Chapter TwentyEight

8.5K 345 56
                                    

Rara

Ramdam ko ang pagbagsak ng mga mata ko nang maaninag kong humarap sa akin ang magandang nilalang na nakaupo at nakatingin sakin. Dahil dito parang nawala ang antok ko kaya nagtulog tulugan ako para mapagmasdan ko ng payapa ang maganda niyang mukha. Naramdam ko pag bilis ng tibok ng puso ko habang tinititigan ko siya... bakit palagi nalang ganito ang puso ko kapag siya ang tinititigan ko?

Pinikit ko nang tuluyan ang mga mata ko nung marinig kong may kumatok. Naramdaman kong tumayo siya at binuksan ang pinto.

"Oh, Cindy is there any problem?" Halata sa boses niyang gulat siya.

Hindi ko gusto makinig sa pag uusapan nila pero naririnig ko sila kaya ano magagawa ko?

"Sweetheart! I have a good news!"

"Spill it out" halatang hindi siya interesadong marinig ang sasabihin ng kakambal niya

"Nikki is here!"

Kumunot ang noo ko sa narinig kong pangalan ng babae. Sino si Nikki?

"Cindy pumunta ka dito para lang sabihin na nandito na ang kung sinong babae mo? Really Cindy?" iritable na ang boses ni Cielo

"What the?! Sweetheart! It's Nikki! You don't remember?"

"Who's that?" Sino nga ba ang babaeng sinasabi ni Cindy?

"It's Nikki! The model that we met in the States! For Pete's sake! Sweetheart!"

Napadilat na ako sa narinig kong nakilala nila ang babaeng sinasabi ni Cindy sa states. Pero bago pa man lumipas ang ilang segundo ay agad akong pumikit dahil ayokong makita niya na gising pa ako at nakikinig sa kanila.

Model? Sinong model yon? Teka! Bakit ba ako interesado? Malay ko kung kaibigan nila yon sa States

"Don't tell me she's the one that--" bakit parang hindi makapaniwala si Cielo?

"Yes, sweetheart! She's here in the Philippines, she called me and she really wants to see you!"

Napadilat ulit ako sa narinig kong 'she really wants to see you'

Bakit parang kinakabahan ako? Hindi ko gusto ito. Sino ba kasi ang Nikki na yon? Pero ano bang pakielam ko? Bakit ba ako nakakaramdam ng inis? Rara umayos ka!

Muli ko nalang pinikit ang mga mata ko dahil baka mahuli niya ako na gising pa.

"Matutulog na ako Cindy bukas na natin pag usapan yan" halatang wala siya gana kumausap bigla.

"But-- " narinig ko nalang na sinaraduhan niya ng pinto ang kakambal niya. Kakaiba talaga siya magpalit ng mood.

Maya maya pa ay naramdaman kong humiga na siya sa tabi ko. Inaasahan kong yayakapin niya ako pero hindi ito nangyari, masakit talaga ang umasa

Sunod sunod na buntong hininga ang narinig ko sakanya dahilan para mapadilat ako at tignan siya. Nakatalikod siya sa akin kaya hinawakan ko ang braso niyang napakalambot. Pagdikit palang ng palad ko sa balat niya ay tila may kuryenteng gumapang sa katawan ko... sakaniya lang talaga ako nagkakaganito, bakit sa isang babae pa?

Nagulat ako nang bigla siyang humarap saakin dahilan upang magtama ang aming mga mata. Patay na ang ilaw pero nakikita ko parin ang maganda niyang mukha dahil sa liwanag ng bwan na nanggagaling sa malaking bintana. Bumibilis ang pag pintig ng puso ko na parang ako naman ang kinakapos ng hininga ngayon

"Hey, are you okay Rara?" Nakakaakit yung boses niya. Wag kang bumulong Cielo, please.

Napadako ang mata ko sa kanyang labi tila inaanyayahan akong lumapit at hagkan ito

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now