Chapter Thirty Two

8.5K 311 12
                                    

Rara

Kahit kailan ay hindi niya ako binigo na pasayahin kaya naman ngiting ngiti akong papasok ng Clinic. Naabutan ko ang tropang pochi na nagkukumpulan hawak hawak ang isang phone. Hindi ko nalang sila pinansin kaya lumapit ako sa table ni Isay para halikan siya sa pisngi

"Girl kamusta—"

"Okay naman Isay... legal na kami" ngiting ngiti kong sagot sakaniya, agad akong niyugyog ng siraulong ito kaya nahilo ako saglit

"Sira ka talaga Isay! Nahilo ako doon!" bulyaw ko sakaniya dahil literal na naalog ang ulo ko at nag ikot ang paningin ko

"Girl?! sobrang saya ko para sayo!" Nangiti nalang ako dahil mas tuwang tuwa pa itsura niya kesa saakin.

"Teka Isay, ano pinag kakaabalahan nila?"sabay nguso kila hilda

"Hay nako! Edi pinag chichismisan nila si Joy yung nasa kabilang department. Nalaman kasi nilang may girlfriend kaya ayan inii-stalk nila. Wag mo na pansinin yang mga yan mabubwisit kalang"

Nagulat naman ako nang biglang lumapit saakin si Hilda bitbit yung cellphone sa harap ko

"Huy Rara nandyan kana pala! Tignan mo oh, si Joy kasama Gf niya diba ang sagwa? Ganda naman niya kaso sa babae pumatol" agad na tumaas ang kilay ko, so anong pinalalabas nila?

"Ano ngayon?" Pagtataray ko dahil hindi ko gusto ang tabas ng dila niya

"Wala lang, nakakadiri syempre! Tsaka, hindi tanggap sa lipunan yan ano ka ba? Hay nako! Tara girls! Re-touch tayo" kumulo yung dugo ko! Kanina good mood ako ngayon badtrip na ako nakakainis sila! Anong pakielam nila? Ganoon ba karami ang hindi parin tanggap ang tulad ko? Namin?

Isang tapik sa balikat ang natanggap ko "Girl, sabi sayo wag mo sila pakinggan at mga walang magawa yun eh. Tanggap namin kayo kahit ano mangyari" ngumiti lang ako ng mapait kay Isay.

Buong araw ay nakasimangot ako dahil nakakabwisit talaga ang mga taong mapanghusga! Hindi naman namin pinili ang maging ganito dahil kusa itong dumating at naramdaman... wala silang alam sa mundo namin kaya dapat ay manahimik sila!

"Hey—what's with the face? Pagod ka ba or may nang inis sayo? Tell me," Si Cielo, agad niya akong hinalikan sa noo pag dating niya tapos na kasi yung duty ko. Naiinis ako hindi ko maayos yung mood ko

"Pagod lang—uhm, can we go home Cielo?" para namang nagulat siya sa sinabi ko

"Okay Rara" agad niyang pinagbuksan ako ng pinto ng kotse saka siya sumakay. Habang nasa biyahe wala akong imik. Gusto ko mag sorry sa kaniya dahil ganito ang inaasal ko pero hindi ko maayos ang mood ko.

*****

Cielo

I don't know what happened. Okay naman kami kanina walang problema pero bigla siyang naging moody at parang galit sa mundo. May nagawa ba akong mali?

"Hey, Sweetheart! What's with the frown face?" Nandito kami sa garden ni Cindy. Mula pag dating dito sa bahay ay hindi na ako kinausap ni Rara pero gusto kong isipin na pagod lang siya

"Damn!" Di ko mapigil guluhin yung buhok ko para akong mababaliw kaiisip!

"Take it easy! What happened?"

"I don't know!" Wala akong mapapala dito kapag umupo lang ako katabi ang kambal ko. I stand up and get my car key inside my pocket

"Hey! Where are you going?"

"To someone who knows what's wrong with Rara" I ran into the garage and start the engine of my car. Maybe she knows what happened dahil mas kilala niya si Rara kaysa saakin.

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now