31

1.7K 13 0
                                    

Dahandahan dumilat ang mata ni grace at ang mukha ng kanyang ina ang kanyang unang nakita, sumunod ang ama nitong nasa tabi lang ng kanyang ina.

"Si ray? " tanong nito sa kanila.

Nagkatinginan naman ang mag asawa napansin iyon ni grace.

"Nandito lang iyon kanina! " sagot ni dada na siyang naging dahilan upang magulat si dado.

Ayaw na madagdagan ang pag aalala ni grace pag nalaman niyang pati si ray ay naospital at nawala pa ang kanyang anak.

"Oo, may pinuntahan lang siya! " wika ni dado naman sa kanya.

"Saan naman siya pumunta? " pagtatakang tanong nito sa kanyang sarili.

"Bwaaaaaah! " saka naibuga nito ang maraming dugo mula sa kanyang bunganga.

"Anak, anong nanagyayari sayo? " tanong ni dado sa kay grace halata sa kanilang dalawang mag asawa na nagulat sila sa kanilang nakita.

"Mama, may dugo! " umiiyak na sabi ni grace.

"Dado tawag ka ng doctor doon bilis! " utos ni dada saka lumapit sa kanyang anak.

Umalis naman si dado samantalang di alam ni dada ang kanyang gagawin dahil sa kanyang pagkakataranta.

"Anak ang init mo!" Wika ni dada ng mahawakan nito ang kamay ng kanyang anak.

Mabilis na nag iba ang hitsura ng mukha ni grace.

"Anak, anak! " pagtawag ni dada ng makitang unti unti nang pumipikit ang mata ni grace at dahil sa kabang nararamdaman nito ay naluha na lang siya bigla.

Ilan sandali pa ay dumating na ang doctor at mga nurses pati na rin ang mga kuya ni grace.

"Doc, gawin niyo po ang lahat! " umiiyak na wika ni dada.

"Putcha! " mura naman ni dio.

"We will try! " sagot naman ng doctor sa kanya.

Kung ano anong likido ang tinusok sa kay grace at ng lumipas ang ilang minuto ay bumalik na ang hitsura nito sa normal.

Nakaginhawa naman ng maayos ang pamilya ni grace.

"Pinatulog po muna namin siya !" Wika ng doctor sa kanila.

"Magiging maayos po ba ang lagay niya paggising niya? " tanong ni dip sa doctor.

"Di po namin masasabing magiging ok. Siya. Still inaaral pa namin ang kanyang mga datus! " doctor.

"Dapat sigurado kayo sa lahat ng gagawin niyo, di niyo sigurado na magigising ang kapatid ko dahil di niyo rin sigurado ang kalagayan nito, anong klase kayong doctor!" Galit na wika ni dip sa doctor.

"Ayaw po namin na umasa kayo at mabigo kaya po sinasabi namin na di sigurado ng saganun ay di niyo maramdaman ang sakit .!" Dagdag pa ng doctor.

"Oo doctor kami, di kami diyos na kayang pumitaw at bumuhay ng isang tao!" Dugtong pa ng doctor.

"Doc. Magtatagal po ba kami dito ?" Wika ni dado.

Saan kaya kukuha ng perang pambayad sa hospital ang pamilya ni grace.

At dahil sa isipin iyon ay biglang nadagdagan ang bigat sa balikat ni dado..

"Doc, wala na po bang alternative na paraan para magamot ang kapatid namin" sabi ni zep sa tuno na malungkot ang boses

"Maghahanap kami, pero sa ngayon muna ay dasal lang ang alam namin!" Sabi ng doctor sa kanila.

"Sana doc. Makahanap kayo ng ibang parang para sa kapatid ko! " malungkot na sabi ni dip sa doctor.

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Where stories live. Discover now