Chapter Seventeen

8.5K 440 21
                                    

Rara

Ilang linggo na nung huli kong nakita si Cielo. Wala nga siyang paramdam sa akin mapa text, call o di kaya ay pambubwisit sa akin sa campus. At ang weird, bakit ko ba iniisip to? Hindi ko siya namimiss! Hindi Rara! Tumigil ka dyan.

"Oh bakit kunot kilay mo? Umagang umaga girl tinalo mo pa yung natalo sa ending ng basketball kagabi"

Nandito kami sa canteen kumakain ni Isay tapos na kasi first subject namin at halos ma-late pa nga kami paano nagsira na naman tiyan nito. Ewan ko ba kung ano kinakain ni Isay at lagi nalang sira yung tiyan niya. Hindi naman siya kumakain ng basura kaya bakit palaging nagsisira?

"Ewan ko sayo Isay" inirapan ko nalang siya sa pinagsasasabi niya sa akin.

"Namimiss mo siya ano?"

Parang humakbang ng isang tibok yung puso ko at alam kong nanglaki ang mga mata ko. Paano niya nalaman? Teka, diba hindi ko siya namimiss? What the hell!

"Uy namimiss nga niya si July ikaw girl ha? Ano bang status niyo na?"

Nakahinga ako ng maluwag, akala ko si Cielo yung tinutukoy niya.

Ano ba? Hindi ko nga kasi siya namimiss!

"Wala magkaibigan lang kami Isay" at siya naman ang umirap sa akin

"Sus! Magkaibigan o mag ka-i-bigan? Harot mo!" Sabay hampas sakin yung totoo? Ako ba yung dapat kinikilig o siya?

"Speaking of July--" napatingin ako kung saan napatungo ang direksyon ng ulo niya.

"Hi! Rara-- goodmorning"

Napalunok ako sa pagkakadapo ng mata ko sa lalaking ito. Gwapo talaga siya at hindi ko maikakaila yon. Yung gwapo niya ay malinis tignan, goodboy looks kumbaga.

"Uy J-July kamusta?" Bati ko pabalik sakaniya nang makalapit siya sa table namin ni Isay

"Ayos na nung makita kita" nagpakawala siya ng isang ngiti galing langit. Hindi ko rin napigil ang pagngiti ko dahil sa sinabi niya

"Yie!! Ay! Sorry--" Pinanlakihan ko ng mata si Isay, parang timang kasi pinagtinginan tuloy kami sa lakas ng tili niya

"So, after class pwede ka ba? I would like to have a dinner with you kung hindi ka busy--"

"Ah-- eh kasi may thesis kami--" pagdadahilan ko dahil wala ako sa wisyo umalis. Ang gusto ko lang ay magpahinga pagkatapos ng klase.

"Ehem! Wala-- ay teka kukuha ako ng tubig nauubo ako" Siraulo talaga tong si Isay! Sabay alis ba naman? Akala ba niya hindi ko narinig ang sinabi niya? Makakatikim siya ng kurot sa akin pag balik!

"P-pero okay lang... S-Sige dinner lang naman tsaka nakakahiya kung tatanggihan kita" sabay bawi ko dahil mukhang narinig niya ang sinabi ni Isay. Nakakahiya kung magdadahilan pa ako.

Ngumiti siya at bahagya pang napasigaw ng 'yes' kahit na marami ang tao dito sa canteen ay hindi niya mapigil ang mapasayaw saglit. Bahagya naman akong natawa sa ginagawa niya

"Alright!  I will wait for you sa baba ng building niyo at hindi ako ma le-late promise!" Napangiti naman ako sa sinabi niya para siyang bata

"Sige na Rara una na ako may class pa ako. I will wait for you, okay? See you"

Tumango ako tsaka ngumiti sakanya. Mabait naman si July wala kang masasabi sa lahat ng pinapakita niya para sa akin.

"So kamusta?" Kinurot ko ang tagiliran niya pag dating na pag dating. Hindi ko napigilang hablutin siya dahil sa ginawa niyang kagaguhan kanina!

One Seat Apart (GirlxGirl)Where stories live. Discover now