Kabanata 29

269 19 5
                                    


Kabanata 29

Paalam na...

Nagising ako dahil sa sakit ng ulo. Agad na bumungad sa akin ang puting paligid. Nakita ko sa tabi ko ay naroon sina Tiya, Andrea, andrei, Ate Rem, Ate Kai, Ethyr at Clark. Lahat sila narito para bantayan ako.

"Okay na ba pakiramdam mo?" Tanong ni Clark sabay hawak sa kamy ko.

"Ahh, hindi eh, masakit pa ang ulo ko!" Hiwakan ko ang ulo ko. Naramdaman kong wala na akong buhok. Kaunti na lang.

"Ahh, mabuti naman! Akala namin Mako-coma ka na dahil tatlong araw na ng hindi nagigising!"

Nagulat ako. Tatlong araw? Sobrang tagal naman. Sa pagkakaalala ko ay nahimatay lang ako.

"Aray!" Napasigaw ako. Ang sakit ng ulo ko. Hindi ito katulad ng dati. Mas masakit. Mas lumala. Ang sakit. Ang sakit ng pakiramdam ko.

"Ayos ka lang ba?" Tanong ni Tiya. Napangiti ako ng pilit. Kahit na nasasaktan ako pinilit ko para lang mapakumpurtable sila.

"Ahh op---- ahh!" Napahawak ako sa ulo ko. Hindi ko na kaya. Ang sakit talaga. Agad na nataranta sina tiya kaya nman tinawag nila ang doctor.

Waaaahhhhhh!

Ang sakit. Ayoko na.

Ayoko ng mabuhay.

Ang sakit na talaga. Hindi ko na kaya. Mas masakit pa ito kaysa noon. Mas masakit pa ito sa iniwan.

"Anong nangyayari?" Tanong doctor ng makita akong nasasaktan.

"Hindi ko po alam doc kung anong nangyari sa pamangkin ko. Basta sumakit na lang ang ulo niya" sabi ni tiya.

"Ganoon ba? Ibig sabihin ay umaatake na naman ang sakit niya!" Sabi ng doctor.

"Ano pong ibig niyo sabihin?" Tanong ni clark.

"Noong huli ng check up, humuhupa na ang kaniyang karamdaman. Madalang na niyang nararamdaman iyon at akala ko ay gagaling siya mula sa gamutan niya!"

"So ibig sabihin kaya hindi nararamdaman ni Ariela ang sakit niya noon ay gumagaling na siya?" Tanong ni tiya

"Gayun na nga!" Sabi ng doctor. Napaiyak si tiya habang si Clark ay mas lalong hinigpitan ang hawaka sa akin.

"At ngayon, lumalala na! Hindi ito katulad ng dating check ups niya. Mas malala na ito at mukhang ito na ito masusulusyunan!" Sabi ng doctor.

"Seryoso ka ba? Ayokong mawala siya! Gawin mo ang lahat para gumaling siya!" Sigaw ni Ethyr.

Sumangayon namin sina Ate Kai at Ate Rem. Sina Andrea naman ay umiiyak na.

"Im so sorry, hindi na talaga, unless, kung gumaling man siya, mawawala ang alaala niya" sabi ng doctor.

"Gawin niyo ang lahat. Kahit na mawalan pa siya ng alaala wag lang siya masasaktan ng ganito palagi" sabi ni clark.

"Gagawin ko ang makakaya ko! Upang maiwasan ang pananakit ng ulo niya, lagi niyo lang siyang painumin ng inerekomenda kong gamot upang maiwasan ang pananakit. If ever na hindi ko magagamot siya, im so sorry to say, maaaring mamatay siya gaya ng sabi ko noon" sabi ng doctor at umalis na.

Agad na naiyak si Tiya. Sina Andrea ay panay pa rin sa pagiyak habang si clark naman ay naluluha lang.

"Wag ka magalala, gagaling ka Ariela! Gagaling ka! Gagawin ko ang lahat gumaling ka lang!" Sabi ni clark tapos ay niyapos ako. Pagkatapos ay pinainom ako ng gamot.

Third Person's POV

Ilang oras ang nakalipas, kasalukuyang mahimbing ang tulog ni Ariela. Ang mga pamilya ni Ariela naman ay busy sa pagbabantay sa kaniya.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now