Chapter TwentyFive

9.4K 370 27
                                    

Rara

"Good morning Ma'am Emprey"

Bati sakin ni Mich pagdating ko sa tapat ng office ni Cielo. Nakakainis lang dahil pinapunta pa ako dito eh ayoko nga magtrabaho sa office dahil hindi ko alam ang galaw ng corporate world. Kung hindi lang dahil kay Ninang lalong lalo na sa magulang ko, hindi ako papayag na pumasok sa ganitong mundo. Malolosyang ako sa gagawin ko, internship tapos may pasok pa sa office? Baka mapawheelchair nalang ako sa sobrang pagod nito

Nakatayo lang ako dito sa tapat ng isang malaking double door na may naka ukit na bakal sa labas nito, ang apelyido ni Cielo

Unang beses ko palang papasok sa opisina niya at di maipagkakailang ubod ng yaman ang taong ito. Malayo na ang narating ni Cielo at alam ko pinaghirapan niya makamit ang lahat ng ito

"Pasok na kayo Ma'am, kanina pa naghihintay sainyo si Ma'am Cielo"

"Mich wag mo na ako tawagin ng pormal masyado, Rara nalang dahil magkaibigan naman tayo" ngumiti lang siya sakin at binuksan yung pinto. Agad niya itong sinara pag pasok ko sa loob.

Napakalaki ng office ni Cielo, halatang mamahalin ang lahat ng nandito sa loob, mula sa muwebles papunta sa lahat ng naka display. Napansin ko ang mga picture frame na nakapatong sa taas ng isang estante. Dumako ang mata ko sa malalaking bintana kung saan naka pwesto ang itim na office table niya na may nakalagay na plake ng Chairman. Tumambad sa akin ang isang magandang babae na nakaupo sa office chair at nakakalumbaba sa lamesa

"Late" sabay gawad ng matalim na tingin sa akin

"At least pumunta kaysa hindi" pagdadahilan ko

"Whatever" ito na naman siya, nagsusungit na naman ang isang magandang dilag

"So, ano pala ang eksena ko dito?" tanong ko habang nakahalukipkip sakaniya. Hindi ako lumalapit sa table niya, nakatayo lang ako dito malapit sa sofa set

"Working with me" Walang kalatoy latoy na sagot niya

"Tapos?" Alam kong makakatrabaho ko siya pero hindi ko naman alam kung ano bang mga pwede kong gawin

"By the way, may body guards ka na pala at nasa baba na sila"

What?! Bodyguards? Aanhin ko yun! Di ko kailangan ng mga magbabantay sa akin!

"No, hindi ko sila kailangan" pagmamatigas ko, ayoko ng may sunod ng sunod sa akin kung saan saan. Isa pa, kaya ko ang sarili ko

"Trust me Honey, Isa kang Emprey at hindi basta basta ang yaman mo, kaya nag hire ako ng guards para sayo" binigyan ko siya ng matalim na tingin

"Kaya ko sarili ko Cielo, at ako ang Emprey na mananatiling simple lang" Nakakainis! Bakit ba biglang naging ganito ang buhay ko? Simple lang naman akong mag aaral dati pero ngayon napunta ako sa isang sitwasyon na bago lahat

"No, hindi ko kakayanin kapag may nangyaring masama sayo" lumihis siya ng tingin matapos niyang sabihin ito. Lihim nangingiti sa sinabi niya kinagat ko ang labi ko para mapigil yung ngiti ko

"Mahalig ka ba sa race car?" halatang iniiba niya ang usapan

"Ako? Race car? Bumper car nga lang ay kung saan saan na ako napapadpad at nabubunggo, race car pa kaya?" ano naman ang pumasok sa isipan niya at tinanong niya sa akin out of nowhere ang bagay na yun?

"Well then, you're coming with me" Tumayo siya sabay lapit sa akin na kina atras ko. Hinawakan niya ako sa kanang kamay ko, kaya tila ba dinapuan ng kidlat ang katawan ko. Ngunit agad itong nawala nung kaladkarin niya ako palabas ng office niya

"Saan mo nanaman ako dadalhin? Wala ka talagang modo!" sigaw ko habang patuloy akong nakakaladkad palabas. Saglit lang na tumingin samin ang mga empleyado niya at bumalik ulit sa trabaho ang mga ito. Tila ba sanay na silang nakakakita ng ganitong eksena sa hallway ng opisina nila. Dumaan kami sa body guards na naghihintay sa amin sa baba ngunit sinaway naman sila ni Cielo sa pagsunod sa amin kaya nag dire diretso lang kami

One Seat Apart (GirlxGirl)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon