Kabanata 22

251 17 0
                                    

Kabanata 22

Ariela's Special Day

Third Person's POV

Araw ngayon ng debut ni Ariela. Ang araw na ito ay hindi pangkaraniwabg debut na kainan tapos ay proceed kaagad sa 18 roses, chocolates, candles at iba pa. Para kay ariela ay ito na ang pinakamiserableng nangyari sa buhay niya. Perpekto ang venue ng debut. Marami ring handa at maraming dadalo ngunit ang talagang nagpalala at nagpapangit ng lahat ay ang sarili niyang nakaupo sa wheelchair.

Ang suot ni Ariela ay isang napakagandang violet na gown na may disenyong bula-bulaklak sa laylayan. Nakasuot ng isang 3 inch glass heels. Bumili narin sila ng wig na bumabagay sa kaniya dahil sa nanlalagas na buhok niya.

Makasimangot na pumunta sa unahan ng entablado si Ariela habang tinutulak ng tiyahin niya. Kasalukuyang nagsisimula na ang debut at pinapakilala na ang debutantes.

Napabuntong hininga siya bago kumurba sa kaniyang mukha ang pekeng ngiti.

"Maraming salamat sa mga dumalo! Nagpapasalamat ako sa panginoon at naidaos pa itong kaarawan na ito. Napakasaya ko kahit na ganito ang kalagayan ko. Nagpapasalamat ako kina tiya, andrea at andrei na siyang nagabala ng napakagandang venue na ito. Sa boyfriend kong si Clark na laging nariyan para alagaan ako. At labis akong nagpapasalamat dahil maraming dumalo, yun lamang po"

Matapos niyon ay nagsimula na ang kainan. Merong kinuhang caterer sina tiya kaya hindi na nila kinakailangan pang pumila at sila nang bahalang maghain ng pagkain sa kani-kanilang lamesa.

Naging masaya ang takbo ng debut. Naganapan parin ang 18 roses at 18 dance. Kahit na nangangatog ang paa ni ariela ay pilit parin siyang tumyo at isinayaw ang mga lalaking nagbibigay sa kaniya ng rosas hanggang sa maisayaw siya ni clark, ang last dance niya.

"Kaya mo pa ba?" Tanong ni Clark na nakangisi sa kaniya. Natawa si Ariela sa tanong ng binata.

"Ok lang ako! Anong akala mo sa akin, mahina at lumpo? Ang lakas pa kaya ng pangangatawan ko" napangiti muli siya.

"I love you"

"I love you too." Tapos bahagya niyang hinalikan ang dalaga sa pisngi. Pakiramdam niya ay bigla siyang naginit at namula sa ginawa ng binata. Nasa gitna sila ng dance floor na pinalilibutan ng mga tao kaya naman, labis na kahihiyan ang naramdaman niya.

"Ariela?" Tawag niya. Napatingin si Ariela noong siya'y napayuko sa kahihiyan.

"Bakit?"

"Ang ganda mo" puri ng binata.

"Ahh, salamat! Maganda ba talaga ako? Ang pangit ko kaya kasi naman saan ka nakatalang may debutantes na nakaupo sa wheelchair"

"Meron kaya!" Pagpupumilit niya

"Sino naman?" Curious na tanong ni Ariela.

"Siyempre ikaw! Unique nga eh,"

"Sira ka talaga" hinampas niya sa braso si Clark. Napatingin si Ariela kay clark at bahagyang namula ang pisngi. Nakita niya ring namula ang pisngi ni clark kaya naman napailing ito.

Nathalie's POV

"Miss Nathalie, ang iyong sakit ay lumulubha na! Kailangan mo nang humanap ng magdodonate sa iyo ng kidney dahil kapag hindi agad napalitan yang kidney mo ay lalala ito at maraming magsanhi ng iyong pagkamatay"

Halos mangiyak ngiyak ako habang pinapakinggan ang sinasabi ng doctor. Nasa hospital ako at nangangailangan ng magdo-donate ng kidney. Malubha na ang sakit ko, at alam kong hanganan na ito. Aasa pa ba akong gagaling ako? Mukhang wala ng pagasa kaya naman hindi na ako nagabalang mahanap pa.

"Oh sige, baka i-take mo lang yang mga gamot na ibinilin ko sayo! Bakit hindi mo sabihin sa mga magulang mo ang sakit mo? Ayaw mo na bang gumaling?" Tanong ng doctor. Malapit ang doctor saakin kasi kapatid siya ni Mommy. Hindi niya sinasabi ang sakit ko dahil wala daw siyang karapatan at ako lang ang mayroon.

Napaisip ako. Sasabihin ko ba sa magulang ko ang sakit ko? Hindi ko naman sila kailangan pa, pero may karapatan silang malaman ito dahil anak nila ako? Ah basta, hindi ko nalang sasabihin, wala  naman silang paki-alam sa akin at ang kailangan ko nalang ngayon ay si Kalvin.

"Hindi na po siguro" sagot ko. Napatango na lamang ang doctor at umalis na ng silid.

Agad kong kinuha ang cellphone ko mula sa mini table sa tabi ng kamang hinihigan ko.

To: Kalvin

Busy ka ba? Nasaan ka? Pwede mo ba akong puntahan?

Pagka-send ko ng message ko ay inilapag ko ang cellphone at humiga ng maayos. Ilang minuto lamang ang nakalipas ay may dumating agad na mensahe.

From: Kalvin

Sorry Nathalie! Busy ako at nandito ako sa bahay ng girlfriend ko. Debut niya, kung gusto mo ay puntahan mo nalang kami dito, Join us

Pagkatapos kong basahin ang mensahe ay napabuntong hininga ako. Nangagalaiti ako sa galit. Ano bang meron kay ariela na wala ako. Hanggang kailan ko ipamumukha ko sa kaniya na mahal ko siya. Alam kong kalahati ng puso niya ay mahal ako at hindi ako magpapatinag kung may mahal pa siyang iba. Girlfriend lang naman sila, hindi pa kasal kaya mapapasaakin pa siya.

Nireply-an ko ang mensahe niya.

To: Kalvin

Ahh wag nalang

Pagka-send ko ay napabuntong hininga ulit ako. Ayaw ko pa sana siya tigilan sa pagtext. Kahit doon manlang ay mabuo na ang araw ko pero sa tuwing binibigkas niya ang pangalan ng girlfriend niya, feeling ko sinasabi niya ang pinakamasamang salitang narinig ko.

Nagreply muli siya kaya naman dinampot ko ulit ang cellphone ko.

From: Kalvin

Kung makakauwi ako mamaya, dadaanan kita! Nasaan ka ba?

Napangit ako. Kalahati ng nararamdaman ko ay saya. Nagreply agad ako.

To: Kalvin

Nandito ako sa may Roswell Hospital

Pagkasend ko noon ay napatalon ako sa kinahihigaan ko. Pinapangako ko talaga na aagawin ko siya sa poder ni Ariela. I steal her boyfriend bago ako mamatay.

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon