Kabanata 7

410 25 0
                                    

Kabanata 7

Aaminin ko

kasalukuyang nasa tapat ako ng aking bahay. Katabi ko si clark na pinagmamasdan rin ang paligid. Pinangungunahan ako ng kaba. Hindi ko ma-imagine ang sitwasyon ko habang sinasabi iyon. Hindi ko rin alam ang magiging reaksyon nila kapag nalaman nila ang malubha kong sakit.

"Paano mo nga pala nakuha yung relo?" Tanong ko. Simula kasi kanina hindi ko pa natatanong kung saan nga ba galing ang relong binigay niya.

"Sa akin ang relong yan, nung ako'y buhay pa" saad nito. Nalulungkot siya sa sinabi niya. Siguro dahil mahalaga sa kaniya ang relong iyon.

Bumaling muli ang tingin ko sa bahay. Lalakasan ko na ang kaniyang loob. Kahit na kung ano man ang mangyari. Bumuntong hininga muna ako bago ako humakbang ng ilang beses.

Nang makarating kami sa may pintuan ay bumilis ang tibok ng aking puso. Hindi ko alam kung paano ko ba sasabihin kina tita ang malubhang kalagayan ko. Pinihit ko na ang doorknob. Pumasok ako ng malumanay. Pinapakalma ko ang aking sarili.

"Oh! Nariyan na pala si Ariela" saad ni tita. Lumapit ako at nagmano. Pagkatapos ay tinawag ko ang kambal sa kanilang kuwarto. Tila may meeting na magaganap sa may salas.

"Ate ano po bang sasabihin niyo?" Tanong ni Andrea na may pagtataka. Minsan ko lang kasi gawin ang magtipon tipon. Nangyayari lamang ito tuwing may masamang nagaganap. Katulad nalang nito nakakairita kong sakit.

"Gusto ko sanang iabot sa inyo ang munti kong regalo. Sana'y magustuhan niyo" naluha ko habang binibigkas iyon. "Yun lang ba ate Ariela ang sasabihin mo? Akala ko naman kung ano na eh" napangiti si Andrei at dali daling binuksan ang kaniyang regalo.

Tuwang tuwang pinagmamasdan ko ang aking kamanganak habang hawak ang regalong aking binigay. Binigyan pa ako ng aking tiya ng mahigpit na yakap. Naluha tuloy ako.

"Oh? Bakit ka umiiyak Ariela?" Pinawi ni tiya ang mga luhang bumabagsak mula sa aking mata gamit ang aking palad. Hinawakan ko ang kamay ng aking tiya. Inilayo ko sa aking mga matang patuloy sa pagiyak. Lumapit ang dalawang kambal ng makita nila ang eksena.

"Tiya, Im dying!" Saad ko. Patuloy pa rin ako sa pagiyak habang ang aking tiya at ang kambal ay hindi makapaniwala. Napapahikbi ang kambal habang umiiyak narin ang aking tiya. Niyakap ko sila ng mahigpit.

"Meron akong malubhang sakit, brain cancer, stage 4" muling sambit ko na siyang ikinahagulgol ng aking tiya. Ngayo'y madramang eksena na ang nagaganap dito sa bahay. Nakakairita ang ganitong eksena.

"Bakit ngayon mo lang sinabi iyon Ariela? Kaya mo ba kami binigyan ng regalo upang masabi mo ang sakit mo?" Wika ni tiya.

"Opo, at meron na lamang akong 3 month para mabuhay" wika ko. Npahagulgol narin ang kambal. "Ate Ariela, wag mo naman kaming biruin ng ganyan" wika ni Andrea.

"Hindi ako nagbibiro andrea" pinawi ko ang mga luha sa aking mukha at may kinuhang papel mula sa aking bag. Ang mga resulta ng aking malubhang karamdaman. Nang mabasa iyon ng aking mga kamaganak ay mas lalong nanaig ang iyak sa buong silid.

___😇___

Kinabukasan, hindi muli ako nagtrabaho. Bagkos ay kasama ko ang grim reaper patungong Del Salome Village kung saan nakatira ang ama ni ina, ang lolo ko sa ina. Kasalukuyang nasa biyahe kami. Nakasakay sa bus patungong terminal at sasakay ng tricycle para makapasok sa Del Salome.

Maganda ang lugar na iyon. Doon nakatayo ang isang sa mga magagandang tanawin na makikita mo sa huong buhay mo.

Naka-headset ako habang nakadungaw sa may bintana. Naaalala ko pa ang mga nangyari kagabi. Halos hindi ako patulugin sa aking nararamdaman. Ayaw ko pang iwan ang mga kamaganak ko pati narin ang buhay ko pero sabi nung taga pagalaga ni lolo ay pumunta daw ako.

Clark's POV

Katabi ko si Ariela sa may bus. Nakadungaw rin ito sa bintana at pinagmamasdan ako. Biglang bumilis ang tibok ng puso ko ng mga oras na iyon. Tila ayaw ko nang iwan ang dalaga sa tabi ko. Ngunit biglang nagvibrate ang aking bulsa.

Alam ko na kung ano ito at iyon ay ang susunod kong susunduin sa kamatayan. Kinuha ko ang nagba-vibrate na papel at laking gulat ko ng makita ko kung sino ang nakasulat.

Hindi man makapaniwala ay nabigkas ko ang pangalan nito.

Alfonso Helminth.

Love Against Death (2017)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon