang ang dugo ko pag nakita ko na naman ang pagmumukha niya. "Tuna." Tawag niya ulit. "Tuna. Tuna. Tuna banana." Sa sandaling iyon ay nilingon ko siya habang nakakunot ang noo. Gustong-gusto niya talagang binabalahura ang pangalan ko.


Tanga talaga.


Pero tong tangang 'to ang tanging tao na kinakabahan ako sa lahat. May kung ano talaga sa kanya na kahina-hinala. Kung titignan mo siya, tanga lang ang makikita mo pero sa tuwing may kung anong kislap ang nasa mata niya, iisipin mo agad na may iba siyang iniisip. Ibang-iba sa karaniwang pag-iisip ng mga tanga.


"Sa wakas, lumingon ka rin. Makinig ka kasi sa kanila." Mukhang ang tinutukoy niya ay ang diskusyon ng klase. Nasa harap si Sandria at Raphael habang nasa gilid naman nila si Katherine, sa pagkakaalam ko, sila ang tatlo sa pinakamataas na posisyon sa klase.


Bakit pa ako makikinig? Eh hindi naman imporante ang diskusyon nila? Mas importante pa ang mga iniisip ko kaysa sa kaartehan nilang lahat. Sila na rin ata ang magpapatayan eh, hindi malabo iyon. Sa mga nanyayari ngayon sa klaseng 'to, wala ng pag-asa. Wala naman talagang pag-asa sa simula pa lamang ngunit mas pinapalala nila at mas pinapalamang ang mga kalaban.


Kung iisipin, medyo tahimik ang mga pumapatay. Nakakapanibago at nakakakilabot. Mula noong namatay yung lalaking palaging nakaupo sa teacher's table, kung sino man siya... wala ng nanyari pa ulit. Hindi na ba sila gagawa ng isa pang krimen?

O

Mas matindi ang kanilang susunod na gagawin?


"Buhay si Hanako."


Napatingin ako sa harap ng narinig kong magsalita si Sandria. Tumingin siya sa lahat at bago siya magpatuloy ay dumagsa ang komento sa buong klase, na akala mo naman ay importante ang mga walang kwenta nilang mga reaksyon. Nakakapagtaka rin. Wala si Sapphire at yung sigang lalaki na palaging nakabuntot sa kanya. Tsss. Bahagyang nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Sandria, hindi ko maipaliwanag kung ano man iyon pero para siyang kinabahan at nagulat. "Paano ko nasabi? Iyon ang tanong nyo diba?" Tumigil siya ng ilang segundo saka muling nagpatuloy. "Wala. Sa totoo lang, wala pa kong pruweba pero ito, aaminin ko na sa buong klase na binanggit sa akin ni Hanako ang tungkol sa paghihiganti. Yung nanyari ang bagay na yon. Sinabi niya sa akin na iisa-isahin niya lahat ng may sala, lahat ng walang ginawa at lahat ng umapi sa kanya. Iisa-isahin niya tayo at malaki rin ang posibilidad na kasama ang mga teachers. Nung nakita ko ang bangkay ng kaklase natin, muli kong naalala lahat ng sinabi ni Hanako. Si Hanako lang ang may dahilan upang gawin ito." Tuloy-tuloy niyang sinabi.

Class 3-C Has A Secret 2 | completedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon