30

1.7K 12 0
                                    

"Kumusta ang anak ko? " tanong ni dado ng lumabas ang isang doctor.

Isang di maipintang mukha ng doctor ang sumalubong sa kanila.

"Ayos na man po ang anak niyo! " umpisa ng doctro.

"Salamat panginoon! " nakatingin sa taas pang sabi ni dada, nabigyan naman ng buhay ang pamilya ni grace.

"pero ang sanggol na nasa sinapupunan nito ay nawala na! " mahinahong dugtong ng doctor na siyang naging dahilan upang mapahilamos si dado gamit ang kanyang dalawang palad.

Napatahimik silang lahat ng marinig iyon.

"May mga symptoms din po kaming nakikita sa kanya ngunit di pa namin ito ma specified, gusto namin siguraduhin mo kung nasasakanya ba ang mga symptoms ng HIV virus! " dagdag pa ng doctor.

Mas nagulantang ang pamilya ni grace ng marinig ang sinabi ng doctor.

"Anong ibig mong sabihin, doc? " pagtatakang tanong ni dip sa doctor.

"May mga sintomas po ang pasyente ng HIV virus. " sagot ng doctor.


"At iyon ang dahilan kung bakit mahina ang kapit ng baby niya.! " dugtong pa ng doctor.

Samantala si ray naman ay nasa isang silid at mahimbing na natutulog kasama niya ang bantay na si zep.

"Doc,  kumusta po siya? " tanong ni zep ng pumasok ang isang doctor sa silid ni ray at sinuri ang mata nito.

"Medyo malabo ang kanyang paningin,  at kailangan na niyang gumamit ng salamin,  kasi lalala pa lalo ang pag labo nito pag di naagapan! " wika ng doctor.

Nagulat si zep sa sinabi ng doctor, akala niya ay dahil lang sa over fatigue kaya si nahilo.

"Dahil na rin siguro sa pagod kaya siya nawalan ng malay.! " dagdag pa ng doctor.

"O,  siya marami pa akong pasyente, tumawag ka na lang ng nurse pag may kailangan ka! " wika ng doctor.

"Sige po,  salamat doc. "

Umalis na ang doctor napaupo na lang si zep sa tabi ng kama ni ray.

"Bakit di ka gumamit ng salamin, bayaw! " sabi nito habang pinagmamasdan ang natutulog na si ray.

"Kumusta na kaya si bunso? " pagtatakang tanong nito sa kanyang sarili.

"grace? " sigaw na tawag ni ray saka napabangon ng wala sa oras.

Nagulat naman si zep.

Tumingin si ray sa kay zep at di  nito ma klaro ang hitsura ni zep kaya unti unti na ng nabubuo ang luhang nagtatangkang tumulo.

"Ok. Ka lang? "Tanong ni zep sa kanya.

Tumango na lang si ray at ng maramdaman nitong nahihilo naman siya dahil sa malabo ang paninhin nito sa paligid ay humiga na lang siya ulit.

"Si grace kumusta siya ang baby namin ayos lang din ba? " sunod sunod na tanong ni ray sa kanya.

"At bakit ako nandito? " dagdag pa nitong tanong ng di sumagot si zep sa kanya.

Umupo ito ulit at akmang tatayo ngunit di niya nakaya dahil sa malabo ang paningin nito ay bigla na naman siyang napaupo ulit.


"Wag mong pilitin ang di mo kaya bayaw! " wika ni zep sa kanya.

Wala na siyang nagawa kundi ang tumingin sa kawalan at manalangin na sana ok lang ang kanyang mag ina.

Ang dibdib nito ay lumiliyab sa kaba at pangamba na baka may masamang nangyari sa kanyang mag ina.




Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon