23

1.9K 11 0
                                    

Nang bumalik na sila sa kubokubo ay di pinapansin ni grace ang mga kuya nito at si ray.

"Bunso, anong pinagkaiba ng sinungkit at inakyat na buko? " natatawang tanong ni troy sa kanya.

Di sumagot si grace sa halip ay inirapan niya ito at tumalikod saka tinawag si dado na nagtatanim ng mais.

"Papa,  kain mo na kayo! " tawag ni grace sa kanyang papa.

"Sige anak,  tatapusin lang namin ng mama mo ito! " sagot naman ni dado.

"Ouiy si bunso,  nagtatampo! " tukso ni dip sa kanya.

"Lambingin mo na kasi bayaw! " si zep.

"Parang tigre iyan e. " nakangising sabi ni ray.

Natawa naman ang kanyang mga bayaw

"Sige na dali na,  lambingin mo na! " sabi ni troy saka tinulak pa si ray papunta sa kay grace buti na lang at nakabalance siya kaya na maintain niya na di tumama sa kay grace samantalang parang kinikiliti ang puso ni grace sa tuwa.

Madaling nagkasundo ang mga kuya niya at si ray at sila pa ang nagtutulak nito para lambingin siya .

Napapangiti na lang si grace sa mga naririnig niya mula sa likod niya.

"Sige ka,  ngingiti yan sayo hahaha " tukso ni dip.

Kaya biglang napalitan ng inis ang expression ng mukha ni grace.

"Babe! " tawag ni ray sa kanya.

"Ayiiie LQ ang dalawa! " tukso naman ni zep.

"Hahahaha,  anong LQ ka diyan zep? " natatawang sabi ni dip.

"Na ano pala ang tawag doon? " pagtatakang tanong nito sa kanya.

"E ano meaning ng LQ MO? " Balik na tanong naman ni dip sa kanya.

"Long quiz hahahah! " nakakamot noong sabi nito sabay tawa.

Natawa na lang silang lahat ngunit di pinahalata ni grace ang kanyang pagtawa nagkukunwari lang siyang nagtatampo.

"Ano pala? " hamon nitong sabi sa kay dip.

"Di ko rin alam e. " sabay kamot ng ulo.

"Ikaw troy alam mo? " baling na tanong ni zep sa kanya.

Umiling lang si troy saka tumawa.

"Baliw ka rin no. " si zep.

"Ikaw bayaw? " tanong naman ni dip.

"Love quarrel, di ko sure di ako mahilig sa romantic e. " natatawang sabi ni ray.

Pinipilit lang ni grace na wag tumawa ng malakas sa mga sinasabi ng mga taong sa likod nito alam nitong gawagawa lang ng mga kuya na iyan para mapansin sila.

"Simulan mo na,  bayaw! " utos naman ni zep.

"Babe,  sorry na! " mahinahong sabi ni ray.

Natawa na lang si grace wala naman itong ginagawang masama sa kanya peri bakit siya nag sosorry?

Hinawakan ni ray sa balikat si grace at dahan dahan na hinalikan iyon.

"Bitawan mo ako! " pag papanggap ni grace samantalang nagustuhan niya ang ginawa ng kanyang nobyo.

"Mukhang nag aamoy away a. " si troy naman iyon.

"Babe naman, sorry na! "

Parang tinutusok ng karayom ang puso ni grace nang narinig nito ang malamig na boses ni ray.

"Kahit wala akong kasalanan, mag sosorry parin ako, kahit ikaw ang may dahilan mag sosorry parin ako,  kahit na,  kahit na,  kahit na., basta mag sosorry parin ako sayo,  wag  ka lang mag tampo sa akin,  babe naman e.! " hinalikan pa nito ulit balikat ni grace.

"Bunso naman e,  maawa ka naman kay bayaw! " gatong naman ni dip.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now