29

1.6K 12 0
                                    

"Kasalanan natin ito,  kung bakit Nangyari ito sa kay grace. "Mahinahong sabi ni zep sa kanila.

Napatingin naman silang lahat kay zep na para bang nagtatanong ang kanilang mga tingin..

"Anong ibig mong sabihin zep? " tanong ni troy sa kanya.

"Nang dahil sa mga sinabi niyo sa kanya! " dagdag pa nito ng mapansin niyang nag aantay ng karugtong na salita mula sa kanya.

"Alam niyo naman na emosyonal si grace diba? " dagdag na tanong pa nito sa kanila.

Tahimik parin ang kanyang pamilya ng biglang makaramdam ng pagkahilo si ray.

Lumabo ang paningin ni ray hanggang sa wala na itong makita maliban sa itim na paligid.

Napalingon naman silang lahat ng makitang bumagsak na sa sahig si ray.

"Bayaw,  bayaw! " wika ni zep habang niyoyogyog pa niya ito.

"Ray, ray" si dada naman iyon at ngayon ay naluluha na.

"Umaarte lang yan! " natatawang wika ni dip.

"Ano ba kuya,  tumigil ka na nga diyan,  di mo ba nakikita ang putla putla na niya o,  hawakan mo ng malaman mo kung gaano siya kalamig! " sigaw ni zep sa kanyang kuya.


"Troy,  tawag ka ng doctor doon! "utos ni dado sa kay troy.

At dahil sa natataranta na rin si troy ay wala sa sarili itong tinahak ang nursing station.

"Ano bang nangyayari sa atin? " tanong nito sa kanyang pamilya habang sinasapo sapo pa ang kanyang mukha gamit ang kanyang isang palad.

"Bayaw,  bayaw" pagpupukaw ni zep sa kay ray ngunit wala na talagang malay si ray.

"Sana naman walang masamang mangyari sa kanila! " si dado naman na namumuo narin ang luha sa kanyang mata.

Bumalik sa alaala ni dado ang pag uusap nila ni ray.

"Ganyan talaga ang mga babae,  matampuhin! " natatawang wika ni dado habang tinutungga ang isang bote ng alak.

"Kaya nga po e. Kailangan talaga ng mahabang pasinsiya! " seryosong sagot naman ni ray sa kay dado.

Dalawa lang silang nag uusap ngayon dahil niyaya ni dado na makainuman ang nobyo ng kanyang anak.

"Alam mo yan si grace,  nag iisang anak ko yan na babae,  kaya gusto namin na ikasal siya sa taong nararapat sa kanya. At alam ko na ikaw na iyon ray! " seryosong wika ng papa ni grace sa kanya.

Napatingin si ray sa kanya.

"Unang kita ko pa lang po sa kay grace, sinabi ko na sa sarili ko na she's the one! "

"Wag mo nga akong ini-english, baka dumugo ilong mo pag akoy nagsalita ng inglish!" Natatawang sabi ni dado kaya natawa narin si ray sa kanya.

"Ganun din ang narandaman ko nong una kung makita ang mama ni grace, sabi ko sa sarili ko siya na ang gusto kung makasama panghabang buhay!" Dagdag pa nitong sabi sa kanya.

"Wag mong sasaktan ang anak ko ray" seryosong sabi ni dado sa kay ray habang nakatingin ito sa kanya.

"Oo, mahal na mahal ko po siya at di ko kaya na magkahiwalay kaming dalawa, kaya nga gusto kung makasal na kami para wala na siyang kawala!" Mahabang wika ni ray .

Ngitian siya ni dado saka inakbayan ito kaya napangiti na lang si ray dahil alam niyang tanggap siya ng buong pamilya ni grace.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now