Kabanata 21

254 18 1
                                    

Kabanata 21

The Dearest bestfriend

"Kamusta na Paluno? It's been a years nung tayo'y nakita. Ano nang ganap sayo?" Sunod sunod kong tanong sa kaniya. Na-miss ko kasi siya. Bestfriend ko na kasi siya since birth nung hindi pa nabubunyag ang lihim niyang pagkatao.

"Sino ba si Paluno? I can't remember na may kilala akong Paluno" panloloko niya. Oo nga pala, hindi na pala siya si Paluno kundi si Paluna. Ang layo ng pagkakaiba ano?

"Ok, Paluna"

"Ay bakit?" Sarkastikong sabi niya.

"Sagutin mo na yung mga tanong ko! Dali" utos ko.

"Ok! Okay lang naman ako, since ako na ang may-ari ng Harsh Fashion Shop. It's been a years nga eh. Teka? Parang hindi eh. It's been a decades siguro kasi naman andame ko pang makeover bago ako nakabalik sa Pinas. Pumunta kasi akong California. You know, para magpa-rich. Ganap sa akin? Eto, marami! May jowa na ako at malapit na kong ikasal! Akalain mo yun may pumatol pa sa kagandahan ko, hindi sa kaloob-looban ko" sabay pakita ng proposal ring na nakakabit sa kanan.

"Congratulations kung ganun! Mukhang asensado ka na talaga" napangiti dahil ngumiti din siya.

"Eh ikaw Riel? Ano ng ganap sayo? Ang dami ko nang di nalalaman sayo lalo na dun kay gwapong boylet, yummyness!" Sabay ngisi.

"Kadiri ka!" Sabay act na nandidiri ako. Napahalakhak naman siya ng pagkalakas lakas.

"Ito, medyo umaasenso pero ang hirap kasing sabihin ng hindi tapos!"

"Ano naman yun? Pa-suspense ka pa girl eh"

Pumikit ako. "Im dying," mahinang sabi ko. Minulat ko ang mga mata ko at nakita kong namumuo na ang mga luha sa kaniyang mata.

"Niloloko mo lang ako diba?"

"Hindi"

"Magsabi ka nga girl ng totoo? Nagbibiro ka eh"

"I almost dying at konting araw nalang ang nakalapi saakin para mabuhay"

"You kidding me! Ayoko ng ganitong eksena! Nakakaloka ka girl, pinapaiyak mo ako" sabay hawi ng mga luhang pumapatak sa kaniyang mga mata.

"Di bale, para naman mabayaran ko ung utang ko sayo noong highschool pa tayo, ipapa-caterer ko ang burol mo"

"Nagbiro ka pa talaga ha, pero mami-miss if ever na mategu ako" napangiti ako kahit na may luhang pumapatak sa mata ko.

Niyakap niya ako ng mahigpit. Na-miss ko itong moment na to. Na-miss ko na ang friendship namin. Yung mga kalukahan at kasapian na nagaganap saamin. Ang saya ng kabataan namin. And I'll save the best moments before I die.

😇😇😇

Kinaumagahan. Nagising ako mula sa matinding sinag ng araw. Nanginginig ang buong katawan ko. Hindi ako makabangon at tila lasog lasog ito. Sumasakit ang kalamnan ko na para akong magbo-vomming at kasabay non ang matinding sakit ng ulo ko. Napasigaw ako ng napasigaw sa sakit.

Nakita kong lumapit saakin sina tiya at yung kambal.

Pinapakalma ako ni tiya dahil papainumin ako ng gamot pero hindi ko magawa. Mas masakit pa ito kaysa sa normal na sakit ng ulo, lagnat at pagkakaroon ng sugat.

"Hindi ko na kaya!" Sigaw ko dahil sa sakit. Inda lang ako ng inda ng sakit. Hanggang sa mapasuka ako. Agad naman iyon sinaluhan ni tiya ng basin at doon dumaretsyo ang mga isinuka ko. Habang nasuka ay hinahilot ni tiya ang likuran ko para mapaayos ang karamdaman ko.

Matapos kong mapasuka ay guminhawa ng kaunti ang karamdaman ko. Sumasakit pa ng kaunti ang ulo ko at pakiramdam ko ay nasusuka pa ako. Kasalukuyang nakahiga na ako sa kama. Magisa at walang kasama. Tanging ang ginagawa ko na lamang ay nagbabasa ng mga libro at nanonood ng telebisyon.

Bumangon ako upang ayusin ang pagkakahiga ko ng mapansin ko ang mga nahuhulog na buhok mula sa aking ulo. Hinawi ko ang buhok at ng maibaba ko ay mahigit traentang hibla ang nadampot ko. Ito na naman ang mga symptoms. Nauubusan na ako ng buhok at wala na akong magagawa dahil mayroon na lamang akong isang buwan. Mabuti na nga lang at hindi ako yung tulad ng iba na ang bilis nilang malumpo.

Napaiyak ako ng hindi ko napapansin. Napatakbo ako sa may banyo upang tignan ang sarili ko. Napanganga ako ng makita ko ang mga ukab ukab na parte at pagkalagas ng buhok ko. Mas lalong akong napahagulgol.

"Bakit ba ito nangyayari saakin? Wala naman akong ginagawang masama pero bakit nangyayari ito saakin? Ayoko ng mabuhay. Hindi ko na kaya!" Iyak parin ako ng iyak. Hindi ko talaga matanggap ang mga nangyayaring ito sa akin.

Bumalik na ako sa kama at doon ay nagpahinga. Magpapahinga ako sa matinding pagkahirap dito sa karamdaman ko. Mbubuhay pa ba ako? Wala na ba akong pagasa para mabuhay?

Clark's POV

Nakita kong pinapatawag ako mula sa taas kaya naman pumunta agad ako. Nakita ko ang mga anghel na nakapaligid saakin habang tinatahak ko ang kinauupuan ni Master. Nang makarating ako ay agad sumalubong saakin ang isang lalaki. May puti itong balbas at may dala dalang kwaderno na siguro ay lamang ng mga taong mamamatay na. Si San Pedro.

"Pumunta ka na roon agad, may sasabihin sayo si master" saad ni san pedro na may ngiti parin sa labi.

"Maraming salamat" nakangiti ko ring sabi.

Tinahak ko na muli ang lugar kung nasaan si Master. Nang makarating ako ay lumuhod ako at nagbigay galang sa kaniya.

"Clark, alam kong malapit ka nang makapasok sa kaharian ko, nais ko lamang sabihin sa iyo na malapit mo ng makita ang pamilya mo kaya ayusin mo, dahil isang pagkakamali mo lamang ay back to zero ka uli. Mangongolekta ka ulit ng limangpong kaluluwa o baka doblehin"

"Opo, master" sabi ko. Dahil nagsenyales na siya na pwede na akong umalis ay umalis na agad ako. Napakasakit mang isipin pero magkakaroon ako ng sala. Dahil isa sa mga pagkakamali na umibig ako sa isang taong malapit ng mamatay. Hindi ko masasabing magkikita kami sa langit pagnamatay siya, pero masasabi kong hindi ko ata matutupad ang mga pangako ko sa kaniya. Ang hirap ng ganitong sitwasyon.

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon