18

2.1K 18 0
                                    

Kabadong kabado parin si ray nang marinig nito ang sinabi ni grace di nag react ang kanyang mga pamilya kaya ganun na lang ang kaba nito sa dibdib.

"At mahal ko po siya! " dugtong pa ni grace sa sinabi nito.

Hinawakan nito ang kamay ng kanyang nobyo at ngumiti sa kanilang pamilya.

"Malamang mahal mo siya magtataka kami kung boyfriend mo siya pero di mo mahal! " sabat naman ni dip na siyang panganay nila na may pagka joker.

Natawa na lang si grace at ganun rin si ray.

"Magandang araw po! " bati ni ray sa kanila.

"Araw pa ba?  Gabi na tol! " pagbabasag ng trip ni dip sa sinabi ni ray.

Kaya napangisi na lang si ray.

"Magandang gabi po" pag uulit nito.

"Kuya! " pabebeng sigaw ni grace sa kanyang kuya.

"Pag usapan natin sa loob,  tuloy mona kayo! " saad ni dada saka pinatuloy ang bagong dating na sina grace at ray.

"Isang tanong isang sagot! " panimula na tanong ng papa ni grace.

Kinakabahan si ray at pawis na pawis na ito.

"Mahal mo ba ang anak ko? " diredsahang tanong ng papa ni grace.

Pinunasan mo na ni ray ang pawis nito sa noo.

"Oo! " kinakabahan sagot ni ray sa harap ng pamilya ni grace.

"Pakakasalan mo ba siya? " tanong naman ng mama ni grace.

Napatahimik ang lahat at hinihintay ang sagot ni ray

"Nandito nga po ako,  para hingiin ang permiso niyo na sana payagan niyo ako na makasama ko ang anak niyo sa matagalang panahon! " mahabang sabi ni ray sa pamilya ni grace.

Parang sumasayaw sa tuwa ang puso ni grace sa mga naririnig nitong salita mula sa kanyang nobyo.

"Nag aaral pa si grace kaya di pa pweding mag asawa ang bunso namin! " wika ng isa sa mga kapatid ni grace.

"Handa po akong hintayin ang pag tatapos ni grace.! " sabi ni ray

"Nag aaral ka rin ba? " tanong ni dada ang mama ni grace.

"Tapos na ako,  at isa na po akong guro! " nakangiting sabi ni ray.

Humanga naman ang pamilya ni grace sa kanya.

"Talaga naman matinik ang kapatid ko sa pagpili! " wika ni dip habang tinapik pa nito si grace sa balikat.

"E,  anong trabaho ng mga magulang mo? " tanong uli ng mama ni grace.

Napatahimik si ray ng bahagya at biglang nag bago ang awra nito.

"Hiwalay po ang parents ko! " malumanay na sabi ni ray.

"Trabaho ang tanong di ang status ng mga magulang mo? " si dip.

"Ang papa ko ay nasa ibang bansa may bagong pamilya ang mama ko naman ay sa company nag tatrabaho ngunit merun din itong bagong pamilya,  for short may kanya kanya na silang pamilya! " malungkot na wika ni ray sa harap ng pamilya ni grace.

"Ano ito,  the bottom line ni boy abunda na kailangan lahat ng tanong ay sasagutin?" Wika ni grace.

"Kinikilatis lang ang boyfriend mo! " sabi ng kuya naman ni grace.

"Tama na siguro iyon! "Sabi ni dada na mukhang nadala sa kwento ni ray dahil sa namumula na ang mga mata nito.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now