Chapter TwentyTwo

8.5K 364 20
                                    

Rara

Nasa biyahe na kami pauwi. Tahimik sa sasakyan dahil mga puyat yung kasama ko nag inuman sila kagabi sa loob ng room. Hindi na sila nag bar dahil baka may gulo na namang mangyari. Sa lahat ay si Cindy lang ang hindi tinatalaban ng alak kaya siya na ang nagmaneho pauwi.

Tinignan ko yung relo ko, ala singko palang ng umaga. Madaling araw kami umalis dahil may meeting si Cielo pag dating niya at marami pa siya aayusin. Yung sugat niya sa tagiliran niya kami lang nakakaalam ayaw niya sabihin sa kapatid niya para hindi na mag alala si Cindy. 

Naalala ko nanaman yung halik niya pakiramdam ko nakalapat parin yung labi ko sakanya. Ang lambot

Lumingon ako sa kanan nakita ko siyang mahimbing ang tulog napangiti ako ng di ko namamalayan. Umurong ako palapit sakanya hinawakan yung ulo niya at dahan dahang sinandal sa balikat ko-- ang bango niya. Dahan dahang bumigat ang mga talukap ko di ko namalayang nakatulog ako

"Rara?"

"Hmm..."

"Rara? Wake up"

Pamilyar na amoy ang unti unting nag pamulat sakin

"Cielo--" 

"Gising kana nandito na tayo sa mansion, you can sleep sa kwarto ko"

Pumikit pikit ako unti unting luminaw paningin ko, wala na sa dalawang pulgada ang layo ng mukha namin kaya naman napaigtad ako agad naramdaman ko yung init ng mukha ko bigla akong kinabahan

"Cielo naman!"

"What? I'm just waking you up? Ang init ng ulo mo"

Aba! Inirapan ako!

"Pwede naman kasi akong tapikin o yugyugin"

"Why?--" bigla siyang nag smile ng nakakaloko

"Ayaw mo ba ng ganito kalapit ng mukha ko sayo?"

Napalunok ako habang nakatitig sa mga labi niya habang nilalapit yung mukha niya sakin

"Do you want to kiss me?"

"Ano?! Hindi ah!-- what the?"Kiss? Like! Duh! Hindi noh! Pero-- ugh! Slight! Oo sige na slight!

"Oh really?" Lalo niyang nilalapit yung mukha niya pipikit na ba ako? Ugh!

"Hey Sweetheart! Stop teasing Rara"

Bigla siyang lumayo nung sumigaw kakambal niya, hay! Thanks Cindy para akong isang tupa dito at leon ang nasa harap ko na handang handa akong sagpangin ano mang oras

Bumaba ako ng sasakyan at pumasok sa mansion niya. Napansin ko si Isay gulat na gulat sa nakikita niya parang ako noong una kong punta dito. Lumapit ako sakanya sabay tapik sa balikat

"Girl gulantang ka ano?"

"Oo girl! Daig ko pa nakita si shomba! Napaka laking bahay grabe"

"Ganyan din ako ng mapunta dito,mas magugulat ka sa cr nila" napangiti tuloy ako dahil noong unang punta ko ay nakasabay ko maligo si Cielo at unang pag kakataong nakita ko siyang walang damit--

"Ano teh? May naaalala kaba sa cr? Kung maka ngiti ka wagas! Share mo yan ng matuwa ako"

"Wala! Dun kana maupo ka" sabay turo sa malaking salas ng mga Lopez

"Goodmorning Ma'am Emprey" Bati sakin nung mga kasambahay nilang labing pito-- wait labing walo? Ah basta!

"Woah! Taray girl kilala ka nila. Yung totoo? Suki ka dito ano?" Baliw talaga tong kaibigan ko. Well hindi naman masyadong suki. Tambay lang ng kaunti

One Seat Apart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon