Chapter Nine

8.7K 388 35
                                    

Rara

Nagising ako bigla sa ingay ni Isay at napabalikwas ako dahil akala ko nasusunog na yung dorm. Kung makasigaw kasi animo'y nagugunaw na yung buong building.

"Isay! Ano ba? Papatayin mo ba ako sa nerbyos?!" singhal ko dahil hindi maipinta ang mukha ko sa pagkainis. Ayoko pa naman nagugulat mula sa pagkakatulog.

"Girl! Pumunta ka dito dali!" sigaw niya mula sa mini sala namin.

Sobrang antok pa ako dahil anong oras na kami nakauwi ni Cielo tapos ang sakit ng mga paa ko tila nilalagnat sa pagod. Kung hindi ko lang talaga gusto bumawi hindi ako sasama sa kanya... Pero kung hindi ako sumama sakanya ay hindi ko pa malalaman kung sino yung taong binangga ko diba?

"Rara!"

"Oo na! Nandyan na."

Tumayo ako kahit masakit katawan ko at tamad na tamad ako sa araw na ito. Pumunta ako sa may pinto ng kwarto ko at nakita kong may bitbit na bouquet si Isay.

"Bagong manliligaw mo?" tanong ko. 

"Mukha ba?" sagot ni Isay habang inaamoy amoy ang hawak niyang mga rosas na pula.

Akala ko naman kung anong importante eh manliligaw lang pla niya. Pinagod pa ako sa pag tayo at ginising pa ako sa dumadagundong niyang tili. Tumalikod na ako at babalik sa kama para ituloy ang tulog ko.

"Sayo ito." Nagpantig ang tenga ko sa narinig ko.

Humarap ko kay Isay habang punong puno ng tanong ang mukha ko dahil sino na naman kaya ang siraulong mangliligaw sa akin kung halos nakalagay na sa noo ko ang mga salitang study first!

"Sa akin?" paninigurado ko at baka ginogoyo lang ako ng babaeng ito.

"Oo girl." Lumukot tuloy ang mukha ko lalo.

"Baka naman mali ng room na pinag iwanan?" pangungumbinsi ko pa.

"Girl, hindi ito naligaw kasi tignan mo may name pa." Lumapit ako para kunin yung bulaklak tinignan ko kung sino ang nakalagay sa card.

'To: Miss Emprey'

Para sa akin nga pero kanino naman galing?

"Sino ba nagbigay?" sino naman kaya ang posibleng magbigay ng ganito kakapal na bouquet of rose sa akin? Mukhang mamahalin pa ito.

"Ewan ko basta kumatok lang yung guard tapos pinaabot daw sakanya tinanong ko kung sino pero hindi din kilala ni manong. Kinantyaw ko pa nga si Manong na baka siya talaga yung nagpapabigay eh." Binatukan ko siya sa sinabi niya. Walang galang ang loka-loka na ito.

"Walang hiya ka talaga! Pati si Manong hindi mo pinatakas sa kalokohan mo!" 

Nilagay ko na lang  sa table yung bulaklak tsaka ako humiga ulit sa kama. Sobrang antok pa ako at wala akong balak alamin kung sino ang nagbigay. Kung gusto niya na pa misteryosong datingan ay bahala siya.

"Rara! Rara! Rara!"

Napabalikwas na naman ako sa gulat. Maaga akong mamamatay sa babaeng ito!

"Ano na naman yan, Isay?" irita kong tanong kasi parang alarm clock ang bibig niya.

"Nasa dyaryo ka!"

Sa pagkakataong iyon ay agad na akong napatayo ng wala sa oras. Bigla akong kinabahan dahil sa pagkakaalam ko ay wala pa akong kaso na kinasasangkutan kaya bakit ako malalagay sa dyaryo?!

"Seryoso?!" kinuha ko yung dyaryo sa kamay niya at tama nga siya na nasa dyaryo ako kita ko yung mukha ko kasama si Cielo.

"Girl! Artistahin ka dito! Sikat ka na! Saan ba kayo pumunta at parang ang sosyal? Dapat sinama mo ako para nasa dyaryo ako!"

One Seat Apart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon