Chapter ThirtyThree

7.5K 305 19
                                    

Rara

Kanina ko pa pinipilit alisin ang tali na nakapulupot sa mga kamay ko pero hindi ko maigalaw ang mga braso ko. Ang mga paa ko naman ay nakatali sa upuan at tanging dilim lang ang nakikita ko, dilim na tuluyang kumakain sa loob ko. Hindi ko na alam kung ilang patak na ng luha ang lumabas sa mga matang ito.

Napakasakit rin ng buong katawan dahil sa pag tanggi kong magparecord ng video para sa ransom kaya puro sampal at hampas sa katawan gamit ang matigas na bagay ang natamo ko. Ayokong gawin ito.. ayokong pupunta si Cielo dito dala ang perang hinihingi nila dahil alam ko ang mga demonyong ito ay hindi tutupad sa usapan. Alam ko na sa oras na makuha nila ang pera ay papatayin din nila ako at hindi ko kakayanin kung pati si Cielo ay madadamay sa gulo ng buhay ko... Hindi ko alam paano naging ganito ang lahat, bakit naging ganito ang lahat?

"Bakit!!!" Sigaw ko sa kawalan at tanging boses ko lang ang namutawi sa paligid. Napayuko nalang ako, hindi ko na alam gagawin ko Ma, Pa, Cielo... Bigyan niyo ako ng lakas. Hindi ko napigilan humikbi sa lahat ng takot na naramramdaman ko

"Bakit?" Isang tawa ang pinakawalan niya, hindi na ako nagtataka dahil siya nga ang Tatay ni July.  Siya nga ang nagpadakip saakin!

"Walang hiya ka!! Pakawalan mo ako!! Ano bang gusto mo?!" Pilit akong kumakawala sa mga taling nakapulupot sa kamay at mga paa ko

"Oh, ang gusto ko? Kayamanan niyo. Alam mo bang ang tagal tagal kong nag serbisyo sa magulang mo? Pero akala ko kung mapapatay ko sila sa isang aksidente kasama ang nag iisa nilang anak ay saakin mapupunta ang lahat. Kaso hindi pala dahil buhay ka, buhay kang hayop ka!" Isang malakas na sampal ang naramdaman ko dahilan para mabingi ako. Nanginginig ako sa galit, nag ngingitngit ang mga kalamnan ko! S-Siya ang dahilan kung bakit wala ang mga magulang ko?!

"Napaka walang hiya mo!! Sisiguraduhin kong mabubulok ka sa kulungan! Ipakukulong ka namin ni Cielo!!" Ngunit ikinagulat ko ang pagtawa niya nang malakas

"Si Lopez? Gusto mo ba siyang makita?" Parang natuyo ang lalamunan ko sa tanong niya.. hindi maaari ito!

"A-Anong ginawa mo kay Cielo!!" patuloy lang siya sa pagtawa na lalong nagpakaba saakin. Narinig ko ang pagbukas ng pinto, patuloy kong pinakikinggan ang sunod sunod na yabag

"Boss, hindi na makakalaban yan" Tila lalabas ang puso ko sa sobrang kaba.. hindi maaari ito, Cielo.. Unti unti ng namumuo ang mga luha sa mga mata ko

"Anong ginawa niyo kay Cielo! Mga walang hiya! Mga hayop!" tawanan lang ang sinukli nila sa galit ko. Hinatak bigla ang piring ko sa mata at tumambad saakin ang mukha ng pinakamamahal ko..

"Oh, tignan mo na ang Girlfriend mo at mag heart to heart talk. Tara boys magbilang na tayo ng pera"

Tuluyang tumulo ang mga luha nang makita ang taong pinakamamahal kong nakatali ang mga kamay sa likod at nakaluhod sa harapan ko. Nang lalamig akong makita siyang puro sugat ang buong katawan. Durog na durog ang puso ko

"C-Cielo.. I'm s-sorry" hindi ko na mapigil ang paghikbi ko. Sobrang sakit makita siyang ganito.

"K-Kasalanan ko ang lahat Cielo.." napayuko ako at patuloy na iniinda ang lahat ng sakit

"I'm here now," Isang boses na malambing ang lalong nag paluha saakin

"Huwag kanang umiyak at ayos lang ako may mga galos lang pero ayos lang ako" Inangat ko ang ulo ko para tignan siya.

Ang mga tingin niyang nagsasabing wag akong mag alala, sobrang sakit sa dibdib. Pinipilit niyang tumayo upang lumapit saakin.. bawat patak ng dugo niya sa sahig papalapit saakin ay katumbas ng pagmamahal niyang tunay. Alam kong hirap na hirap na siya bawat hakbang at gusto ko siyang hawakan at yakapin. Agad niya akong hinalikan sa noo nang makalapit siya na lalong dumurog sa puso ko

One Seat Apart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon