Chapter Nineteen

12K 444 72
                                    

Rara

Hindi ko mapigilang hindi humikab ng humikab dahil puyat na puyat ako sa ginawa ko. Nakakainis! bakit ba kasi ginawa ko anv bagay na yun?! Hindi mawala wala sa utak ko yung nangyari! Rara isa kang pervert!

"Girl kanina kapa napapahampas sa mukha mo, malamok ba?"

Hay nako Isay! Kung alam mo lang gusto ko nang burahin yung mukha ko sa hiya! Sobrang nahihiya ako kay Cielo kaya di ko pa siya kinakausap kahit ngayon na nasa byahe na kami papunta sa kung saan. Maaga niya kaming sinundo kasama si Cindy at yung sekretarya niya na di ko matandaan yung pangalan

"Do you want an off-lotion?"

Napatingin ako kay Cindy na nasa harapang upuan. Nasa isang van kasi kami. Nakaharap siya sa akin habang naka luhod siya sa upuan.  Nasa tabi niya yung sekretarya ni Cielo si.. si.. Mich! Naalala ko rin

"No, Cindy okay lang ako" ngumiti lang ako sakaniya dahil ang cute niya. Para siyang childish version ng kapatid niyang impakta

"Kanina ka pa kasi nag slap ng face mo"

Oh No! Nagtatagalog na siya? Kailan pa?

"Shock ba ka?" Tumango lang ako sakanya dahil ang cute cute niya mag tagalog parang limang taong gulang lang

"Cindy stop talking Filipino! Nali mali ka naman"

Mula sa harapan narinig ko na ulit ang boses niya.. naalala ko na naman!

"Hey Mich!" Sabay kalabit sa ulo ng babaeng katabi niya

"Yes Ma'am Cindy?"

"What's I don't care in Filipino?"

"Uh... Ma'am it's wala akong pakielam"

"Oh thanks, hey sweetheart! Wala akong pakielam"

Hindi namin napigilang di tumawa ni Isay dahil ang cute cute niya mag tagalog at inalam pa talaga niya yung salita para lang sabihin sa kakambal niya pati si Mich natawa rin

"Galing ko na mag Filipino, right?" Tumango lang ako sakanya at nag thumbs up.

Naalala ko tuloy kanina kung gaano kalakas yung tawa ko sa itsura ni Isay dahil nung dumating sila sa dorm para sunduin kami eh hindi makapaniwala si Isay sa nakikita niyang dalawang Cielo sa harapan niya. Halos lumuwa yung mata niya dahil mag kamukha sila at kulay lang ng buhok ang pinagkaiba

"Hey! Isay, right?"

"Cindy! Sit down don't act like a 10 year old kid"

"Kill joy"

Ngumuso muna siya bago umayos ng upo. Cute grabe kabaliktaran ng kapatid niyang masungit, impakta, mapanglait, bastos, walang modo, mayabang, at.. at.. shocks! Bakit ba kasi na iisip ko yung nangyari kagabi?

Ilang oras pa ang lumipas ngunit hindi manlang ako dinalaw ng kapayapaan sa isip ko. Sobrang sakit na ng ulo dahil di ako makatulog. Cielo utang na loob patulugin mo ko!

"We're here"

Hinawi ko ang kurtina na tumatakip sa bintana nitong sasakyan, pag hawi ko ay tumambad sa akin ang napaka gandang hotel resort. Naglalakihang sculpture ang nasa paligid na gawa sa kahoy at isang fountain sa gitna. Halatang mamahalin ang lugar na ito

"Do not bring your things they'll do it for you, just go to the lobby" Utos niya na pagka sungit sungit! Ewan ko sayo hindi mo ko pinatulog!

"Tara girl!"  Hinila agad ako ni Isay pababa ng sasakyan sobrang excited niya

"Girl! Dito dali kunan mo ko ng picture!"

Ayon kaya po pala niya ko hinila para kuhanan siya ng litrato, bwisit ano? Tapon ko kaya to sa malalim na parte ng dagat? O kaya ilibing ng buhay sa buhanginan?

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now