27

1.6K 12 0
                                    

"Pinapag-aral ka namin,  at binigyan ka namin ng tiwala ngunit anong ginawa mo, nagpabuntis ka sa isang guro! " sigaw pa ni dada sa kanya..


Umiiyak pa rin si grace.


"Nandito na ito mama,  at sana matanggap niyo parin kami! " wika ni grace na halos mapaos na sa kakaiyak.

Parang sinusuntok ang kanyang puso dahil sa sitwasyon nila ni ray at dahil na rin sa emosyon niya ngayon na nararamdaman.

"Mahal ko po si ray mama.! "

"Mahal,  kaya nag pabuntis ka sa kanya" sigaw ni dip sa kanya.

"Nagmamahalan po kami ni grace,  at nagsasama na rin kami sa isang bahay! " wika ni ray.

Mas pinili nitong aminin ang lahat sa kanila dahil iyon ang alam niyang dapat gawin at dapat sabihin sa pagkakataong ito.

Napatingin naman silang lahat sa  kay ray at inaantay na dugtungan ang kanyang sinabi.

"Matagal na po kaming nagsasama! " dugtong nito ng mapansin niyang nakatingin sa kanya ang pamilya ni grace na nag aantay ng kanyang sasabihin.

Napamura na naman ulit si dip.

"Gago ka pala! " sigaw nito sa kay ray.

"Di ka nakuntinto,  nag samasama na pala kayo sa isang bubung! " sigaw ni dado sa kanya.

"Patawad po! " umiiyak parin sabi ni grace .

"Patawad?, di ko matatanggap ang anak sa tiyan mo! " sigaw ni dada.

"At ang lalaking yan! " dagdag pa nitong sabi habang tinuturo si ray.

"Mama! Huhuhuhu! patawad po! " saka dahan dahan lumuhod sa harap ng kanyang mama.

Lumuhod na rin si ray harap ni dada.

"Patawarin niyo kami! " wika ni ray.

Umiiyak narin si dada.

"Mama,  please! " si grace habang hawakhawak pa nito kamay ng kanyang mama.

Dahan dahan na kinalas ng kanyang mama ang nakahawak na kamay ni grace sa kanyang kamay.

"Mama! " nang tuluyan ng makakalas ang kamay ni grace sa kanyang kamay.

"Mag sama kayo! " umiiyak na sabi ni dada ngunit matigas ang pagbigkas nito sa salitang binitawan niya.

Parang nanglumo si grace sa kadahilan iyon.

Parang tinutusok ng karayom ang kanyang puso, sa mga sinabi ng kanyang mama.


Niyakap ni ray si grace na umiiyak parin.

"Puta! Magsama kayo! " wika ni dip saka umalis.

Napatingin na lang ang dalawa sa kanila at sinundan ng tingin ang papalayong mama at kuya ni grace.

Sumunod na rin si troy at si dado sa kanila

"Hintayin na lang natin na lumamig ang mga ulo nila! "Wika ni zep habang inaalalayan si grace na tumayo.

"Kuya zep! " umiiyak na sabi ni grace.

Saka niyakap nito ang kanyang kuya.

Naluluha narin ang kanyang kuya at naawa na rin sa kanyang kapatid.

"Tahan na! Magiging maayos din ang lahat! " wika ni zep.

Samantalang nakatayo narin si ray at pinagmamasdan ang dalawang mag kapatid

Kumalas na sa pagkakayakap si grace sa kanyang kuya at binalingan ng tingin si ray.

"Babe! " tawag ni grace sa kanyang nobyo.

Saka niyakap ang kanyang nobyo.

"Magiging maayos din ang lahat" wika ni ray sa kanyang nobya

"Maiiwan ko na muna kayo! " sabi ni zep saka umalis na rin.

Umiiyak parin si grace habang yakap yakap nito ang kanyang nobyo.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon