Kabanata 15

346 22 0
                                    

Kabanata 15

The Present vs Bestfriend

Clark's POV

"I miss you, honey!" Sarkastikong sabi ko na hindi ko pinahalata at niyakap siya. Hay, buti nalang pala at sumunod ako kundi wala magtatanggol sa kaniya. Actually, kaya lang naman ako napapunta sa lugar na iyon dahil bagot ako at gusto ko ng kausap. Eh sa wala akong ka-close friend o di kaya'y multong pagala gala sa lansangan na maaari kong makausap o mapagtripan.

Sinakyan naman niya ang trip ko kasi niyakap niya rin ako sa mahigit na 1000 seconds na pagkatulala. "Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong niya ng bumitaw siya sa aking yakap.

"Ano pa ba? Namimiss kasi kita eh" sabi ko sabay kurot ng pisngi niya. Ang cute niya pala. Napairap naman siya ng mabilis pa sa alas kwatro.

"Oh, so siya ang boyfriend mo? Ariela, mukha ngang anghel, anvil" sabi nung lalaking matangkad na katingin sa akin ng masama.

"Ah oo! At saka, ano ung huling part na sinabi mo?" Nagtatakang tanong niya. Hay, ang bingi naman ng isang ito.

"Ahh sabi ko bagay kayo" sabi niya. Sus, narinig ko yun. Baka gustong makatikim ng malapad na kamao sa mukha ng bansot na ito eh. At saka halata namang may gusto siya kay ariela pero... teka? Bakit ako ganito ka concern? Hay, erase... erase...

"Ahh!" Napakamot nalang si ariela ng ulo. Hay, bansot na nga, sinungaling pa! Paano kaya niya ito nagustuhan? Eh mas lamang naman ako ng isang daang paligo sa kaniya. Hay, ano ba clark! What a fuckin' sh*t you thinking. Hindi ako pwedeng magkagusto sa kaniya.

"Ahmm, so, nice meeting you again guys, but we need to talk with ariela and rem" sabi ni kai tapos hinila na yung dalawa. Naiwan naman kami dito nung barkada nung Ethyr tapos yung crush dati ni ariela na si Vren.

Ariela's POV

"Ahmm, so, nice meeting you again guys, but we need to talk with ariela and rem" sabi ni ate kai at dali dali kaming hinila ni ate rem. Ewan ko ba pero nakakapagtaka lang. Ano kayang sasabihin niya?

Huminto kami sa paglalakad ng makalayo kami. Naiwan naman ang mokong na si clark kasama ang barkada ni Ethyr. Mukhang naghahanap pa ata ng away eh. Kung makatingin kasi kay ethyr akala mo may ginawang masama.

"So, bakit mo naman kami ine-excuse? May sasabihin ka ba?" Nakataas ang kilay ni ate rem habang nakatitig kay ate kai.

"Nakita mo ba yun? Ang gwapo ng boyfriend mo ariela! Paano mo yun najackpot-an? Ingit kasi ako eh!" Sabi ni ate kai na kinikilig.

"So, yun na yun?" Tanong ni ate rem. Ako naman nakapoker face lang. Whaha hindi ko kasi alam kung ano bang gagawin ko. Hindi ko naman pwedeng sabihin na pretend lang kami so, kailangan ko talagang itago kahit mahirap.

"And napansin ko na magkakaroon pa ata ng WW3 ng dahil sayo girl! Kaloka ang haba ng hair mo" sabi ni ate kai na kinikig. Si ate rem naman napakilig narin.

"Ang haba talaga ng bebe girl namin! Congrats dahil natalo mo pa kami makahanap ng drop dead gorgeous na katulad noon! Hay sana magkaroon rin ako ng boyfriend na ganun" sabi naman ni ate rem.

"Ahaha, hanap rin kayo" pekeng tawa ko kasi hindi ko alam kung ano bang gagawin ko. Halos buong barkada ko ay alam na boyfriend ko ang mokong na unggoy na yun pero nagkakamali sila. Ni hindi ko nga natipuhan ang katulad niya. At saka kung alam lang nila na halang ang puso ng mokong na yan. Pakitang labas ng lang yan.

Bumalik na kami nina ate kai at rem sa kinaroroonan nina Ethyr. Pero ng makalapit kami at pinagtutumpukan na roon ng mga estudyante. Ewan ko, pero may masama akong nararamdaman na mayroong nangayari. Napatakbo naman kami nina ate kai at rem sa lugar na iyon at nakita namin na nagsusuntukan na ang dating bestfriend-slash-adik-na-adik-sa-akin-slash-medyo-ex ko at ang mokong na unggoy na grim reaper na clark na yun. Hay, ang haba, nakakahingal.

"Anong nangyayari dito" sigaw ko at inawat ang dalawa. Nang tumigil sila sa pagaaway ay nagtinginan sila ng masama. Nawala rin yung girlfriend ni Ethyr. Nalaman kong nagaway dahil bulong bulong sa paligid. Alam niyo na, maraming bubuyog na chismosa. Tapos sabi daw nung nagaway ang magjowa ay nagaway na ang dalawa.

Napatingin ako ng masama kay clark. Napa-face calm siya nv makita ako. Hinila ko ang mokong paalis sa pangyayari. Iniwan ko na sina ate kai at rem doon dahil sila na ang bahala kina ethyr.

Pumunta kami ni clark sa may garden. Medyo tirik ang araw at ang ganda ng view. Makikita mo ang imahe ng bulkang mayon. Napatingin ako kay clark at hinila siya doon sa may couple chair.

Buti nalang talaga lagi akong agresibo at laging dala ang mga first aid kit. Hindi naman lahat, mga betadine lang, alcohol, bulak at gasa. O diba! Laging handa. Girlscout lang kasi ang peg.

Nilagyan ko ng alcohol ang hawak kong bulak. Napatingin ng masama si clark. Ewan ko pero parang ayaw niyang lagyan ko ng gamot. "Hoy, iharap mo mukha mo" sigaw ko kasi napailing siya ng malapit ko ng idampi ang bulak.

Napatigil siya pero napapikit. Inilagay ko ang bulak sa sugat ni clark sa may pisngi. Napaaraw siya sa sakit.

"Ikaw kasi eh! Nakikipagsuntukan ka pero takot ka naman sa gamot! Di bale! Gwapo ka parin naman" sabi ko. Afft. Ang sinabi ko? Sinabi ko ba talaga yun? Ang dulas mo talagang dila ka.

"Talaga?" Natatawang sabi niya. Ayt. Namumula tuloy ako.

"Anong nangyayari sayo? Nakakain ka ba ng sili?" tanong niya. Napailing nalang ako. "Ahh ehh, wala meron lang kasi akong nakita" palusot ko. Ano nga ba? Hayt. Kahit kailan talaga ariela shunga ka.

"Ehh? Wag mong sabihin na nahihiya ka kasi sinabi mong gwapo ako. Wag ka magalala, gwapo talaga ako, alam ko na yun" sabi ni clark na nakangisi. Bwisit a mokong ito.

"Ang kapal mo rin eh" sabi ko na medyo natatawa. Napangiti siya, "at alam kong gusto mo ako" sabi niya sabay tayo at binelata pa ako.

"Ang kapa kapal kapal kapal kapal talaga ng mukha mong hudas ka! Hindi ka nakakatawa clark! Pag naabutan kita, ilulubog kita sa lupa!" Nanggagalaiting sigaw ko.

Tumayo ako at iniwan ko ang hawak kong gamot. Hinabol ko si hudas at ayun, nadapa ako! Ahaha ang clumpsy ko naman ngayon.

Nakita ako ni clark kaya naman nilapitan niya ako at tinulungang makatayo. Ahaha, hindi niya lang alam, inuto ko lang siya at kaya ayun! Sinabunutan ko siya at hinila. Kumuha ako ng shovel at naghukay. Itinali ko siya doon sa may couple chair tapos naghukay ako. Ewan ko pero kinikilig ako kasi naman, nagpa-flying kiss siya habang naghuhukay ako.

Hay, ilulubog ko talaga ang mokong na ito eh, sa puso ko. Ayiee. Ang corny ko. Ok stop na. Tumigil na ako sa kakahukay. Wala lang, napatawad ko na kasi si mokong eh. Nagpuppy eyes pa siya kaya naman pinakawalan ko na. I know, medyo nakakainis ang mokong na ito, pero napapalapit na siya sa puso ko.

Naalala ko tuloy ang sabi winter. Paano kung mahulog daw ako sa grim reaper na iyon. Paano nga ba? Possible kayang magkatuluyang ang isang babaeng mortal at isang katulad niyang multong nagaanyong tao. Ewan ko pero sa tingin ko lang, walang impossible sa pagibig.

Sabi niya, magiging mortal siya habag buhay ako, atleast nakasama ko siya sa tatlong buwang taning ko bago ko makalimutan lahat ng alaala ko sa mundong ito.

"Anong iniisip mo naman? Ang lalim eh! Hindi ko maabot" sarkastikong sabi niya. Natawa ako. Ewan ko, pero ang corny kasi.

"Wala ito, iniisip lang kita" sabi ko. Ayt. Ang dulas talaga ng dila ko.

"Ayiie! Whaha so anong iniisip mo? Nagde-date tayo sa isang romantic na lugar? Kinakasal tayo? O kaya naman-- niisip mo kung gaano ka-hot ang katawan ko?" Natawa siya at muling tumakbo. Nainis naman ako. Kahit kailan talaga walang kwenta ang taong ito. Paano kaya ito natitiis ng mga kaluluwa sa itaas? Sabi niyo naman saakin sekreto niyo kasi baka isang araw nailing ko na ang hudas na ito.

"Humanda ka talaga saakin!" Sigaw ko. Ang saya ng araw ko.

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon