Kabanata 16

330 19 0
                                    

Kabanata 16

Ano ba yan?

"Ayiie! Whaha so anong iniisip mo? Nagde-date tayo sa isang romantic na lugar? Kinakasal tayo? O kaya naman-- niisip mo kung gaano ka-hot ang katawan ko?"

"Ayiie! Whaha so anong iniisip mo? Nagde-date tayo sa isang romantic na lugar? Kinakasal tayo? O kaya naman-- niisip mo na kung gaano ka-hot ang katawan ko?"

"Ayiie! Whaha so anong iniisip mo? Nagde-date tayo sa isang romantic na lugar? Kinakasal tayo? O kaya naman------

Ugh. Ano ba yan! Bakit paulit ulit nalang sa isipan ko ang sinabi ng mokong na clark na yun. Nakakairita, hindi ako pinapatulog. Actually, kakauwi ko lang at langya, pinagod talaga ako ni clark kakahabol sa kaniya. Hay, mahigit isang oras na ang nakakaraan pero hindi talaga ako pinapatulog ng mga huling salita ng mokong na iyon.

Nagtakip nalang ako ng tenga gamit ang unan, baka sakaling makatulog ako ng maayos.

"Ayiie! Whaha so anong iniisip mo? Nagde-date tayo sa isang romantic na lugar? Kinakasal tayo? O kaya naman-- nilalaspag mo ako no?"

Ghr. Naiirita na ako. Ayaw talaga ako patulugin. Balak ba talagang mategu ako nang dahil sa sinabi ng mokong na yun. Hay, patulugin mo naman ako!

Nagiba ako ng puwesto at dumapa nalang. Walang choice! Halos nagawa ko na ang maaaring maging posisyon ko makalimutan ko lang ang sinabi ng mokong na iyon. Papatulugin pa ba talaga ako?

Hay,sa wakas at nakaramdam rin ako nang kaginhawaan. Nanatili ang katahimikan sa paligid. Iiglip na sana ako ng biglang magring ang phone ko sa may lamesa. Hay! Dis oras na ng gabi may natawag pa rin?

Kinuha ko ang cellphone ko mula sa may lamesa at nakita ko kung sino ang tumawag. Si ate kai. Sinagot ko naman ang tawag niya.

"Oh? Anong meron?"

"Bakit ka naman ganyan, wala man lang bang magandang bungad katulad ng good evening o kaya ay your call ple--"

"Pwede ba deretsyuhin mo na ako! GUSTO KO NANG MATULOG!"

"Ok! Easy, actually may sasabihin ako"

"Kanina ka pa satsat ng satsat pwede ba deretsuhin mo na ako"

"Ok! Wag ka nang magwala, sasabihin ko lang naman na kami na ni George!"

"So??"

"Anong so ka diyan! Hindi ka ba masaya? Ang pinakamaganda mong kaibigan may lovelife na"

"Wala kong paki! Magiging masaya ako kapag pinatulog mo ako"

"Ah ewan ko sayo! Meron ka ba?"

"Anong meron, katatapos ko lang at saka ano ba naman ate kai! Magaalas dose na wala ka ba talagang balak matulog?"

"Ok, wala kasi akong balak matulog! Hindi kasi ako pinapatulog dahil naaalala ko kung paano naging kami ni George, hanggang ngayon kinikilig parin ako at saka..."

Blah... Blah.... Blah..

Ano bang nakain ng isang ito at napaka-hyper naman masyado.

"ATE KAI! HINDI NA AKO MAKAKAPAYAG NA HINDI AKO MAKATULOG! KUNG GUSTO MONG LAGING GISING, WAG MO AKONG IDAMAY KASI KANINA KO PA GUSTONG MATULOG! BAKIT BA WALANG UMIINTINDI NON? HAY!" Sigaw ko tapos ay ini-hang up ko na yung tawag. Ewan ko kung anong magiging reaksyon niya sa nasabi ko pero ang masasabi ko lang ay kailangan ko nang makatulog.

Humiga na ako sa kama at ilang saglit lang ay nakatulog na. Sweet dreams!

***

Kinabukasan.

"Ate Ariela, nakakatawa talaga itong palabas na ito!" Sabi ni andrea. Nanunuod kasi kami ng cartoons. Ewan ko ba kung anong nalalaman ng mga ito at ito pa ang pinanood. Nagiisip bata tuloy ako. Ano ba yan.

"Ahahaha! Ang cute!" Sabi ni andrea tapos ay hinila niya yung hawak kong unan. Bwisit.

"Ayt. Ikaw talaga Andrea! Ang dami mong alam" natawa nalang ako. Ewan ko ba pero parang tinatamaan na naman ng kabaliwan itong si Andrea. Naalala ko tuloy noong unang noon naming dalawa ni Andrea. Jusme, halos magkabali ako kasi naman sa kakatawa niya ay hindi niya napipigilan na saktan ako. Kurutin, paghahampasin ng unan, minsan kinukurot pa tapos ang malala, nnanabunot pa siya na akala mo may kaaway. Halos mapunit ang buhok ko sa pagkahila niya. Sadista.

Habang nanonood kami ng cartoon sa siyang hobby ni andrea ay hindi na namin namalayan na may tumatawag sa labas ng pintuan.

"Ariela!! May naghahanap sayong ubodd ng kagwapuhan na mukhang alien!" Sigaw ni tita na narinig ko. Ano raw? May naghahanap saakin? Gwapo? Alien? Susme, sino pa ba?

Tumayo ako at lumapit kay tita at biglang napanganga. Wala lang, trip ko lang ngumanga. Actually, may isa pang dahilan eh. Narito lang naman kasi ang isang drop dead gorgeous na lalaking may sapak sa utak, pero infairness, pinanindigan niya ang pagiging tao. Halos mukha na kasi siyang tao dahil sa suot niyang colorless na damit. That means white. Jusko, wala ba talagang taste ang lalaking ito.

"Ang weird ng atmosphere, lalyo muna ako! Ariela! Gotcha!" Sigaw ni tita at umalis na sa harapan ko. Talagang sumigaw pa kahit na ilang pulgada lang ang layo ko sa kaniya. What? Teka? Anong ibig sabihin niyang gotcha? Hay naku, si tiya talaga.

"So? Anong ginagawa mo dito? Matapos mo akong pagurin at ipaluwa ang atay ko. At muntikan na akong mategu dahil muntikan na ako mabuslot sa black hole?" Sabi ko. Ahaha, nakakatwa yung reaction niya. Nakapoker face lang tapos nakitang kong may hawak siyang bulaklak. Anong ibig sabihin nito?

"Wala lang! Actually, mayroon akong sasabihin sayo!" Sabi niya.

"Oh? Ano naman yun?" Tanong ko. Bwisit. Talagang pina-suspense niya pa talaga.

"Wala lang!" Sabi niya tapos tawa. Duh? Sinong matatawa doon? Talagang malakas na ang tama ng isang ito. Anong kayang nakapukpok sa kaniya at ganyan kalakas ang tama niya.

"Ahehe! Nakakatawa!" Pilit nalang akong tumawa ay kinuha ko yung bulalak na hawak niya na halatang tinatago pa niya sa likuran niya tapos ay niyapakan ko ang kanan niyang paa.

Narinig kong napa-aray siya kaya naman pinagsarhan ko siya ng pinto. Inamoy ko pa yung bulaklak kinuha ko na dapat ay ibibigay niya sa akin. Ang asyuming ko.

Ilang minuto pa lang ang nakakaraan ay binuksan ko na ang pinto. Wala lang, trip ko lang gayahin yung scene doon sa pinapanood ni andrea na cartoons. Ahaha  ang lakas.

Nakita ko naman siyang nakayuko habang naglalakad. Bubuksan na sana niya yung gate pero sinigaw ko ang pangalan niya! Tapos ay napalingon siya at napangiti.

"THANK YOU!!" sigaw ko na siyang nagbigay sa kaniya ng malaking ngiti sa labi. Ang gwapo niya talaga! Owws? Ano ba yan? Nakakairita na tong nararamdaman ko!

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now