Kabanata 4

574 28 0
                                    

Kabanata 4

Ninety nine days

"Hi bebe ko!" Pangiinis niya

"Anong bebe ko? Baka gusto mong makatikim at saka paano mo nakuha yan?" inis na sabi ko at mablilisang hinablot ang bra'ng hawak hawak niya.

"Hoy hindi ko kasalanan na pakalat kalat ang bra mo, at saka narito ako para sabihin sayo na meron ka na lamang na 99 days to live, gawin mo na kung anong gusto mong gawin, gumawa ka ng memories bago ka pumanaw at saka ganyan pala kalaki ang kurbada mo" natawa pa siya. Naiinis naman ako kaya naman binigyan ko ito ng malakas na batok. Nakakairita kasi, sino ba naman ang matutuwa sa taong pakialamero na pinapakaelaman ang gamit mo? Napaka-stupid jerk.

"Eh? Bakit ang pakielamera mo? Walang hiya ka talaga Clark ka!" Naiiritang sabi ko at mabilisang hinila ang unan ko sa kama at inihampas kay clark. "Lumayas ka dito o lalayas ka?" Patuloy parin ako sa paghampas habang si clark ay panay pa rin ang tawa. "Oo na, geh na! Bye bebe ko" pangiinis muli nito.

"Bwisit ka" inirapan ko siya ng makaalis ito. Tila parang bula si clark dahil mabilis itong naglaho. Napaupo ako sa aking kama. Napabuntong hininga ng napakalalim at kinuha ang bra'ng nakakalat sa sahig. Ugh, so stupid.

"Afft. Nakakairita talaga ang clark na yun! Pati ba naman pribado kong bagay pinapakailaman" sabi ko. Tumayo ako at tumungo sa malapit na tambakan ko ng tubal. Matapos ay bumalik ako ng kama. Humiga at nagpahinga. Kailangan ko natin ng pahinga dahil pagod na pagod na ako sa oras na binubwisit ako ni clark.

Kinabukasan. Agad na iminulat ko ang aking mata ng marinig ko ang huni ng ibon mula sa labas. Umunat muna ako at napahikab bago tumunghay. Kaso kaysa sa maganda ang maramdaman ko nang umagang ito ay matinding inis. Dahil kaumaga- umagahan pa lamang ay napagmasdan ko na naman ang mukha ng pinakaiinisan kong tao sa balat ng lupa, kahit wala naman talaga face ang lupa. Ang grim reaper.

"At ano na naman ang kailangan mo? Pwede ba lubayan mo na ako," inis na sambit ko at tumungo sa may salamin. "Wala lang, masama bang kamustahin ko ang pinakamagandang babaeng kinukuha na ng kamatayan" wika ni Clark.

"Eh? Ang saya mo! Bwisit" inis na sambit ko. Bakit ba kasi ang lalaking ito pa ang ibinigay ni god para kuhanin ako. Eh mas mapapaaga pa ata akong matigok sa siraulong taong ito.

"Bakit ba ang sungit mo?" Tanong ni Clark.

"Eh bakit ang usisero mo?" Balik kong tanong. "Pwede ba lubayan mo na ako at naha-high ako sayo eh" dugtong ko pa.

"Edi ma-high ka para mabilis kang matigok" natatawang sabi ni Clark. Agad na napairap ako at mabilis na lumabas ng aking kwarto. Iritang irita na talaga ako sa taong iyon.

Clark's POV

Matapos na iwanan ako ni Ariela sa kwarto niya ay bigla kong naalala na mayroon akong gagawin. Kinuha ko ang papel mula sa aking bulsa. Hindi ito basta papel na lamang kundi ito ay ang mga taong sunod ko ngayon.

Nang makita ko ang lokasyon kung saan ko kukuhanin ang kaluluwa ay mabilisan akong naglaho na parang bula. Oh diba, sayamaging grim reaper. May pa-teleport pang nalalaman.

Nakarating agad ako sa kinaroroonan ng mabilisan. Agad na nakita ko ang aksidente pati narin ang dalawang kaluluwang kukuhanin ko.

Umiiyak ang isa at ang isa naman ay pinapakalma ang kasama. Dahan dahan akong lumapit sa mga ito.

"Shykel Santos, 25 years old, Born on April 3, 1992, Died on September 20, 2017" sabi ko.

"Walter Indigo, 26 years old, Born on December 21, 1991, Died on September 20, 2017" dugtong ko.

Napatingin sa akin ang dalawang kaluluwa. Agad akong napangisi. "Teka sino ka? Paano mo nalaman ang pangalan namin at paano mo kami nakikita?" Sunod sunod na tanong ng dalawa.

"Hindi niyo na dapat pang malaman, tama naman di'ba? Sa ngayo'y sumunod kayo sa akin" pagkatapos konh sabihin iyon ay inilabas ko ang papel kung saan nakalagay ang infos tungkol sa kanila. Nilagyan ko ito ng check at muling itinago.

Naglaho muli ako at ang mga dalawa na parang bula. Oh, teleport again. Nakarating kami sa isang lugar. Isang mahiwagang kuweba sa gitna ng gubat Tinggay. Ngunit ang pinagkaiba nito sa pangkaraniwang na kuweba ay mayroon itong gintong gate at mga kagamitan na gagamitin bago pumasok sa portalang kaluluwa.

"Dahil kayo'y lumisan ng araw na ito, bago kayo pumasok sa mahiwagang daanan, pumunta muna tayo sa tubig ng kalinisan" utos ko. Nagtungo sila kung nasaan ang tubig ng kalinisan. Kung saan hindi lang ito pangkaraniwang na tubig kundi mahiwaga kung saan dito mawawala ang mga alaala nila noong sila'y nabubuhay pa.

Isa isang iniharap ng dalawang kaluluwa ang kanilang mukha sa tubig. Mapagmamasdan mo ang nangyayari sa kanila. Nawawala ang kanilang alaala na hinihigop ng tubig ng kalinisan. Kaya ito tinawag na ganoon upang mapalinis ang isipan nila bago sila pumasok sa mahiwagang kuweba.

Iniabot ko naman ang isang inumin. Isang inumin na kailangan bago dila pumasok ng kuweba. Ito ay upang iwasan sila ng diyablo na maaaring nariyan lamang sa tabi at pinagmamasdan sila. Inutusan ko silang inumin iyon, at iniinom naman nila.

"Maaari na kayo pumasok sa kuweba, ang alaalang dadalhin niyo roon ay masaya kayong namayapa ng mundong ibabaw at pipiling sa amang panginoon" huling habilin ko. Pumasok ang dalawang kaluluwa sa kuweba. Nasa harapan pa lamang sila ng kuweba ay hinigop ang mga ito. Napangisi ako bago muling naglaho na parang bula.

Nagteleport muli ako at tumungo sa bahay ni ariela. Mahigit na limang oras na bago ako iwan ni ariela sa kaniyang kwarto. Nagawa ko na ang tungkulin ko, tanging si tatlong kaluluwa pa at si ariela bago ko makapiling muli sina inay.

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon