Kabanata 6

458 26 0
                                    

Kabanata 6

Bati na tayo?

Kasalukuyang nasa forever 21 ako dahil naghahanap ako ng maayos na mga damit na maaari kong ibigay kay tiya at kay Andrea. Gusto ko man mapangiti ng oras na iyon ay hindi ko na nagawa. Bagkos ay lagi ko nalang iniisip ang mga maaaring mangyari kapag kinakausap ko si Clark. Hindi ko malaman kung imahenasyon ko ba ang binata o talagang nagbabaliw baliw lang ako. Sa totoo lang, sino ba naman kasi ang makakapaniwala na may dumidikit sayong isang grim reaper at pinapaalalahanan ka na mapapanaw ka sa mundong ibabaw. Napakaimposible di ba? Kaya naman pilit ko nalang pinaninindigan ang mga nasa isipan ko.

Kinuha ko ang dress na nakapukaw ng aking mga mata doon sa mga racks. Bagay na bagay ang dress sa hulma ng katawan ni Andrea. Kulay pula ang dress ang napili ko na may mga magagandang bulaklak at disenyo. Kinuha ko naman iyon at binitbit. Naghanap naman ako ng maaari kong maibigay kay tiya na umaruga sa akin nung ako'y bata pa.

Muling napukaw ang mga mata ko ang isang yellow na dress na bumabagay sa kay tiya. Mahaba ito at mahaba ang manggas kaya naman panigurado ay magugustuhan ito ni tiya. Biglang napawi ang aking kaligayahan ng biglang nagpakita na naman ang asungot sa buhay ko. Agad ko itong tiningnan ng masama na tila may ipinapahiwatig.

"Bakit ganyan ka naman makatingin! Gwapo ba ako? Sus, alam ko na iyon" nagpa-hokage pa ang ulol. Agad kong inirapan ang binata. Lumapit siya sa akin yung tipong malapitan ang mukha niya sa mukha ko at ilang kilometro na lamang ang pagitan. "Oo Gwapo ka! Sa sobrang gwapo mo napapatay na kita sa isipan ko. Yun tipong brutal pa sa pinakabrutal na natanggap ng isang tao" nginisian ko si clark bago ko ito nilayuan. Tumalikod na ako at di pa nakakalayo ay nagsalita ang binata.

"Bakit ba ang sama mo sa akin?" Biglang tanong ni Clark. Napahinto ako sa paglalakad. Humarap ako kay clark at humakbang ng tatlong beses. "Alam mo kung bakit? Anong paki mo?" Tinulak ko pa ang dibdib niya. "May pakielam ako" saad ng binata.

"At sinong may sabing may pakielam ka? Sabihin mo?" Nanggagalaiti na ang tuno ng boses ko. Binigyan ko na lamang ng irap at pumunta sa may counter.

Pagkatapos kong mabayaran ang pinamili kong damit ay naglibot libot ako sa paligid. Walang Clark ang nakasunod sa aking mga yabag. Tila naging misteryo ang hindi pagpaparamdam nito sa akin. Buti nalang, ayoko nang masira pa lalo ang araw ko.

"Ariela!" Narinig ko ang pangalan ko na sigaw ng isang lalaki sa gawing kanan. Hindi na sana ako lilingon pa dahil baka ang asungot lang ang tumawag sa akin, pero sa ikalawang pagtawag ay lumingon na ako. Dahil sa tono ng boses ng binatang tumatawag sa kaniya ay hindi grim reaper. Ang akinng longtime crush nung ako'y nasa highschool days pa.

Lumapit ako doon sa binata. Si Vren na walang kupas ang kagwapuhan kaya naman tinangkilik ko siya ng sobra. Ang gwapo parin niya talaga. "Long time no see, Vren! Kamusta na kayo ni Raein?" Sabi ko at pinat anh balikat niya. Si Vren ay may asawa na. Oo, mahigit tatlong buwan ang nakakaraan ng ikasal sila. Kaya naman labis na nasaktan si ako ng malaman kong kasal na ito. Labag man sa kalooban kong banggitin ang pangalan ng babaeng umagaw sa kaniya ay ginawa ko parin iyon upang hindi makahalata. Alam niya kasi na matagal ko na siyang gusto at sinabi kong nakamove on na ako sa kaniya so ano pa bang magagawa ko.

"Ayun, ok lang naman! Actually magkakaanak na kami, one month na siyang pregnant" nakangiting saad ni Vren. "Ah ganun? Congrats sa inyong dalawa" nasusura ako ng marinig ko ang anunsyo ni Vren. Wala na akong magagawa, nabuo nila ang isang nilalang eh at saka kung sakali ko man siyang agawin, wag nalang. Ayokong manira ng isang perpektong pamilya.

"Ahh oo nga pala, una na ako! Meron pa kasi akong hinahanap" pagpapaalam ko kahit na ang totoo ay wala naman talaga akong hahanapin. Actually meron, ang ireregalo ko kay Andrei.

Iniwan ko na si Vren ng sumangayon ito. Susunduin pa daw niya ang asawa niya sa hospital sa kaniyang check up. Kaya naman nagiwanan na kami. Lakas makasabi ng nagiwanan. Saklap.

Lingon sa kanan.

Lingon sa kaliwa.

Halos paulit ulit na ang paglilibot ko ngunit wala akong matipuhan. Wala talaga ni Iisa. Kung meron man ay may kaagaw ako at ayoko ng ganoon. Agad na napatingin ako sa gawi ng isang lalaki mula sa malayong lugar. Actually iisang path lang ang dadaanan ko upang makita ang binata. Naalala ko na baka ang asungot na Clark ay iyon. At tama siya. Magaling na talaga akong manghula ngayon ah.

Nang makalapit ako ay laking gulat ko. Nakita ko na ang hinahanap kong regalo kay Andrei. Isang relo. Napangiti ako kay clark. Dahil hawak hawak niya ang bagay na talagang magugustuhan ni Andrei.

"Salamat" sabi ko tapos ay niyakap siya. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Ito ang kauna unahan kong yumapos sa isang lalaki, expect sa mga taong kamaganak ko.

"Ok! So bati na tayo?" Tanong niya. Bumitaw ako sa pagkakayakap. Tinignan ko siya at bigla ko siyang sinampal. Ewan pero itong katawan ko kasi, basta basta nalang nananakit ng hindi ko man lang nagagamit ang utak ko. Nasampal ko ruloy siya sa kaliwang pisngi niya.

Narinig ko siyang napa-ouch. Kaya naman kiniss ko siya sa kaliwang chicks niya. Napa-ehem naman siya. Jusme, bakit ko ito nagawa? Letche!

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon