34

1.9K 13 0
                                    

" bakit wala pa si ray? " tanong ni grace sa kanyang mama makalipas ang ilang oras.

"Baka natraffic lang magpahinga ka na lang at dadating din iyon mamaya! " sagot naman ni dada sa kanya.

Pano nila sasabihin ang katutuhanan sa kanilang anak?

"Mama,  ilan araw na ho ba ako dito? " tanong ni grace sa kanyang mama napatingin naman si dada sa kanya.

"Mga apat na araw na ata! " sagot nito sa kanya.

"Bakit di pa tayo na didischarged mama? " tanong nito ulit.

Di na napigil ni dada ang kanyang luha kusa na itong tumulo.

Napansin iyon ni grace kahit na di pinahalata ni dada ang kanyang pag luha.

"Mama,  bakit kayo umiiyak? " dagdag pa na tanong ni grace


"A. Wala na puwing lang ako! " sagot ni dada sa kanya.

Kahit ang totoo ay parang pinupunit ang puso nito sa tuwing magsasalita ang kanyang anak.

"Anak, magpahinga ka na muna! "Wika ni dado na kakarating lang.

Napalingon si dada sa kanya at napatingin naman si grace sa kanyang papa.


"Papa,  nandiyan na po ba si ray? " masayang tanong ni grace sa kanyang papa.

Umiling si dado na siyang naging dahilan upang ma dissapointe si grace.

Samatalang si ray naman ay pilit na inaanig ang paligid ngunit bigo ito isang madilim ang bumalot sa kanyang paningin.

"Bakit wala akong makita? " pasigaw na tanong ni ray.

Agad naman siyang nilapitan ni zep na siyang laging nandoon para sa kanya.

"Bakit? " sigaw na naman niya ulit.

"Bayaw,  anong nangyayari sayo? " pagtatakang tanong ni zep.

"Wala akong makita maliban sa dilim bayaw! " unti unti nang nag iiba ang kanyang boses.

At kalaunay pumatak na ang luha sa kanyang mga mata.

"Bayaw,  wag kang mabibigla." mahinahon sabi ni zep sa kanya.

Kinapa ni ray si zep at ng mapansin niya ito ay nagpahawak siya dito.

"Sabihin mo bayaw! " malungkot na sabi ni ray.

Nagbungtong hininga muna si zep at kumuha ng lakas para masabi ang katutuhanan sa kay ray.

"Kailangan mong operahan sa mata! " nabubulol na wika ni zep sa kay ray.

Biglang humigpit ang pagkakahawak nito sa kay zep at kalaunay nanghina kaya nabitawan niya si zep.

Naging malungkot ang awra ng mukha ni ray ng marinig nito ang sinabi ni zep.

"Gusto kung pumunta kay grace" wika na lang niya saka akmang tatayo ngunit dito nito kinaya

"Aalalayan na lang kita! " wika ni zep sa kanya saka tinulungan bumangon si ray at dahan dahan na naglakad patungong kwarto ni grace.

"Wag mong sabihin,  wala akong makita bayaw! " wika ni ray ng nasa pinto na sila

"Oo,  bayaw pag bukas ko ng pinto at pag pasok natin diredso ka lang at bilangin mo ang hakbang mo mga 10 steps ay makakarating kana sa kanya! " si zep.

Tumango na lang siya sa sinabi zep.

"Ready? " tanong ni zep sa kanya.

Tumango ulit siya.

"Oh,  bunso kumusta ang pakiramdam mo? " bungad na tanong ni zep sa kanyang kapatid.

Napalingon naman silang lahat dahil sa gulat.

"Babe? " tawag ni grace sa kay Ray ng makita niya itong nakatayo sa pintuan.

Masayang masaya si grace at miss na miss na nito ang kanyang nobyo.

Sinunod naman ni ray ang sinabi ng kanyang bayaw dumiredso ito  at binilang ang hakbang nito ang abutin nito ang sampong hakbang.

"Babe,  kumusta ka? " tanong ni ray sa kay grace.

Nagulat silang lahat dahil malayo pa si ray kay grace.

"Babe,  nandito ako! " wika ni grace sa kanya sa boses na mahina.

Agad na inakbayan ni zep ang kanyang bayaw saka nagpatuloy sa paglalakad at tinungo ang kinaroroon ni grace.

Nagtaka si grace dahil di siya hinalikan ng kanyang nobyo

"Babe ok. Ka lang" wika ni grace sa kanyang nobyo.

Ang mata ni ray ay Nagsisimula na ang luhang nagbabadyang tumulo dito dahil sa boses ni grace na napakalamig at napakahina.

Tumango na lang si ray sa sinabi ng kanyang nobya.


"Babe,  bakit ka umiiyak? " tanong ni grace sa kanya ng napansin niyang umiiyak na ang kanyang nobyo.

Alam ni grace ang dahilan nila kung bakit sila umiiyak dahil siya na mismo ay ramdam niya iyon,  ramdam niyang mahina na siya at rinig din niyang mahina na ang kanyang boses ngunit pinilit parin niyang maging malakas alang alang sa kanyang pamilya at sa kanyang anak.

"Babe,  masaya lang ako na gising kana! " nakangiting wika ni ray ngunit halata parin sa kanyang lungkot sa kanyang mukha.

Kinapa ni ray ang kamay ni grace at ng mahawakan niya ito ay hinalikan niya.

"Babe,  alagaan mo ang bata a. " wika ni ray sa kanya.

Di alam ng pamilya ni grace kung paano nila sasabihin ang totoo sa kanilang dalawa.

Naluha na lang bigla si dada at dado pati narin ang mga kuya ni grace habang nakikinig sa usapan ng mag kasintahan.

"Babe,  wag kang umalis sa tabi ko a. " wika ni grace

"Oo babe,  di kita iiwan! "Sabi naman ni ray sa kanyang nobya.

Dahan dahan ng pinikit ni grace ang kanyang mata at dahan dahan na rin nabitawan ni ray ang kamay ni grace.

Kaya tuluyan nang umiyak si ray at ang pamilya nito..

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now