24

1.8K 11 0
                                    

Natauhan si grace sa sinabi ni ray kaya humarap na ito sa kanya.

"Bati na tayo babe? " masayan wika ni ray sa kanya habang nakayuko lang si grace.

Tumango ito.

"Sabi na nga ba e. Di niya matiis si bayaw! " sabi ni troy.

"Tse! " sigaw nito sa kanya.

"Kiss ko mo na! " sabi ni grace sabay turo sa labi nito.

"Nandito mga kuya mo" pagdadahilan ni ray .

"Mga kuya pikit mo na kayo a.! " utos naman ni grace sa kanila.

"Pagbilang ko nang tatlo pumikit na kayo a.! " dagdag pa nito.

"One..... "

"Two..... "

"Three...... "

Hinalikan ni ray si grace ng bahagya.

Pagkatapos nilang maghalikan ay nagyakap sila.

"Anong merun? " tanong ni dada sa kanila ng dumating na sila ni dado.

"At bakit nakapikit ang mga kuya mo? " dagdag na tanong nito sa kanila.

Ngitian lang siya ni grace at ray.

"Kaya pala nilalanggam tayo, kasi may sweet dito" wika naman ni dado.

"Yeeei si papa may na adapt na words! " panunuksong wika ni troy saka tumawa.

Natawa naman silang lahat .

"Gusto ko rin! " dagdag pa ni dado sabay yakap sa asawa nito at hinalikan sa ulo.

"Ang sweet niyo mama! " wika ni grace.

"Tama na nga yan,  kumain na lang tayo,  gutom lang yan! " sabi ni dada.

"Nagugutom na nga ako! " wika ni grace Saka kumalas sa pagkakayakap sa kanyang nobyo.

"Sige na sige hali na kayo! " sabi ni dada.

Nakatayo lang si ray at pinagmamasdan ang ginagawa ng pamilya ni grace mas mabuti pa ang simpling pamilya kumpleto at masaya.. Napapangiti na lang siya ngayon ay naramdaman niya kung paano magkaroon ng mga kapatid at mga magulang..

"Babe,  kain na! " tawag sa kanya ni grace.

"Sige! "

"Halika na" pinuntahan pa siya ni grace saka hinila at pinaupo sa tabi niya.

"Babe anong gusto mong ulam? " tanong ni grace sa kanyang nobyo.

"Ipagluluto kita! " dagdag pa nito.

Napatingin ang mga pamilya niya sa kanila.

"Kahit ano na,  basta ikaw nag luto! " sagot naman ni ray sa kanya.

"Nakakainggit naman! " si troy.

"Ganyan na ganyan kami ng mama mo nong ganyan pa kami kabata! " natatawang kwento ng papa ni grace.

"Ano ka ba hon,  wag mo nang ikwento? " sita ni dada sa kanyang asawa kaya natawa na lang silang lahat.

"Sige na papa kwento mo na! " si grace naman iyon.

Tiningnan ni dada si dado ng masama kaya napangisi na lang siya.

"Baka di ako patabihin ng mama niyo pag kinuwento ko sa inyo! " natatawang dagdag pa ni dado sa kanyang sinabi.

Siniko siya ni dada sa tagiliran.

"Aray! " sigaw ni dado ng bahagya.

Natawa na lang silang lahat maliban sa mama nito na nagsisimula nang mainis.

"May pinagmanahan ka pala! ", bulong ni ray sa kanyang sarili.

"May sinasabi ka? " tanong ni grace sa kanya.

"Ah.. Wala! " mabilis na pag tanggi nito sa kanyang nobyo.

"Oiy si mama at papa may kiliti pa" panunuksong wika ni troy sa kanilang magulang.

"Wala sa edad ang kiliti nasa tao yan" natatawang sabi ni dado.

"Diba hon! " lumingon pa ito sa kay dada.

Ngitian lang siya ni dada.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now