Kabanata 10

393 21 0
                                    

Kabanata 10

Hinimatay

Third Person's POV

Malakas ang ulan habang naglalakad si Ariela. Kasabay ng malakas na ulan ay ang mabibigat niyang mga luha. Kasalukuyang inililibing ang kaniyang lolo. Napagdesisyunan niyang maglakad kaysa sa sumakay sa van. Naroo'y nakasakay ang mga kamaganak niya.

Lumipas ang tatlumpong minuto. Naroon na sila sa libingan ng kaniyang lolo. Ngayon ay nagsisimula na ang dasal sa kaniyang lolo bago ito ipasok sa lapida.

Makalipas ay binasbasan niya ang kabaong ni lolo niya pati narin ang kaniyang mga kamaganak. Sumunod ay ibababa na ang kabaong ng kaniyang lolo kasabay ng pagbibigay ng bulaklak.

Habang ibinabato ni Ariela ang rosas ay kasabay ng pagtulo ng kaniyang mga luha. Hindi siya makapaniwala na wala na ang kaniyang lolo.

Pagkatapos niyo ay tinabunan na ng lupa ang kaniyang lolo. Ang mga kamaganak niya ay hagulgol na sa pagiyak pati narin siya. Wala si Clark sa kaniyang tabi ng araw na iyon.

Lumipas ang mga oras hanggang sa maghapon. Bitbit na ni Ariela ang kaniyang gamit sa kadahilanang nagtext ang kaniyang boss at magsisimula na siya sa trabaho niya. Gusto pa man niyang magpalipas ng gabi ay kailangan. Sumabay narin ang tiyahin niya at ang kambal.

"Kailangan mo na ba talagang umalis, Ariela?" Tanong ni Aling Sadiya. " ah opo! Kailangan na po kasi ako bukas sa trabaho ko" saad ni Ariela.

"Kami po ay mauuna na!" Wika naman ng tiyahin niya. Nagsimula na siyang lumabas ng bahay. Nang makarating sila sa labas ng bahay ay pinagmasdan niya ito. Mami-miss niya ito lalo na ang lolo niya.

Nagabang si Ariela pati ang kasama niya ng tricycle. Nang may dumating ay agad silang sumakay. Pagkatapos ay mabilis na sumakay sa bus.

KINABUKASAN. Nagising mula sa mahimbing na pagkakatulog si Ariela. Nakahiga na siya sa kaniyang kama at kasalikuyang alas sais y medya na ng umaga. Bumangon siya at napahikab. Kinusot pa niya ang kaniyang mata at dumaretso sa banyo. Doo'y naligo na siya, naghiso at nagbihis ng susuotin niya.

Lumabas na siya ng kaniyang silid. Sinalubong naman siya ng tiyahin niya na may dalang tinapay. "Magalmusal ka muna bago ka umalis" nakangiting saad ng kaniyang tiya. Tila kinalimutan na nito ang kalagayan ni Ariela.

"Sige po, may kukuhanin lang po ako sa may budega" pagpapaalam ni Ariela. Kukuhanin niya kasi ang kaniyang mga CD na ibibigay kay winter. Matagal na nitong hinihingi ang mga CD niya, mga movie na gusto nitong i-marathon.

Nakarating si Ariela sa budega. Madilim ang pagilid at magabok. Pinihit niya ang switch ng ilaw at nabuhay ito. Pero laking gulat niya ng makita niya ang isang itim na Espirito. Kinusot niya ang kaniyang mga mata para tukuyin kung namamalikmata lamang siya. Pagkamulat niya ng mata ay wala na ang espirito sa kaniyang harap. Agad niyang kinuha ang mga CD mula sa karaton at mabilis na umalis. Pagkabalik niya sa kusina ay nakita niya ang tiya niya at ang kambal na kumakain ng umagahan.

Inilapag niya ang mga CD sa isang tabi at tumungo sa may lamesa. Umupo siya at kumain ng umagahan.

Makalipas ng ilang minuto ay itinago na niya ang mga CD sa kaniyang bag. Nagpaalam sa kaniyang tiyahin at kambal at umalis na ng bahay.

Nakarating si Ariela sa company ng alas syete y medya. Agad niyang tinungo ang lugar kung nasaan si Winter. Nang makita na niya ay nilapitan niya ito.

"Oh Ariela, ok ka na ba? Dapat hindi ka na pumasok" pagaalala ni Winter sa kaniya. "Ah kasi kailangan ako ni Sir, iaabot ko sana sayo itong mga CD" sambit ni ariela at agad na kinuha ang mga CD sa kaniyang bag. Napangiti naman si winter.

"Wow! Buti naman at naalala mo pa, mahigit isang buwan at kalahati ko na itong hinihintay eh" wika ni Winter na natatawa. "Ahaha oo nga eh, o sige una na ako" wika ni Ariela.

Hindi pa naman nakakalayo si Ariela ay napahawak siya sa kaniyang noo. Sumasakit ito kaya naman napahinto siya sa paglalakad. Hanggang sa hindi na namalayan ni Ariela na nahimatay siya.

"Ariela!" Sigaw ni Winter ng makita niya si ariela na nakahiga sa sahig.

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon