Kabanata 23

236 16 0
                                    

Kabanata 23

Huli ka!

Clark's POV

Natapos na ang debut ng mahal ko. Nakita ko ang kaligayahan sa kaniyang mga mukha nung isinasayaw ko siya. Kung kanina ay matamlay siya dahil sa kaniyang kalagayan, sa kahit papaanong paraan ay napaligaya ko siya.

Naguusap kami ng mga kabarkada ni Ariela, pati ang pamilya niya ay nakikihalubilo rin.

"Bagay talaga kayong dalawa, ariela" narinig kong sabi ni Winter na abot langit ang ngiti. Nakita kong napangiti si Ariela kaya napangiti ako.

Biglang nag-pop up ang cellphone ko. Naalala ko nga pala yung conversation namin ni Nathalie kani-kanina lang. Binuksan ko ang cellphone ko at nakita kong nagmensahe siya.

From: Nathalie

Nasa'n ka na ba? Kailangan kasi kita dahil lumalala na itong sakit ko.

Nang mabasa ko ang mensahe niya ay napatalon ako sa gulat. Kahit na labis na sakit ang ibinigay niya saakin ay hindi parin mawawala ang pagmamalasakit ko dahil siya ang isa sa mga susunod kong kukuhanin.

Napatayo ako pero pinigilan ako ni Ariela. Tinignan niya ako nang may weirdo'ng mukha.

"Saan ka pupunta?" Tanong niya.

"Sa hospital, pupuntahan ko si nathalie" sagot ko.

"Si nathalie? Yung ex mo? Bakit naman?"

"Kailangan niya daw ako kasi nagsu-suffer siya sa sakit niya"

"Sige na, mauna ka na! Sunod nalang ako, gusto ko rin siya madalawa at para maproteksiyonan kita sa higad na yun"

"Higad? Ah basta, sumunod ka ha" pagkasabi ko no'n ay hinalikan ko siya sa pisngi.

Umalis na ako kaya nagpatuloy na sila sa kwentuhan. Habang nasa biyahe ay hindi ako makakomportable dahil maya't maya ay text siya ng text.

From: Nathalie

Nasaan ka na ba?
___________________________________
Text mo ako kapag nakarating ka na! Ayoko kasi ng sopresa
___________________________________
Siguraduhin mong darating ka kasi ayoko ng pinapaasa ako

Nagpatuloy lang ako sa pagbabasa ng mensahe niya. Mahigit sampo ata ang dumating sa kaniya. At talagang nag-demand pa siya na sosopresahin ko siya sa kalagayan niya. Ano ako? Tanga? Hindi ko na lamang pinansin ang mensahe.

Huminga ako ng malalim bago ako umupo ng maayos. Ano ba talagang nangyayari sa kaniya? Bakit wala akong information?

"Para po!" Sigaw ko nang makarating kami sa tapat ng hospital. Agad kong inabot ang bayad at mabilis na bumaba.

Inilabas ko ang cellphone ko at mabilis na nag-type.

To: Nathalie

Mga ilang minuto nariyan na ako

Pagkasend ko ay nagpatuloy na ako. Nang makapasok ako ay agad akong pumunta sa may counter para tanungin kung anong number ng room ni nathalie.

Nasa room 232 daw siya sa may ikalawang palapag kaya naman tumungo na agad ako sa may elevator.

Sakto naman na walang pumasok kundi ako kaya naman magisa akong umakyat pataas. Nang makarating sa second floor ay bumungad agad sa harapan ko ang numero ng kaniyang room. Kakatukin ko pa sana ng biglang lumabas ang doctor mula sa room na yun.

"Dito po ba ang room ni Miss Nathalie Ocampo?" Tanong ko. Agad na tumango ang doctor. Tila pamilyar ito sa kaniya dahil parang nakita na niya ito noong nabubuhay pa siya.

Sumilip mula sa bungad ng pintuan. Nakita ko agad si nathalie na ang bungad sa akin ay ang matatamis niyang ngiti. Na-miss ko ito. Ang totoong siya.

"Kalvin, pumasok ka" masiglang utos nito. Agad na pumasok ako at mabilis na umupo sa upuan malapit sa kaniya.

"Ano bang nangyari sayo?" Tanong ko. Talagang wala kasi akong info about sa sakit niya basta malapit lapit na siya.

"Meron kasi akong sakit sa bato," biglang nawala ang sigla nito.

"Huh? Paano---" naputol ako. Ang kaniyang hintuturo ay inilagay niya sa bibig ko.

"Pero ngayong nandito ka na, kahit papaano ay guminhawa ang kalagayan ko, kamusta ka na pala?" Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Nasisiraan na ba siya ng bait dahil muntikan nang magkalapit ang labi namin.

"A-ahh, e-ehh ok l-lang naman" nauutal kong sabi. May sala na nga ako, madadagdagan pa.

"Oo nga pala, nabalitaan ko na may girlfriend ka na, congrats" nakangiting sabi nito.

"Ahh oo" nawala na ang pagkautal ko.

"So tell me, may pagasa pa ba ako?" Tanong niya.

Bigla akong natigilan.

"Anong pinagsasabi mo?" Naiiritang sabi ko. Ano ba itong napuntahan ko at bibigyan ako ng sala.

"I mean, may pagasa pa ba akong maging kaibigan kita, as in friends! Ano ka ba?" Sabay tapik niya sa braso ko. Masasapak ko ang babaeng ito ng wala sa oras eh.

"Ahh pwede naman"

"Ok, laro naman tayo! Fast talk lang" request niya.

"Pwede naman"

"Mahal mo ba si Ariela?"

"Oo"

"Wala ba kayong balak maghiwalay?"

"Depende"

"May pagasa pa ba ang mga taong nagaasam sayo na maging kayo?"

"Depende"

"May pagasa pa ba akong agawin ka sa kaniya?"

"Wala!"

Napabaling ako sa ibang lugar. Ayoko siyang tignan. Ayokong tignan ang babaeng desperadang ito. Inaakit niya lang ako. Kailangan kong maging loyal. Kay ariela lang ang puso ko.

Naramdaman kong dumampi ang mga kamay niya sa pisngi ko kaya naramdaman ko ang nagiinit kong mukha. Iniharap niya ito sa mukha ko. Mga sampong pulgada ang layo niya.

Nakita kong biglang nag-pop up yung phone ko at nakita ko ang text ni ariela. Pero bago ko pa man damputin ang cellphone ay naramdaman kong may dumamping labi mula sa labi ko.

Nakita ko si nathalie na hinahalikan ako pero hindi ako. Nakatingin lang ako sa kaniya habang ginagawa niya ito. Balak kong tagtagin ang mga labi niya pero talagang dumidikit. Mahigit limang minuto na ata kaming ganito.

Hanggang sa mapukaw ng isang bagay ang atensyon namin. Natigilan si Nathalie. May nalaglag na kung anong bagay mula sa pintuan. Nakita kong may talampakan na hindi na mapakali at gusto ng makaalis. Nakita ko ang mangiyak ngiyak na mukha ng girlfriend ko. Nakatakip siya ng bibig.

Napatakbo siya sa nasilayan niyang eksena. Hahabulin ko pa sana siya ng bigla akong kabigin ni nathalie at pinag-stay ako pansamantala.

Ano ba itong nagawa ko? Sa kaarawan ng girlfriend ko nagawa kong magtaksil. Nakagawa ako ng sala dahil sa lintik na pag-seduce ni nathalie. Bakit hindi ako lumayo sa tukso. Ano pa nga ba ang inaasahan ko kundi ang malaking gulo sa pagitan naming dalawa.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now