Chapter Five

9.7K 416 33
                                    

Cielo

Napakalaki ng abalang ginawa ng taong ito at imbis na nagpapahinga ako, nandito ako ngayon sa Hospital. Kainis! Hindi ko naman maiwan. First, it's getting dark at konti na lang ang tao sa park. Ayoko naman makunsensya kung iwan ko talaga siya mag-isa.

"It's good na nadala ka dito. Hindi naman siya ganun ka grabe but good thing na agapan natin. And maybe 3 days or a week magiging okay ka na."

"Thank you po, Doc"

"Sige, maiwan ko muna kayo."

"Pero sana yang pagiging clumsy mo bawas bawasan mo! Walang gamot dyan." I scolded her.

"Ewan ko sayo! " I just rolled my eyes.

Tignan mo? Tinulungan mo na gaganyanin ka pa. Hindi ba niya alam? Na napaka clumsy niya at sinisisi pa niya ko dahil doon. Annoying girl.

"I'm going to leave, just call your parents para masundo ka."

Tumalikod ako nagsimulang maglakad siguro naman tama na yung pag tulong na ginawa ko sa...

"Wala na akong magulang na matatawagan pa."

Para akong napako sa kinatatayuan ko, nanglamig ako dahil sa sinabi niya at ramdam mong nandoon yung lungkot.

Humarap ako sakanya nakayuko siya. Wrong move Cielo, wrong move.

"I-m sorry... I didn't..."

"Okay lang yun! Hindi mo naman alam." Pinilit niyang ngumiti kahit kitang-kita sa mga mata niya ang katotohanan.

"Is there someone you can contact?"

"Meron naman... teka nasaan na ba yung.. Aysh! Kung minamalas nga naman talaga! Lowbat pa! Bwisit naman oh!"

Napabagsak na lang ang magkabilang balikat ko sa nangyayaring kamalasan sakaniya at pati sa akin.

"Come, I'll take you home."

Hindi pa pala tapos ang charity work ko kung mamalasin ka nga naman talaga dahil nagger pa yung tinutulungan ko.

Wala akong choice kung hindi ang ihatid siya kung saan siya tumutuloy.

Nandito kami sa tapat ng isang building tumigil. Nagdo-dorm siya pala siya. May babaeng tumatakbo pababa ng hagdan at mukhang kasamahan niya.

"Isay! Isay!! " Bigla siyang naghysterical sa loob ng kotse.

"Can you please stop?! Oh god!"

At siya pa ang may ganang irapan ako? Ibang klaseng bunganga na nga ang mayroon siya, siya pa ang matapang?

"Rara! Anong nangyari sayo? Kanina pa kita hinihintay, bakit ngayon ka lang? Bakit ka nakasakay sa mamahaling sasakyan? Girl?! nang carnap ka?! "

Hindi ko mapigilan mapangiti parehas sila ng taong ito, nagger yung isa at ang isa shouter. Ano nalang feeling ng kasama mo yan sa dorm? Disaster?

"Loka! Hindi ko itoo ni-nakaw at basta! Long story--"

Bumaba ako ng kotse para pagbuksan siya ng pinto at alalayan tumayo gusto ko na umuwi. I'm tired helping this clumsy woman.

"A-no Isay siya yung tumulong sa akin, ito si Isay dormate ko, Isay si ano--"

"Cielo." Tipid kong sagot.

"Thank you ha? Tinutulungan mo ito kahit na ganyan siya by the way, you're beautiful... ay mali gorgeous pala."

Napangiti ako buti pa itong kaibigan ng nagger na ito marunong mag appreciate ng aesthetic.

"Sus panget naman ugali."

"Ano yun Rara?" tanong ng kasamahan niya

"Saying something? " tinaasan ko siya ng kilay dahil narinig ko ang huli niyang binulong.

"Wala! Sabi ko salamat." Sabay irap niya. Tignan mo talaga ang isang ito pero palalagpasin ko ito ngayon.

"Here's her stuff. I'll go now." Walang ka latoy-latoy kong binigay yung gamit niya sa kasama niya at tumawag ako ng guard para tulungan sila tsaka ako sumakay ng kotse at umalis.

Habang nasa biyahe naalala kong may tatawagan pala ako and great, hindi ko mahanap yung phone ko dito sa kotse.

Tamang-tama at red light sa intersection. I started looking for my phone pero hindi ko talaga makita.

"Fuck! Where did I put it? Where...got it!"

Tinignan ko kung ano hawak ko.

"Wallet? Shit!"

Nagulat ako ng biglang bumusina yung truck sa likod ko, nag-green light na pala kaya itinabi ko yung wallet na nadampot ko. Mamaya ko na titignan pagdating ko sa bahay.

Pagpasok ko ng mansyon, maraming gamit at travel bag sa living room. I guess dumating na siya.

"Hey! Sweetheart! "

"Hey, when did you arrived? And where's Mom?"

"A while ago, she's okay and as usual taking care of the company. What about you? Hows life in here? It's been 20 years since then, 'di na marunong gaano mag-filipino... it's funny, right?"

"Still the same." I shrugged my shoulders.

"Sweetheart! Let's go to a party! This is Manila baby! Beautiful girls around, come on! "

"Shut up Cindy! You're still a playgirl. Do what you want. I'll go upstairs. "

"Killjoy!" I just smirk at her at iniwan siyang mag isa sa salas. Wala akong panahon ubusin ang oras ko sa mga party na puro ingay at usok ang laman.

Pag-akyat ko sa kwarto, nag-shower agad ako. It's been a long day nakakapagod at mukhang napundi ata tenga ko sa babaeng yun. Speaking of the nagger, sa kanya ata yung wallet na nadampot ko.

Pinatay ko yung shower at lumabas ng bathroom.

"Hey sweetheart who's this? She's cute." I jolted in shock seeing her standing beside my bed.

Siraulo talaga itong twin sister ko. Yes, she's my twin pero magkaiba kami ng ugali. She likes parties and having a good time with her girls and also a yes, she's a lesbian. That's why I take charge sa company cause shes not serious about it.

"What are you doing in here? Why can't you just knock? Para kang taong tabon!"

"What? taeng teybon? "

Yung tao ginawang.. aysh! Ano ba itong kapatid ko? alien?

"Just stop speaking filipino." Sabay irap sakaniya.

"What ever. Hey! I'm asking who's this?"

Tinapat pa niya talaga yung picture ni nagger sa mukha ko. Sawang sawa na ako sa pag mumukha niyan!

"Give me that!" kinuha ko sa kamay niya yung wallet at tinignan ko yung I.D.

Rara Emprey...

Hmm... Emprey?

"Stunned?" Tumingin ako kay Cindy at kita ang pang-aasar sa mukha niya.

"Shut up! Get your ass out!" tinulak ko siya palabas.

Isa pa itong makulit! Bakit kailangang maging ganito ang araw ko?

"But--"

"But?!" I raised my eyebrows.

"Ops! Sorry!"

Tsaka siya tumakbo palabas ng room. Pwede bang umuwi na lang siya sa America? Para akong nag aalaga ng batang baliw dito. Buti na lang wala yung isang bwisit sa bahay at nasa business trip.

Tinignan ko ulit yung wallet ni nagger at bigla ako nakaramdam ng inis dahil mapipilitan akong ibalik at higit sa lahat, makikita ko na naman siya.

"Damn it!"

One Seat Apart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon