Kabanata 19

282 17 0
                                    

Kabanata 19

The Present's Ex

Clark's POV

"Sur---" naputol ang sasabihin ko. Ewan ko ba. Natuliro ata ako. Nakita ko lang naman kasi ang babaeng naglakas loob na saktan ako bago ako mawala. Ang babaeng una kong minahal.

"Kalvin?"  Sabi ni Nathalie. Nathalie ang pangalan niya. Napatingin naman ang tatlong babae sa likuran pati narin si Ariela.

Kalvin Clark Pentalion.

Yan ang totoo kong pangalan. Hindi ko kasi trip na tawagin akong kalvin kasi patay na siya. Ako na si clark.

Lumapit si nathalie sa akin tapos ay bigla akong niyapos. Siniko pa nga niya si Ariela at nakita kong nasaktan siya. Bigla ko siyang tinulak.

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ko sa kaniya. Napataas kilay siya sa akin. "Para sayo. Akala ko kasi patay ka na" sabi niya.

"Sino siya clark?" Tanong naman ni Ariela. Yung tatlo naman nakanganga. Hindi siguro makapaniwala sa nagaganap na eksena.

"Clark? Duh, so badoy naman ng tawag mo sa kaniya! Siya si Kalvin, right babe?" Tanong ni nathalie tapos ay kiniss-an ako sa may pisngi. Nakita ko namang nakatingin ng masama si Ariela kaya ayun, nagwalk out.

Tinignan ko nang masama si nathalie. Sumunod naman ang tatlong buntot ni Ariela. "Bakit mo yun ginawa?" Tanong ko. Hindi kasi ako makapaniwala.

"I miss you, i want you back" sabi niya. Akala niya ba hindi ko pa naaalala yung ginawa niya. Hinding hindi ko mapapatawad ang sarili ko kung iibigin ko ang taong nasa harapan ko.

"Ano bang sinasabi mo? Pwede ba layuan mo na ako! Ayoko nang makita ang pagmumukha mo" nilayasan ko siya pero pinigilan niya ako gamit ang yakap. Bumitawa na rin naman ako kasi, hahabulin ko pa si Ariela.

Nang makawala ako sa psycho ex girlfriend ko, ahaha trip ko lang na tawagin siya non. Nakita ko naman agad si Ariela sa may coffee shop. Umiiyak tapos wala man lang nadamay sa kaniya. Siguro umalis na yung tatlo niyang buntot.

Lumapit ako na siya namang napansin niya. "Anong ginagawa mo dito?!" Sigaw niya sa akin. Hay, bakit ba ito nangyayari? Kung kailan naman nagiging masaya ay may uudlot pa.

"Gusto kitang makausap"

"Para saan pa?"

"Tungkol kay nathalie at sa akin"

"Ano namang paki ko? Hindi ko kailangan marinig yang paliwanag mo o kaya yang kwento niyong dalawa, pwede ba lumayo ka na" pinawi niya ang luha niya.

"Ariela, may maitim akong sekreto, masama akong tao" nakayukong sabi ko.

"Oo, alam kong masama kang tao. Matagal na no, kung makaimik ka kasi nakakairita"

"Hindi iyon ang ibig kong sabihin"

"Eh ano naman? At saka bakit ba ako nagtiya-tiyagang makipagusap sayo?"

"Masama akong tao, nakapatay ako"

Nanlaki ang mga mata niya sa nasabi ko. Makalipas ang 500 seconds ay humigot muli siya ng frappu na binili niya.

"What do you mean?" Tanong niya.

"Nakapatay ako"

"You're a killer?"

"Hindi ako, pumatay! Nakapatay"

"Yun na din iyon"

"Hindi kasi sa paraang pisikal ang nagawa ko"

"Ano? Hindi kita magets!"

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now