20

2.2K 17 0
                                    


Lumipas ang mga araw at naging maayos naman ang pakikitungo nila sa kay ray tinuring na nila itong kasapi ng pamilya nila.

"Bayaw,  sasama ka pa ba? "Tanong ni dip sa kanya.

Napatingin naman si ray sa kanya saka ngumiti.

"Aba,  syempre! " masayang wika ni ray.

"Ano pang hinihintay mo diyan halika na! " masayang wika ni dip.

"Saan kayo pupunta? " tanong ni grace na kakalabas lang ng kusina nasa sala sila ngayon.

"Sasamahan ko lang sa bukid ang kuya mo! " sagot naman ni ray sa kanyang nobya.

"Di mo pala sinabi na magaling mambukid ang kasintahan mo! " wika ni dip.

"Hep hep! " si dada na galing din sa kusina

"Wag mo siyang pasamahin doon,  baka isipin niya pinapahirapan natin siya! " dagdag pa mo dada.

"Ok lang po iyon, wala naman akong ginagawa dito e.! " nakangiting sabi ni ray.

"Kitams, tara na at tatanghaliin tayo nito ba! " si dip.

"Ouiy,  sandali! " tawag ni grace sa kanila ng palabas na sila ng bahay.

"Ako na lang magdadala ng baon niyo sa bukid! " dagdag pa nito

Pinanlakihan siya ng mata ni ray na sinasabing wag na, ang bata.

Di pa nila nasasabi na buntis si grace sa pamilya nito,  naghahanap daw ito ng tamang oras para masabi iyon.

"Sige na please! " pabebeng pagmamakaawa ni grace.

"Sige na,  sasamahan na lang kita! " si dada saka bumalik sa kusina.

.........

"Gusto ko ng buko babe" wika ni grace ng maghatid ito ng pagkain sa bukirin nila.

Nagkatingan ang kanyang pamilya.

"Kunan mo si grace ng buko troy! " utos ng kanyang papa sa kay troy na nagbabalat ng saging.

"Papa may ginagawa ako! " sagot nito.

"Ako na lang ho ang kukuha sa kanya! " sabi ni ray.

"Nandoon ang sungkit! " turo pa ni dado sa sungkit ng niyog na nakasandig sa isang puno ng niyog.

"Halika na babe! " yaya ni grace habang hawak hawak pa nito sa kamay ang kanyang nobyo.

"Saan ba tayo kukuha babe? " tanong ni ray sa kanyang nobya.

"Sa puno ng niyog malamang! " natatawang wika ni grace kaya natawa na rin si ray.

"Ilan ba ang gusto mo? " tanong ni ray ng susungkitin na niya ang isang batang buko.

"Marami hehehe! "

Napatingin si ray sa kanya saka ngumiti.

"Matakaw ka talaga! " sabi nito sa kanyang isip.

"Babe,  akyatin mo kaya. " suhestiyon ni grace.

Napatingin ulit sa kanya si ray.

"Seryoso ka babe? " pagkokompirma ni ray sa sinabi ni grace.

"Oo,  babe mag kaiba kasi ang lasa pag sinungkit at inakyat! "

"Anong pinagkaiba noon? " pagtatakang tanong ni ray.

"Pag kasi sinungkit may posibilidad mabasag at mabuhos ang tubig nito,  pag inakyat ay di mababasag! " pag eexplain naman nito sa kanyang nobyo.

"Buko lang lahat kaya di sila mag kaiba ng lasa,  sungkitin man o akyatin ay parehas din ng lasa! " depensa naman ni ray sa sinabi ni grace

"Aakyatin mo o ako ang aakyat?" Matigas na utos ni grace sa kanya.

"Babe naman" si ray.

"Isa..... "

Pagbilang nito..

"May nahulog na o! "

"Dalawa...... "

"Oh,  ito na nga o,  aakyat na! " padabog na sabi ni ray natawa naman ang kanyang nobya.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora