Chapter Three

10.9K 422 14
                                    

Rara

"Hey Rara? Okay ba? Kung hindi, magsusukat na lang ako ulit."

"H-Ha? Okay lang..."

Aaminin ko na hindi ko maalis yung mata ko sakanya dahil gwapo siya at aminado ako, sobrang aminado.

"Rara, bakit hindi ka pa nagpapalit? Wala ka bang napili?"

Nagtungo siya papunta sa mga damitan na pang babae at kumuha ng isang plain grey three forts na damit sabay binigay dun sa babaeng staff tapos lumapit naman siya sa may mga jeans.

"Rara? Anong size ng bewang mo?"

What? Pakiramdam ko nag-iinit ang mukha ko dahil tila siya ang boyfriend ko na namimili ng damit para sa akin.

"J-July... ako na sa jeans."

Sumilip siya mula sa pagitan ng mga naka-display na damit. Nagtama ang aming nga mata hudyat upang  mapalunok ako, para bang may koneksyon yung tingin namin o ako lang nakakadama?

"You sure?"

"Y-Yes."

Tsaka ako tumayo at namili ng damit. Grabe ang mahal talaga dito at no choice naman ako kesa nakahubo ako... ang panget ng term ko.

Kinuha ko ang jeans na pinaka mura yung kahit mura na mapapamura ka.

Pumunta ako sa fitting room at sinuot yung kinuha niyang three forts para sa akin at yung jeans na napili ko. No doubt kaya mahal kasi ang ganda ng quality. Matapos kong suotin ay lumabas na ako.

"July?"

Lumingon siya sa akin yung slow motion pa, bakit pa kailangang maging ganito ang epekto ng natapunan ng kape?

"It really suits you."

Tsaka siya nagpakawala ng matamis na ngiti.

"Miss magkano lahat?" tanong niya sa kahera

"Seventeen thousand five hundred, Sir."

Niloloko niyo ba ako? Parang tumigas ang katawan ko sa narinig kong presyo. Tatlong pirasong damit ganyan na kamahal?! Pagtapos ko itong suotin i didisplay ko sa malaking aparador na may glass bawal hawakan o suotin. Para na naman akong tanga...

"Rara? Tara na gutom na ako."

Nasa may glass door na pala siya, kinuha ko yung uniform ko at gamit ko sa waiting area. Aysh! Ano ba ito? Ang dami kong librong dala, ganon na ba ako na nerd?

"Sabi sayo iwan mo na sa sasakyan yan, come and let me help you."

Kinuha niya yung mga libro kong bitbit kaya kinilig naman ako, feeling jowa naman si Ate girl niyo. Ay nako! Kung nakikita lang ako si Isay malamang yun pinaghahampas na ako ng tubo.

Habang naglalakad hawak-hawak niya ang mga libro ko. Promise, hahawakan ko din yan mamaya para kunwari may indirect contact kami. Ang laswa ko ata. Dyusko.

"Tara Rara ,masarap ang steak nila dito."

Sa pangatlong pag kakataon hinawakan niya ulit ako sa braso at kinaladkad, ang sweet diba?

Umupo kami malapit sa window kung saan tanaw mo ang mga taong dumadaan. Napansin kong ang dami kumakain dito at wala kang makikitang di kaayaaya.

"Rara, na i-order na kita ha? Tulala ka kasi kanina pa but don't worry alam ko na magugustuhan mo ang inorder ko."

"H-Ha? Teka ako na mag treat dito ha? Nakakahiya na kasi ang laki ng gastos mo sa damit pa lang."

"Ako ang lalaki dito at nag-aya saiyo kaya ako ang incharge, ako na bahala." Aysh! Hindi na ako makaangal kasi naman nakakahipnotize ang kanyang mga tingin at ngiti.

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now