Chapter Four

9.7K 418 31
                                    

Rara

Kainis! Kamalas malasan nga naman ngayon araw!  Una, natapunan ng kape at ngayon naman natalisod at mukhang na sprain ko pa ang paa ko, bwisit. Pero mas bwisit yung babae na yon! Kung makatawa kala mo close kami? At ang sungit pa! Akala niya ang ganda niya? Pwes! Uhm, maganda siya pero ang panget ng ugali niya at isa pa, hinala ko siya yung babae na nagtapon nung papel na siningit ko sa upuan. Bwisit!

Napabuntong hininga na lang ako. Paano ba ito? Hindi ko talaga maitapak yung paa ko ang sakit sobra. Malas!

"Ang malas mo, Rara!" sigaw ko dahil sa pagkainis.

"Come,"

Tumingala ako, yung babae na naman kanina na pinagtawanan ako na ngayo'y inaabot sa akin yung kamay niya. Leche! If I know baka itulak lang ako nito pag tayo ko kaya tinabig ko yung kamay niya palayo.

"Ayoko! Hindi ko kailangan ng tulong mo!"

"You know what? I don't know who you are and I don't want to know you either. Nandito ako para tulungan ka, nagsasayang ako ng oras sayo kaya kung pwede wag kana mag-inarte?"

Aba! Siraulo ito, ah! Tutulong na lang ang sama pa ng ugali. Pasalamat ka at hindi ako nakakatayo kung hindi ay baka binugbog na kita!

"So, ano?"

"Bwisit ka! Bahala ka! Umalis ka nga dito! Nasusura ako sayo! Ang ganda mo pero panget naman ng ugali mo!"

"So, be it."

Tsaka siya tumalikod sa akin. Nakakainis sobra! Gusto kong sumigaw at ipabugbog to sa mga tambay sa kanto!

Pinilit kong tumayo kahit sobrang sakit kapag tinatapak ko ang paa ko... Nagawa kong ihakbang ang paa ko. Huminga muna ako nang malalim para isunod ang paghakbang ko pero hindi ko pa man naitatapak ay natumba na ako.

"Ay!!"

Namalayan ko na lang na nasa bisig niya ako... Hindi ko napigilan maamoy ang babaeng ito na ubod ng bango at lambot ng katawan. Hindi ko alam sasabihin ko, akala ko... Hindi na niya ako tutulungan?

"I told you, wag kana mag-inarte. Just shut up and let me help you. Saan ka nakatira?"

"Ah, pwede bang itayo mo muna ako nang ayos bago mo ako interviewhin? Pwede ba-- ay! ano yan? Bakit ka nakaganyang pwesto?"

Tumalikod at nakaupo siya sa harap ko. Ano to? natatae ba siya?

"Just do it! I'll give you a piggy back ride."

Seryoso ba siya? Nakakahiya naman sa office attire niya tapos bibitbitin niya ako nang ganon? Eh, baka ilaglag lang ako nito, eh!

"Ayoko baka ilaglag mo ako!" nakita kong umikot ang mga mata niya sa inis.

"You know miss... what's your name?"

"Rara at bakit? Teka, akala ko ba wala kang balak kilalanin ako, ha? Eh bakit mo tinatanong pangalan ko ngayon?"

Tignan mo ito! Pa english english pa na 'I don't want to know you' eh magtatanong din pala ng pangalan!

"I j-just want to know your name para mapa ambush kita kung patatagalin mo pa ako sa pag kakaupo dito kasi iiwanan talaga kita!"

Ambush your face! Kung hindi lang talaga ako na sprain talagang sisipain ko to, eh!

"Oo na! Sasakay na!"

Yumakap ako sa leeg niya at siya naman mga braso niya ay inikot sa binti ko at nilagay sa gilid. Todo kapit ako sakanya nung tumayo na siya. Pag kakataon ko ito para masakal siya.

"Don't you dare."

Nahalata ata niya kasi sumisikip ang pag kakakapit ko sa leeg niya.

Dahil na bobored na ako sa tagal niya kasing maglakad, hinawakan ko yung buhok niya... fluffy brownish red and w-wavy...

"Can you stop that?"

"Stop what? "

"Yan pangangalkal mo sa buhok ko. Wala kang makukuhang kuto dyan."

Napaka arte naman nito! Tinitignan ko lang naman eh. Sige, balakubak nalang titignan ko, bwisit ka!

Tumigil siya saglit sa tapat ng isang sasakyan kulay black... Mercedez Benz ito! Patay ako nito dahil mayaman itong nakabangga ko baka ipa-ambush talaga ako!

Mayaman siya, check! Maganda siya, check! And she looks familiar na parang nakita ko na siya somewhere? Magazines? Hindi kaya siya yung babaeng nabasa ko? Pero parang imposible sa isang may-ari ng malaking kumpanya ay mag-iisa at wala manlang body guards?

"Ahm, pwede magtanong?"

"Watch out."

Binuksan niya yung front seat tumalikod para ma i-upo ako...

"Aray!" sinapo ko yung likod ng ulo ko na tumama sa sasakyan.

"Oh, well done." Halatang pinipigil niya ang tawa niya. Napaka hudas talaga ng babaeng ito!

"Nananadya ka ata? Na sprain na nga ako, bubukulan mo pa ako?"

"Just shut up and stop being clumsy, now get your feet inside baka maipit pa yan sa pinto at sisihin mo pa ako."

"Teka! Saan mo ko dadalhin? "

Pinaandar niya lang yung kotse, saan ako nito ipupunta? Wala akong pambayad ng ransom at hindi pa ako ready makidnap! May mga pangarap pa ako!

"Sa hospital, you can't go home with that sprain."

Ang exaggerated ko ata sa una kong naisip. Akalain mo yun? may bait din pala tong maldita na ito.

"Ano ang itatanong mo? "

Itatanong ko ba? Kasi kamukha niya yung nasa magazine at baka naman siya yun pero isang milyonarya na pupunta sa park without body guards?

Sandali lang... nung isang araw may nakita akong mga naka bantay na guards malapit sa bench na yun

"What now, Missy? "

"A-ano, kasi... ikaw ba yung babaeng nasa magazine?"

Tumingin siya sa akin na parang tatawa anytime. Sasapakin na kita! Konti ka na lang sa akin!

"I know, I'm beautiful but hindi ako nag momodel sa magazine kahit marami nag-ooffer."

Sabay flip na buhok niya. Napairap na lang ako sa sobrang yabang niya. Oo, maganda siya at hindi iyon maitatago pero panget yung ugali na nakakainis pa!  Dapat pala hindi na lang ako nagtanong sa mayabang na ito. At dapat lang na hindi ko siya bigyan ng atensyon.

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now