35

2.9K 23 3
                                    

"Papa,  papa! " tawag ni baby grace sa kanyang papa ray.

Habang tumatakbo ito papunta sa kanya nasa harap ng lapida ni grace si ray ngayon.

"O ano yun baby grace! " masayang wika ni ray sa kanyang anak.

Isang malaking disisyon ang ginawa ng pamilya ni grace.

"Buhay pa po siya!  " wika ng doctor ng matapos nitong suriin si grace.

Nakahinga ng malalim ang kanyang pamilya  dahil sa narinig nila

"Papa,  mama,  dip at troy! " tawag ni zep sa kanila.

Napatingin naman sila sa kay zep.

"What if ibigay natin ang mata ni grace sa kay ray? " suhestyon nito sa kanila napaisip naman ang kanyang pamilya.

"It's better na i donate niyo na lang ang mata ng pasyente niyo,  dahil mukhang ang himala na inaasam natin ay dina darating! "Wika ng doctor.

Umiling si dada di nito kayang ipamigay ang parte ng  katawan ng kanyang anak.

"Mama,  kumplikado na po ang sitwasyon ni grace! " sabi naman ni zep

"Mag usap usap muna kayo,  puntahan niyo lang ako sa nursing station pag nakapagdisisyon na kayo" wika ng doctor saka umalis na.

"Di ko kaya zep! "Naluluhang wika ni dada sa kay zep saka nilapitan si grace.

"Pagmasdan niyo si grace! " utos ni dada .

Lumapit naman sa kanya ang mga anak nito at ang papa nito.

"Pag masdan niyo si grace! " naluluhang wika ni dada.

"Naaawa ba kayo sa kanya? " tanong nito sa kanila.

Naluha na lang ang silang lahat.

"Diba nakakaawa na siya! " sagot ni dada sa kanyang tanong umiiyak parin siya.

"Kaya niyo bang tingnan na mawala siya na may kulang sa kanyang parte ng katawan? " umiikbing wika ni dada

"Mama,  hindi namin kaya pero alam kung magiging masaya siya pag sa kanyang minamahal ibigay ang kanyang mata! " si zep na umiiyak na rin.

Napatingin naman si dada sa kanyang anak.

"Mahirap zep! " wika ni dado.

"Papa,  mama,  isipin niyo na lang na may makakakita na isang tao sa pamamagitan ng mata ni bunso,  parang buhay pa rin ito! " sabi ni zep sa kanila.

Natauhan ang kanyang pamilya sa sinabi ni zep.

Natapos ang operasyon ni ray ng maayos .

Tiningnan ni baby grace ang lapida at nakita nitong kapangalan nito ang nasa harap niya .

"Papa,  sino po siya? " tanong naman ni baby grace sa kanya.

Nginitian na lang siya ni ray at hinalikan muna sa noo.

"Baby,  siya ang babaing minamahal ng papa mo! " nakngiting wika ni ray sa kanyang anak.

Naging malungkot ang awra ng mukha ni baby grace.

"Di niyo po mahal si mama? " malungkot na wika ni baby grace sa kanyang papa.


Natatawang umiling si ray.

"Mahal na mahal ko rin ang mama mo, kaya wag ka nang malungkot! " nakangiting wika ni ray sa kanyang anak.

"Pwdi po bang dalawa ang mahal papa! " tanong naman ni baby grace.


"Oo naman,  kahit gaano pa yan karami basta mahal mo! " sagot naman ni ray sa kanya.

Tiningnan siya ni baby grace na parang nagtataka.

"Mahal ko ang mama mo,  mahal kita, Mahal ko rin si grace at mahal ko rin ang lolo at lola mo, mahal ko rin ang mga kaibigan ko, mahal ko rin ang mga students ko. Dahil ang pagmamahal ay nakadepende sayo! " mahabang paliwanag ni ray sa kanyang anak.


End

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now