Kabanata 2

913 37 6
                                    

Kabanata 2

Scared to Death

Nagising ako mula sa mahimbing na pagkakatulog. Pinagmasdan ko ang paligid ko na kulay puti pati narin ang mga gamit na maayos na nakalagay. Nakaramdam ako ng konting kirot ng gumalaw ako ng konti. May kaunting gamit sa tabi ko. Hay, nasa hospital na ako pero laking gulat ko ng makita ko ang lalaking nakangisi sa akin. Sino pa nga ba?

"Kilala ko ito ah!?" Hindi makapaniwalang sigaw ko. Bumangon pa ako ng konti kahit na masakit at pinagmasdan ang binata sa harapan ko. At tama ang hinala ko, ang lalaking nakasabay ko lamang naman sa elevator ang kaharap ko na lagi nalang nakangisi.

Nagising ang lalaki kagaya ng lagi ng ginagawa, tsk. Inayos niya pa ang kaniyang sarili at nagkatitigan kami. Ewan pero parang may nararamdaman akong iba sa lalaking ito, siguro dahil nagtataka parin ako kung nakita ko na ba siya noong bata pa ako.

Nakaramdam muli ako ng pagtataka, paanong napunta ang lalaking ito sa harapan ko? "Anong ginagawa mo dito? At sino ka? Bakit ako nasa hospital? At saka bakit wala si Winter?" Maraming tanong na nasambit ko sa binata. Ewan kasi, ang hirap lang kasing isipin ang nangyayari ngayon. Ang slow ko.

Napahalakhak naman ang binata sa sinabi ko. May sapak ata ito.

"Ariela, easy lang!" Wika ng binata.

"Hey! Paano mo nalaman pangalan ko?" Pagmamaldita ko. Natawa muli ang binata. Siraulo ata ang taong ito, nainom na kaya ito ng gamit kasi kanina pa siya kung matingin at makatawa feeling close.

"Kasasabi lang ng kaibigan mo, at saka kaya ka nandito kasi nahimatay ka. Nagcollapse ka at akala ng lahat ay kung ano ng nangyari sayo! By the way, Im Clark! Co-worker-slash-Grim Reaper!" nabigla muli ako sa sinabi ni Clark. Hindi qko makapaniwala na may magaganap na ganito at talagang pinagtagpo pa kami ng tadhana ha. At ang nagpapataka sa akin ay kung totoo ba ang sinasabi nitong siraulong ito dahil hindi naman kasi kapani paniwala sa suot niyang almost black, pero pwede rin.

"Isa kang grim reaper? Anong ginagawa mo dito? At saka bakit niyo kinuha ang lola ko? Teka? Baka nagsisinungaling ka lang eh! Hindi ka nakakatawa o nakakatulong! Ulaga" Halos mangiyak ngiyak ako habang sinasambit ang lola ko, kung paano siya namatay at kung sino ang kumuha sa kaniya. Pinangako ko kasi na kakalimutan ko na ang lahat pero pilit na bumabalik ito sa alaala ko. How can I move on kung nakakatatak na ito utak at puso ko?

"Easy again! Oo, isa akong grim reaper. Bakit ako nandito? Para sunduin ka! Joke lang! May taning na kasi ang buhay mo. Meron ka nalang 100 days to live" wika ni Clark. Nagbiro pa talaga, hindi naman nakakatulong.

"Ano? May taning na ang buhay ko? Paano? Wag na wag mo akong kukuhanin kung ayaw mong makatikim, at saka madami pa akong pangarap, ayaw ko pang mawala sa mundong ito! Kung kailan naman gumiginhawa na ang buhay ko saka ka naman dadating na hudas ka" nanggagalaiting sabi ko kay clark. Natawa muli ang lalaki. Natawa pa talaga ang mokong na ito.

"Ano matitikman? By the way, you have a brain cancer, stage 4! Ang OA mo masyado" natatawang paliwanag ni Clark. Nagulat naman ako sa narinig ko. Hindi ako makapaniwala na kukuhanin na ng panginoon ang buhay ko at isa pa, ang sakit na nararamdaman ko noon ay sanhi ng ikalalabi ko! Jusme! Dapat pala nagpatingin na ako noon pa, edi sana naagapan. Siraulo karin kasi Ariela eh.

"Hindi totoo yan! At saka hindi ka grim reaper, you kidding me right? It's not funny ok? At saka taning? Malusog ako at hindi pa matitigok at saka sinong maniniwala sayo, ni hindi nga sinasabi ng doctor kung anong kalagayan ko at saka ang ganda ko pa naman para mamatay" tila baliw ang naging reaksyon ko nung time na yun. Magkahalong lungkot at kalokohan ang pumapasok sa utak at puso ko. Wala eh, nanguna siyang magbiro, edi papatulan ko na rin ang sapak ng isang ito.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now