Kabanata 11

385 22 0
                                    

Kabanata 11

OMG! Ate Kai!

Third Person's POV

Gising na si Ariela habang pinagmamasdan niya ang lugar kung saan siya nakahiga. Sa may hospital kung saan naroon ang kaibigan niyang si Winter na nagaalala na sa kaniya. Alam na ng kaibigan niya ang malubhang sakit na mayroon siya.

"Ariela? Bakit hindi mo sinabing malala na talaga ang sakit mo, alam mo naman emo girl ako eh" naiiyak pa siya na akala mo'y patay na ang kaniyang kaibigan.

"Ang OA mo! Ewan ko nga sayo! Hindi na yan emo eh! May sakit ka na" natatawa pa si Ariela habang pinagmamasdan ang kaibigang nakanguso na akala mo inapi.

Agad na nabaling ang tingin ng dalawa sa pumasok. Ang doctor kung saan may hawak itong resulta. "Miss Helminth, buti't gising na kayo! Kailangan niyo po itong malaman. Malubha na ang inyong sakit, miss helminth. Ang ibang parte ng iyong katawan ay hirap na sa pag-function kaya naman lagi kang makakaramdam ng pagkahilo, pagkahilab ng tiyan at iba pa. Hindi na namin kayang sulusyunanang sakit and im sorry to say you have only 24 days to live," saad ng doctor at lumabas na ito ng silid.

Halos maluha si Ariela habang pinakikinggan ang sinasabi ng doctor. Hindi siya makapaniwala na aabot sa ganito. Siguro nga ay tinadhana na magpakahirap siya ng ganito.

____😇____

Kinabukasan ay inilabas na si Ariela ng hospital. Kasalukuyang naroon siya sa may bahay niya, nakatapat ang mga mata sa telebisyong pinapanood niya. Hindi niya mawari ang kaniyang pinapanood na teleserye. Alam niyang ganoon din ang sitwasyon niya pero sa palabas ay matatag ito hindi kagaya niya.

"Ariela!" Narinig niyang tinig mula sa may tabi niya. Napalingon siya at naroon si Clark na nakatutok rin sa telebisyon.

"Ano naman ang ginagawa mo dito? Ay mali, kukuhanin mo na ba ako?" Magkahalo ang mga tanong sa isipan ni Ariela. Kung noon ay nagpapakatatag siya ay ngayon ay hindi na. Pinaghinaan na siya ng loob kung kaya't lagi na siyang mahina.

"Hindi, gusto ko lang naman sanang kamustahin ang babaeng nasa harap ko" saad ni Clark. Napabuntong hininga siya. "Ayun, ganoon parin, wala paring pagbabago! Mamamatay parin ako"saad ni Ariela. Napahalakhak naman si Clark.

"Ang emo mo naman! Ahahaha" halos mawalan ng hininga si clark dahil sa kakatawa. Napatingin ng masama si Ariela kaya binata niya ito ng unang yapos yapos niya.

"Walanghiya ka talaga kahit kailan," habang sinasambit iyon ni Ariela ay napapaltan ng tuwa ang kaniyang nadarama.

"Halika nga, magbihis ka at may pupuntahan tayo" saad ni clark. Napatingin si ariela kay clark. Naka-face calm lang siya. "Wag ka magalala may pupuntahan lang naman" dugtong pa niya.

Wala nang nagawa pa si Ariela kundi ang sumangayon.

____😇____

Kasalukuyang nakatingin si ariela sa tapat ng isang carnival. Minsan na niya itong napuntahan simula nung ata pa siya at buhay pa ang lola niya. Kaya naman ng pumanaw ito ay hindi na niya ito nakagisnan.

"Anong ginagawa natin dito?" Tanong ni Ariela habang naluluha. Naaalala pa niya kasi ang mga nakaraang taon na pumunta siya dito. "Edi magsasaya, hindi ba obvious?" Saad niya at napahalakhak pa.

"Busit ka talaga" pinaghahampas niya ito sa braso.

"Ariela?"

Narinig niya ang tinig ng isang babae mula sa likuran niya. Hinarap niya ito at laking gulat niya kung sino.

"Ate Kai! OMG! Miss na kita" saad ni Ariela. Nagyapusan pa sila.

Matapos nilang magyapusan ay napatingin si Kai sa lalaking kasama nito.

"Sino naman siya ariela?" Tanong ni Kai.

"Nakikita mo siya?" Napatingin si Kai na tila nagtataka.

"Huh?"

"Uhm, I mean, Tara na nga sa loob" pagpapalusot ni ariela.

"Boyfriend mo?" Tanong ni kai.

"Oo", " Hindi" parehas na sabi ni Ariela at clark.

"Ano ba talaga?" Tanong ni kai.

"Oo" sagot ni clark.

"Ahh, tara na" sabi ni kai.

Nagkatingin ng masama sina Ariela at clark.

"Ikaw! Letche ka talaga!" Pagmamaldita ni ariela.

"Buti ng nagkaroon ka pa ng boyfriend na katulad while you're dying" saad ni clark.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now