8

4.4K 17 0
                                    

Makalipas ang ilang oras nakaupo parin si ray sa sofa at tulala ng makita niya ang kanyang nobyang may dalang gamit. Agad itong napatayo saka pumunta sa kanyang nobya. 

"Saan ka pupunta?? " tanong nito sa kanya. 

"Kahit saan na! " sagot naman nito sa mahinang tuno ng boses. 

Hinawakan ni ray ang kanyang maleta at inagaw ito sa kanya nagulat si grace kaya nakuha ng kanyang nobyo ito. 

"Di ka pweding umalis! " sigaw ni ray. 

Ang kaba na naramdaman ni grace kanina na baka di siya pigilan ni ray sa kanyang balak at wala siyang matutuluyan ay biglang napalitan ng saya. Sayang di mamapapalitan ng kahit ano. Mahal niya si ray at walang makakapigil doon. 

Niyakap niya si ray ng mahigpit habang ang luha nito ay tumutulo na naman. 

"Di ko rin kaya namawala ka sa akin! "Sabi niya sa kanyang nobyo. 

.............

"Babe, gusto ko ng abokado! " ani grace habang nakaupo sila sa sofa nakayakap sa kanya ang kanyang nobyo.

"Di ba ayaw mo non? " tanong ni ray saka kumalas na ito sa kanyang pagkakayap. 

"Sinong may sabing ayaw ko ng abokado? " gaLit na sabi ni grace sa kanyang nobyo. 

Natawa ang kanyang nobyo. 

"Sinong may sabi na ayaw ni babe ng abokado, ikaw ba heart? " natatawang sabi ni ray saka humarap sa mesa at tinuro ang isang bahaging wala naman tao. 

Natawa si grace sa sabi ng kanyang nobyo. 

"Sige na!!!! " pabebe nitong sabi. 

"Kiss ko mo na? " sabi ni ray habang naka smile pa. 

"Ayaw ko! " matigas na sabi ni grace sa kanyang nobyo. 

"E di ako na lang ang magkikiss sayo! " sabi naman ni ray saka hinalikan sa pisngi si grace. 

Napatingin naman siya sa kanyang nobyo. 

"Oh. Na kiss mo na ako. Kuhanan mo ako ng abokado! " sabi pa nito sa kanyang nobyo. 

Natawa na lang siya at saka hinalikan ng mariin si grace saka umalis para maghanap ng abokado.. 

.........

Makalipas ang ilang oras ay dumating na siya masayang sinalubong siya ni grace. 

"Abokado ko? " bungad na tanong ni grace sa kanyang nobyo. 

Natawa na lang si ray at pinakita sa kanya ang dala nitong supot na naglalaman ng abokado. 

Masayang masayang kinuha ni grace ang supot saka niyakap ang kanyang nobyo. 

"Salamat, babe! " bulong ni grace sa kanyang nobyo. 

"Balatan mo sa akin! " sabi ni grace ng matapos niyang halikan si ray. Nakangiti pa si grace na para bang nang aakit. Ang ngiting iyon ang di makakapaghindi sa kay ray 

"Ngiti na naman na di ko matatanggihan, akin na! " nakangiting sabi rin niya. 

Nanuod ng t.v si grace habang ginagawa naman ni ray ang gusto nito. 

Nakangiting ginagawa ni ray ang kanyang ginagawa dahil sa may kutob itong nagdadalang tao ang kanyang nobya. 

Maraming bago sa kanyang nobya e. Ayaw niya ng abokado pero bigla na lang ito mag rerequest ng ganun. 

"Ito na aking babe! " nakangiting sabi nito. Habang papalapit sa kanyang nobya. 

"Ano yan? " nagtatakang sabi ni grace sa kanyang nobyo habang turo pa nito ang basong may laman na abokado. Biglang natawa si ray sa sinabi ng kanyang nobya. 

"Abokado mo. "Wika ni ray. 

"Di ko yan gusto, at alam mo naman na ayaw ko ng abokado, ang gusto kung kainin ay papayang hilaw na may sawsawan na tuyo at vinegar, di yan abokado na yan ialis mo yan sa harap ko nasusuka ako sa itsura niya. " didiredtsong sabi ni grace na siyang kinagulat ni ray. 

"Papayang hilaw? " dagdag pang tanong ni ray. 

"Oo, papayang hilaw ang gusto ko! "Nakangiting sabi ni grace sa kanyang nobyo. 

Napailing na lang si ray sa kanyang nobya. 

Binalik ni ray ang abokado sa kusina. Naisip niya kung saan siya kukuha ng papayang hilaw. 

"Saan naman kaya ako makakahanap ng papayang hilaw? "Sabi ni ray habang nakakamot sa ulo. 

"Babe, halikaman dali! " tawag ni grace sa kanyang nobyo. Nagulat at kinabahan si ray. 

Agad itong napatakbo sa kinalalagyan ni grace. 

"Bakit babe? " nagtatakang tanong ni ray sa kanyang nobya ng madatnan niya itong nakatayo. 

"May..... May tuko! " tinuro pa nito ang isang bahagi ng sulok ng bahay. 

Nakita nga ni ray ang tuko. 

"Huliin mo? " sabi ni grace sa kanyang nobyo.. 

"Nangangagat yan babe! ".sabi ni ray. 

"Huliin mo na dali! "tinulak pa ni grace ang kanyang nobyo na para bang walang narinig.

"Sige na dali na! "Sigaw ni grace sa kanya. 

"Baka kagatin ako nito babe! "sabi ni ray. 

Nagpamewang ito at tiningnan niya ng masama ang kanyang nobyo. 

Wala nang nagawa si ray kundi ang sundin ang gusto ng kanyang nobya. 

Naghanap ito ng paraan para mahuli ang tuko ngunit agad itong nakatakas at nagtago sa isang bahagi ng bahay. 

"Sayang! " sigaw ni grace sa kanyang nobyo nanunuod pala siya sa ginagawa ng kanyang nobyo. 

SPG PO ANG KWENTONG ITO!!

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now