Kabanata 13

341 19 0
                                    

Kabanata 13

That's My First Kiss!?

Third Person's POV

Namulat ang mga mata ni Ariela dahil sa liwanag na nagmumula sa may bintana. Bumangon siya at napakusot ng kaniyang mata. Agad na nagulat si Ariela ng makita niya si Clark sa tabi niya. Napaurong siya.

"Anong ginagawa mo dito?" Naiiritang sambit niya. Umagang umaga ay nakaramdam agad siya ng inis.

"Ang ingay mo naman! Baka gusto mong halikan kita" nakangiting saad niya. Mas lalong nainis si Ariela kaya naman binatukan niya ito.

"Bwisit ka--" hindi na natapos ang sasabihin niya dahil biglang hinalikan ni Clark si Ariela. Ilang minuto lamang kaya naman nang makabitaw na si clark ay napahawak siya sa kaniyang labi.

"Letche ka" sigaw niya pero naglaho ito na parang bula. "Ahh! Nakakaluka ka talagang clark ka, wag na wag kang magpapakita saakin! Ninakaw mo ang first kiss ko letche" sigaw ni Ariela.

Dahil sa inis na kaniyang nadarama ay tumungo siya muna sa may labas. Naalala niya na may pupuntahan sila ni Kai ngayong araw kaya naman dali dali siyang nagbihis at umalis patungo sa lugar kung saan sila magkikita.

"Ate kai" bati ni Ariela ng makita niya si kai sa lugar kung saan sila magkikita.

"Oh, buti nariyan ka na! Kilala mo ba siya?" Itinuto niya ang kasama niyang babae. Tila pamilyar ito sa kaniya.

"Teka, ate Rem?" Natutuwang sabi ni Ariela. Napangiti si Rem at niyapos siya.

"Buti naaalala mo pa ako, nabalitaan ko kay kai na may sakit ka daw na malubha! Kaya naman bilang iyong ate-atehan, aalagaan kita" saad ni Rem.

"Ayst! Ate rem naman! Ate kai saan nga ba tayo pupunta?" Tanong ni Ariela.

"Sa reunion ng batch namin, wala kasi akong close kundi si rem kaya isinama kita" pagpapaliwanag ni Kai sa kaniya.

"Ahh ok! So tara na?" Wika ni Ariela na siya namang sinangayunan ng dalawa.

___😇___

Kasalukuyang nasa tapat sila ng isang eskwelahan. Natulala si Ariela. Naaalala niya na dito siya nagtapos ng pagaaral mula elementarya hanggang collage. Nagtungo na ang kaniyang kasama sa loob kaya naman sumunod na siya.

Ang dami mga guro ang nakita niya at namiss niya. Tumungo sila sa isang venue. Marami siyang nakilalang kaklase ni Kai at mga ilang kaklase niya noon.

"Na-miss kita kai! OMG, ang ganda mo talaga kahit kailan, hindi kumukupas" wika ng kaklase niya.

"Ako pa! Hayst, si Ariela nga pala! Kaibigan ko" saad ni kai.

"Hi!"

"Hello!"

"Hello din" wika ni Ariela.

"Oo nga pala Ariela, bakit hindi mo kasama ang boyfriend mo?" Tanong ni kai.

"Ahh! Nagpaiwan siya eh, may gagawin daw siya" saad ni Ariela. Napabuntong hininga siya dahil sa kasinungalingang lumalabas sa bibig niya.

"Ahh"

"May boyfriend na pala si bunso reil?" Natutuwang sabi ni Rem.

"Oo meron na, ang gwapo nga eh tapos mukhang anghel! Bagay na bagay sila" saad ni kai

"Eww! Kilig! Sana makilala ko siya" sabi ni rem

"Anghel ba yun! Eh halang ang puso non eh" pabulong na sumbat ni ariela.

"Huh? Anong sabi mo ariela?" Tanong ni kai at rem

"Ah! Ang sa-sabi ko ay oo" sabi ni ariela at kinilig pa ang dalawa.

Napabaling ang tingin ni Ariela sa kanan kung saan nakita niya si Vren at ang kaniyang asawa na buntis.

"Diba si Future Vren mo yun?" Sabi ni Rem.

"Huh? May asawa na siya at buntis na ate rem" sabi ni Ariela. Napabuntong hininga siya.

"May nararamdaman ka pa ba sa kaniya?" Tanong ni ate kai.

Napaisip si Ariela. Hindi niya alam kung anong isasagot kaya naman nakakibit balikat nalang siya.

"Yass! Nagmove on na si buso riel" sabi ni rem.

"Oo nga! At saka may boyfriend na yan! Imposibleng mahal pa niya si Vren" sabi ni kai.

Nakita niyang may lumapit na lalaki kay Vren. Naalala niya ang lahat. Kilala niya ang lalaking kausap ng dati niyang mahal. Si Ethyr, ang bestfriend niya noon na may gusto sa kaniya.

"Diba si Bro Ethyr yun, ang manliligaw mong binasted mo ng sobra" sabi ni Rem.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now