25

1.8K 11 0
                                    

"wow! papayang hilaw babe!" masayang wika ni grace habang turoturo pa nito ang puno ng papaya na maraming bunga.


matagal ng gustong kumain ni grace ng hilaw na papaya.


napatingin naman si ray sa tinuro ni grace at nakita nga niya ang dalawang puno ng papaya na may mga bunga.


naglalakad na sila pauwi dahil malapit ng dapit hapon.


"gusto mo kunan kita?" tanong ni ray sa kanya natawa naman si grace.


"oo!" masayang sagot ni grace.


pumunta na si ray sa bahagi kung saan nandoon ang papaya, nang maramdaman nitong nakasunod pala sa kanya si grace.


"bakit ka sumunod?" baling na tanong ni ray sa kanya ng dumating na ito sa tapat ng puno ng papaya.


"maraming malanding babae dito, baka dumikit sayo." seryosong sabi ni grace.


nagpalinga linga naman si ray ngunit wala itong nakitang tao sa paligid. napangiti na lang siya .


"wala naman tao dito a. baka hanapin tayo ng mga kuya mo?"


"nakita nila tayo."


tumingala na lang si ray ng marinig nito ang sinabi ng kanyang nobya.


"saan ba diyan ang gusto mo?" tanong ni ray habang nakatingala parin.


"iyon!" turo naman si grace .


tiningnan ni ray ang tinuro ni grace at nakita nito ang malaking bunga ng papaya na hilaw.


"bakit hilaw, marami naman bungang hinog a?" pagtatakang tanong ni ray.


"ikaw ba kakain?" balik na tanong ni grace sa kanyang nobyo.


umiling siya at bumaling ng tingin sa kanyang nobya.


"di, kasi ang asawa ko at ang anak ko ang kakain!" nakangiting sabi ni ray .


parang may kung anong hayop ang nagtatakbuhan sa dibdib ni  grace ng marinig nito ang sinabi ng kanyang nobyo.


" kinikilig ka na naman!" panunuksong wika ni ray sa kay grace.


"hindi a." mabilis na tanggi ni grace.


"e. bakit ang pula ng pisngi mo?" dagdag pang tanong ni ray.


ngumuso si grace sabay hawak ng dalawang palad ang magkabila nitong pisngi.


"kumuha ka na nga lang!" utos ni grace.


"hehehehe" natatawang sumunod ang kanyang nobyo.


"sandali, aakyatin ko ba o susungkitin?" natatawang tanong na naman ni ray ng maalala ang kaniang buko.


tiningnan siya ni grace ng masama.


"ako na lang ako kukuha!" inis na wika ni grace ng pamansin nitong iniinis lang siya ng kanyang nobyo.


"ikaw naman di na mabiro." sabay hawak ng braso ni grace.


"nakakainis ka e. "


"ako na ang kukuha!" saka pumunta na sa puno ng papaya at inakyat ito.


at dahil di gaano matayog ang puno ng papaya mabilis lang siyang nakakuha ng bunga.


"babe, saluhin mo?" si ray.


"babe, baka masaktan lang ako pag di ko nasalo!" seryosong sabi nito.


nagulat na lang si ray sa sinabi ng kanyang girlfriend


"babe, baka umiba ang lasa pag nakadikit sa lupa." natatwang wika ni ray na nasa taas parin ng papaya.


"sige, inisin mo pa ako." sabi ni grace sa tuno na nagagalit.


bumaba na si ray dahil pansin nitong naiinis na si grace.


"o, ito" sabay abot sa hilaw na papaya.


kinuha naman ni grace iyon at agad na umalis.


"oiy, babe, wait!" tawag ni ray sa kanya.


"hintayin mo ako babe" tawag na naman niya dito ulit ngunit derediretso lang sa paglalakad si grace at di na ito lumingon pa. hinabol naman siya ni ray..

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon