Chapter Six

9.7K 424 11
                                    

Rara

Ilang araw na akong ikot nang ikot sa kwarto at sa buong building pero hindi ko talaga mahanap yung wallet ko! Naiinis ako dahil hindi pwede mawala yun, hindi dahil may pera yun kasi wala talagang lamang pera yon. Kung hindi dahil nandoon yung picture namin nila Mama at Papa, huling picture na mayroon ako.

Bumagsak na lang ako sa kama at tumingala, pagod na talaga ako kakahanap.

Nag-vibrate yung phone ko sa bulsa kaya kinuha ko agad. Pagtingin ko may nag-text pero number lang kaya hindi ko pinansin.

Ilalapag ko na sana sa table pero hindi na text ang natanggap ko kung hindi tawag na.

"Hello? Sino 'to?"

"Hi Rara! July nga pala, sorry naabala ba kita?"

Ang kanina kong mukha na nakasimangot ay nakangiti na ngayon dahil sa boses ng kausap ko.

"Ha?..ano h-hindi ah!"

"Ganoon ba? Kumusta ka? Hindi kita kasi nakikitang pumapasok kaya hiningi ko yung number mo kay Isay and sabi niya na sprain ka daw. I'm just checking on you."

Nag-alala ba siya? Pakiramdam ko rinig sa kwarto ang kalabog ng dibdib ko.

"O-kay na ako... Hindi kasi ako tumitingin sa dinadaanan ko, eh. Salamat sa pagkamusta, July."

Narinig ko siyang tumawa sa kabilang linya at naiimagine ko yung dimple niyang malalim. Shet ang gwapo!

"Sa susunod kasi mag-iingat ka and by the way, save this number okay? Para hindi mo naman ako matanong na, 'sino 'to'. Rara, get well soon."

"Thank you, July." Nakangiti lang ako habang nagsasalita.

"Bye."

Pagkababa ko ng telepono, walang gustong lumabas sa bibig ko at pakiramdam ko ang pula- pula ng mukha ko.

Agad kong pinindot ang save sa cellphone ko kasi sabi niya i-save ko yung number niya

Pagdating ni Isay ay i-kukwento ko iyong nangyari ngayon at sigurado akong magdadrama na naman yon at hihingin ang number ni July.

Nakalimutan ko yung pagod ko sa pag hahanap nung wallet ko pero kailangan ko talagang makita iyon. Hindi pwedeng mawala ang nag-iisang larawan ng pamilya ko.

°°°°°°°°

CIELO

"Are you sure you're going to be alright?"

"Ofcourse sweetheart! I'm not like you."

"Shut up! Just go call me if you need guards and I'll give you some tanod."

"Tanod? Whats that? "

Seriously? Tanod hindi niya alam? Wala talagang kwenta kausap tong kapatid ko. Sometimes I think na nauntog siya sa stretcher noong pinanganak kami.

"Leave." Tumalikod na ako at pinagpatuloy ang ginagawa ko.

Narinig ko nalang ang paglabas niya sa office ko, pinasasakit niya ulo ko but I'm happy she's here and I think she's planning to settle here mas marami daw kasing maganda dito kesa sa states.

Mula sa bulsa ko kinuha ko ang isang bagay na dapat itatapon ko na but my sister told me to give it back kaya hanggang ngayon na sa akin pa yung wallet ni nagger.

Binuksan ko yung wallet at kinalkal ang laman nito.
Maliban sa mga resibo papel at picture niyang selfie may isa pa akong nadukot medyo may kalumaan yung picture pero makikita mo pa rin yung mukha nung tao sa litrato.

Familiar sila sa akin... I think I saw them but I can't remember the details but really, I think I saw them.

It takes me back from my deep thoughts when Mich opens the door of my office.

One Seat Apart (GirlxGirl)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu