17

2.2K 17 0
                                    

Lumipas ang mga oras at dumating na nga sila madilim na at kabadong kabado ang dibdib ni ray.

"Babe,  ok. Ka lang? " tanong ni grace sa kanyang nobyo ng di pa sila nakakababa ng kotse.

Tumango lang ang kanyang nobyo bilang tugon sa tanong ng kanyang nobya,  ngunit ang totoo ay pawis na pawis na ito sa takot.

"Bakit pinagpapawisan ka? Di naman mainit a. " sabi ni grace saka pinunasan ng kamay ang noo ni ray na puno na ng pawis.

"Babe,  kinakabahan ako! " pag aamin nito sa kay grace.

Natawa naman ang kanyang nobya sa sinabi ng kanyang nobyo.

"Hehehe,  wag kang kabahan kasama mo ako,  babe walang mangyayari sayo! " nakangiti nitong sabi habang hawak hawak pa nito ang kamay ni ray.

Bumuntong hininga si ray at hinalikan si grace sa noo.

"Kinakabahan ako sa mga posibling mangyari,  baka di pumayag ang mga magulang mo na pakasalan kita! " ani ray.

Napatitig si grace sa kanya ng masama.

"Wag kang tumingin ng ganyan babe,  ang baby natin babe" ani ray saka ngumiti.

Napasimangot bigla ang kanyang nobya.

"Walang mangyayaring ganun! " seryosong sabi ni grace sa kanyang nobyo.

Si ray naman ang tumingin sa kanya ng nagtatanong na tingin.

"Dahil magpapakamatay ako... "Seryosong dagdag ni grace.

Nagulat si ray sa sinabi ng kanyang nobya magpapakamatay siya dahil lang doon.

"Ng kasama ka! " dugtong pa nito sa kanyang sinabi niya.

"Babe, papakasal pa tayo,  at bubuo ng pamilya natin" wika ni ray na nakaharap na sa kanyang nobya.

Napangiti na lang si grace sa sinabi ni ray.


"Tara na nga,  tama ng ang emot emot diyan! " masayang sabi ni grace saka bumababa na ng kotse sumunod naman sa kanya ang kanyang nobyo at nakita ni ray ang isang bahay na gawa sa kahoy simple lang ito ngunit maganda sa paningin.


"Mama, papa! " tawag ni grace habang naglalakad papasok ng bahay.


Kasunod naman nito si ray na siyang nagdala ng kanilang mga gamit.


"Mama! " tawag ni grace ulit.


"Papa! "Tawag naman niya sa kanyang papa.


" mga Kuya! " tawag niya ulit.


Ilan sandali pa ay lumabas na ang isang may edad na babae at lalaki at mga lalaking maskulado na kasing edad lang ni ray.


"O, anak ikaw pala! " masayang wika  ng mama ni grace sabay yakap niya dito.

"Ginabi ka ata! " wika naman ng papa ni grace saka hinalikan sa noo si grace at niyakap ito.


"Bunso! " sigaw ng tatlong kuya nito sa kanya sabay group hug.


Napangiti na lang si ray sa nakikita nito namiss nila talaga si grace at masasabi nitong masaya ang pamilya nila.


"Mama, papa, mga kuya... " baling ito sa kanila isat isa.


Nagtaka naman ang mga ito ng mapansin ang kasama ni grace na lalaki.

Tumingin sila sa kay ray na siyang naging dahilan upang kabahan siya lalo.

"Wag niyo naman siyang takutin mga kuya! " nang mapansin ni grace ang tingin ng kanyang mga kuya sa kanyang nobyo.

"Sino ba siya? "Tanong ng papa ni grace.

"Papa dado, mama dada at mga kuya..... " pag iisang tawag ni grace sa kanyang pamilya.

"Siya po ang boyfriend ko! " dagdag pa ni grace sa kanyang sinabi.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now