11

3.4K 21 0
                                    

"Mag ingat ka kasi! " wika ni ray sa kanyang nobya na ngayon ay karga karga na nang kanyang bisig.

Dahil sa pag kagulat ni grace at sa natamo nitong takot mula sa pagkakahulog ay naging speechless siya.

"Mag ingat ka kasi. Di lahat ng nahubulog nasasalo! " ani ray.

Saka bumalik sa katinuan ang grace na nahulog sa puno ng bayabas dahil lang sa isang bunga nito.

"Nagulat lang ako sayo" sabi ni grace.

"Mukha na ba akong nakakatakot,  at nagugukat ka sa akin? " tanong naman niya dito.

"Sa gwapong kung ito,  matatakot ang isang babae! "Dagdag pa ni ray.

"Mahangin ka rin pala no! "Saway naman ni grace sa kay ray.

"Sayo lang! " nakangiting sabi nito saka naglakad papasok ng bahay.

"Ang bayabas ko! " pabebeng sabi ni grace sa kanyang nobyo.

Natawa naman si ray saka binaba si grace.

"Hanapin mo!" Pabebeng utos ni grace sa kanyang nobyo.

Wala nang nagawa si ray kundi ang sundin ang gusto ng kanyang nobya.

"Bilisan mo,  mawawalang ng lasa pag nagtagal sa lupa yan! " si grace.

"Oa kana babe" sigaw ni ray sa kanya.

Biglang nag init ang ulo ni grace sa sinabi ni ray kaya pumunta siya sa kinaroroon ni ray saka hinanap ang bayabas na di makita kita ng mata ni ray.

"Oiy,  nakita ko na! " sabi ni ray sa kanya.

Nilingon naman siya ni grace at nakita nga niyang nasa kamay na ito ng kanyang nobyo.

"Akin na yan! " sabay agaw sa bayabas na nasa kamay pa ni ray.

"Oiy, sandali! " tawag ni ray sa kanyang nobyang palayo na at papasok na sa bahay.

Di nilingon ni grace ang kanyang nobyo nagpatuloy lang siya sa paglalakad.

"Ibang klasi rin siya kung mag lihi! " sabi na lang ni ray sa kanyang sarili.

Pumasok na ito at nakita niyang nakaupo si grace sa sofa habang kinakain ang bayabas na kinuha niya kanikanina lang.

Napailing na lang si ray.

"Ito !" Tumabi si ray sa kanyang nobya.

Tiningnan lang siya ni grace.
At napatigil siya sa kanyang ginagawa.

"Akin na! "

Kinuha nito ang supot ng Jollibee
At tiningnan niya ito nanlaki pa ang mata niya ng makita ang laman nito.

"Ang sarap naman nito! " takam na takam na niyang sabi.

"Oh. Ito! " bigay ni grace ang tirang bayabas sa kanyang nobyo.

At agad na kinuha ang cike float saka ininom.

Punagmasdan lang siya ni ray habang kumakain.

Masaya niyang ginagawa ang titigan at pagmasdan ang ginagawa ng kanyang nobya.

"Bakit ka nakatingin? Inggit ka no! Hehehehe" natatawang sabi ni grace sa kanyang nobyo.

"Wala,  nakakatulala ang ganda mo e. " sabi ni ray na siyang naging dahilan upang mamula si grace

"Ayaw pang aminin! " panunukso nitong wika sa nobyo.

Di sumagot si ray sa halip ay hinalikan niya si grace sa noo.

"Para saan naman iyon? " tanong ni grace.

"Dahil mahal kita! " nakangiting wika ni ray.

Kaya nadouble ang init nito sa pinsngi na siyang naging dahilan kung bakit siya naging pulang pula.

"Kinikilig ako! " pabebeng sabi ni grace.

Natawa na lang si ray sa inasta ng kanyang nobya.

SPG PO ANG KWENTONG ITO!!!

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now