Kabanata 5

518 29 0
                                    

Kabanata 5

Ay Pogi!?!

"Andrea? Andrei? Ariela? Pumunta kayo dito dali" hiyaw ni tiya. Agad na lumapit ksming tatlo na busy sa paglalaro ng video game. Kasalukuyang nanonood si tita ng balita.

"Kaawa awa naman," malungkot na sambit ni Andrea ng makita ang balita. Ang balita ay tungkol sa sagasaan ng truck at motorsiklo. Dalawa ang patay habang dalawa ang nasa hospital.

"Teka si Clark" biglang sambit ko. Ewan ko kung bakit lumabas iyon sa bibig ko. Labis na nagtaka ang dalawang katabing kambal. "Ate sino si clark? Ayiieee" pagiinsulto ni Andrei saakin. Ano naman kaya ang iniisip ng siraulo kong pinsan na ito?

"Ahh kaibigan ko, meron kasi kaming pupuntahan" pagpapalusot ko. Hay, bakit ko ba nabigkas ang pangalan ng hudas na yun?

Maglalakad na sana ako ng biglang lumitaw si Clark sa harapan ko. Bumilis bigla ang tibok ng puso ko dahil sa kaba. "Ay butiki!" Napasigaw na lamang ako. Nakakagitla naman itong si clark.

"Ate anong nangyari sayo?" Tanong ni Andrea. Napakamot ako ng ulo. Wala na akong maisip na palusot. "Ma-may b-ut-tiki" utal na palusot ko. Hay, kailangan ko na talagang magaral sa palusot-mo.com.ph .

"Naku ate, sa tanda mo nang iyan takot ka parin sa butiki" pangiinsulto ni Andrei na siya namang sinangayunan ng kambal niya. Bwisit naman oh, kung kailan tahimik mukhang anghel pero kapag maingay mukhang demonyo ang Andrei na ito.

"Afft. Wag niyo na nga lang insultuhin ang ate niyo, Ariela mauna ka na baka hinihintay ka na ng boyfriend mo" saad ni tiya tapos ay tumawa.

"Isa pa naman kayo tiya eh! Hindi ko nga boyfriend, bestfriend nga eh" pagpapaliwanag ko. "Ayiee! Love niya ako" pagpapa-cute ni Clark.

"Owws! Kaibigan nga ba o ka-ibigan" sambit ni Andrea at humalakhak. "Oh siya, tama na nga" pagaawat ni tiya sa asaran ng kambal sa akin.

Naglakad na ako habang buntot naman si Clark sa akin. Di pa ako nakakalabas sa may pintuan ay narinig ko ang sigaw ni tiya. "Goodluck sa date niyo" yun ang pagkakarinig ko. Napabuntong hininga ako. Kahit kailan talaga kailangan may pahabol.

"Bakit hindi mo sinabi na gusto mo pala ako" insulto ni clark habang naglalakad kami. "Anong gusto? Gusto mo ng suntok?" Pangaaway ko kay clark. Napahalakhak naman ang kumag.

"Wag nang indenial!" Insulto muli niya. Hindi ko na lang pinansin pa si Clark at inirapan ko na lang ito ng mabilis.

Mabigat ang mga hakbang ko habang naglalakad kami sa tirik ng araw. Naka-live ako ng araw na ito at ilan pang linggo upang magkaroon naman ako ng bakasyon bago ako lumisan sa mundong ito. Tanging buong nagtatrabaho pa lamang doon ang nakakaalam ng malubha kong karamdaman. Pati ang aking mga kamaganak ay walang kaalam alam sa nangyayari sa kaniya. Sa sakit kong ito.

Sa wakas ay nakarating kami sa may shade. Doo'y naghintay kami ng masasakyan. Mag-mall kaming dalawa ngayon at mamimili ng mga bagay na maaari kong ibigay sa pamilya ko bago ko sabihin ang karamdaman ko.

Pinara ko ang taxi na dumaan. Sumakay ako at umalis na. Katabi ko si Clark na tahimik lang nakaupo. Pero kung makikita mo sa may windshield ng taxi ay walang hulma ng clark ang makikita roon. Tila para siyang kaluluwa. Napansin ko rin na lagi nalang niyang suot ang itim na toxido at ang itim na sumbrelo niya. Wala ba silang taste sa pananamit? Napaglumaan na sila ng panahon eh.

"Bakit ba lagi nalang iyan ang suot mo? Ang panget kasing tignan" pagiinsulto ko sa suot na damit ni Clark.

"Kaysa naman sayo na mukhang payaso sa mga pinagsusuot mo" napahalakhak muli ito. Nawala ang lungkot sa kaniyang mukha.

"Ang sama mo talaga, dapat hindi ka naging grim reaper kundi demonyo" sabi ko sabay ngisi. "Eh di wow! Hoy mas demonyo ka pa sa akin! Ulol" natawa muli siya.

Napatingin sa gawi ko ang taxi driver na nagtataka. "Ineng, sinong kausap mo?" Tanong nito. Agad na napaisip ako. Nakalimutan kong hindi pala nakakakita ng grim eaper ang may mahaba pang buhay. Agad kong hinalwat ang aking bag at inilabas ang cellphone ko. Wala akong maisip na palusot eh. At saka kailangan ko na talagang mag-google ng palusot sa palusot-mo.com.ph

"Ahh may katawagan ako kuya" pagpapaliwanag ko na hindi naman halatang may tumatawag.

"Ahh" yun na lamang ang nasabi ng taxi driver at nagpatuloy na ito sa pagda-drive. Makalipas rin ang ilang minuto ay nakarating kami sa mall. Iniabot ko ang bayad at lumabas ng taxi. Napatingin ako ng masama kay clark.

"Lagi nalang akong napapahawak kapag kausap kita" inis na sigaw ko. Agad akong nakapukaw ng atensyon ng maraming tao. Kaya naman nakaramdam nalang ako ng hiya. "Bwisit" sabi ko na parang bulong.

"Wag ka magalala, hihilingin ko na sana nakikita na ako ng tao para namab maging masaya ka!" Sabi ni clark tapos kumindat pa. Aysus, ang pogi--- este ang cut---- este, ano ba yan!

"Tara na nga!" Sigaw ko at pumasok na kami ng mall.

Love Against Death (2017)Where stories live. Discover now