Chapter Eighteen

9.3K 443 33
                                    

Rara

Nakakainis! Sobra! Tama bang halikan ako?! Wala talagang modo yung babaeng yon! Napatakbo tuloy ako paakyat. Iniwan ko siyang nakatayo pag tapos niya akong nakawan ng halik dahil hindi ko nakaya ang bilis ng tibok ng puso ko parang lalabas dahil sa ginawa niya

Huminga ako ng malalim bago ko buksan yung pinto ng dorm. Naabutan ko si Isay naka upo sa study table niya nag susulat

"Di ka pa natutulog?" Agad kong tanong nang maisara ko ang pintuan.

"Inaantay pa kita eh" sabi niya ng di nakatingin sa akin

"Wow bago yan ah dati kasi pag dumadating ako para kang na knockout ni Pacman eh" hindi niya pinansin ang sinabi ko. May dalaw siguro ang babae na ito

Humiga ako sa kama ko dahil nag wawala parin yung puso ko ramdam ko parin yung labi niya sa labi ko

"Hay" buntong hininga ko habang hawak ang dibdib kong dinadaga

"Lalim ng iniisip girl ha? Sino ba yan?" Napaangat yung ulo ko dahil sa sinabi niya

Sino ba yan?

"Rara" tawag niya pero hindi parin siya tumitingin sa akin

Napalunok ako bigla, iba ang tono ni Isay ngayon ang seryoso niya. May nangyari ba?

"B-bakit?" Lalo akong kinakabahan. Ano bang nangyayari?

Sa pag kakataong ito lumingon na siya sa akin at seryoso yung mukha niya. Bakit ganito? May nagawa ba ako?

"Nakita ko kanina.."

Halos lumuwa yung mata ko sa sinabi niya.. tuluyan na akong napaupo sa kama. N-Nakita niya? Anong sasabihin ko? A-Ano bang nakita niya?

"H-Ha? Ang alin?" Pinipilit kong pakalmahin ang sarili ko dahil baka masyado ko lang iniisip ang lahat

"Wala" sabay balik ng tingin sa sinusulat niya

Hindi ko alam yung sasabihin ko para na akong mamamatay sa kaba sa pinapakita niya ngayon

"A-ano nga?" Pagpupumilit ko dahil hindi ko makakatulog nito!

"M-Magkaaway ba si Miss Cielo at July?"

Napakunot ang noo ko sa tanong ni Isay, magkaaway? H-Hindi ko alam pero parang ayaw ni Cielo kay July o ako lang ang nag iisip? Hindi ko alam.

"B-Bakit Isay?"

"Kasi nakita ko kaninang uwian diba nauna akong lumabas ng room kasi nga najejebs na ako. Nakita ko silang dalawa na nagtititigan at ramdam ko na may tensyon, hindi ko na nalapitan kasi mas malakas yung tensyon ng tiyan ko kanina"

A-Ano? Wala naman sinasabi sa akin si July tungkol kay Cielo kanina. Pero posible kaya? Dahil nakita ko si Cielo kanina kaya ako napalabas ng kotse ni July. Ano ba nangyayari?

"Huy! Ano tulala kana dyan"

"Hindi ko alam Isay, wala naman nababanggit si July sa akin na nagkita sila kanina ni Cielo" pero bakit hindi manlang niya sinabi sa akin?

"Ewan ko lang Rara. Yun ay tingin ko lang naman na may tensyon na nagaganap sa mga tingin nila. Hindi ko na rin gaanong inintindi dahil ang sakit na ng tiyan ko eh"

Tumayo ako at kinuha yung phone ko sa bag, tatawagan ko si Cielo tatanungin ko siya kung totoo ba yung sinasabi ni Isay. Naglakad ako papuntang balkon, ramdam ko agad yung lamig ng gabi. Wala pang dalawang ring ay agad na sumagot agad ang babaeng ito

"Hello--"

"Hi honey! Missing me already?"

Napakamot nalang ako sa ulo ko, tama bang tinawagan ko siya o hindi?

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now