19

2.1K 12 0
                                    

"Ang importante alam niyo ang inyong limitasyon! " wika ni dado.

Nagkatingin ang dalawang mag kasintahan saka inisip kung anong limitasyon ba ang sinasabi ng ama ni grace.

Tumingin si grace sa kanyang papa at tiningnan ito ng nagtatakang tingin.

"Ang limitasyon na sinabi ko ay wag niyo mo nang gawin ang ginagawa ng mag asawa! " dagdag pa ni dado ng napansin nitong nalilito ang kanyang anak sa sinabi nito.

"Magpakasal mo na kayo! " wika ni dada.

Nagkatinginan ulit ang mag kasintahan.

Sobra pa sa mag asawa ang ginagawa nila ng kanyang kasintahan.

"Gusto ko nga pong pakasalan na si grace baka kasi di ako makapagpigil! " natatawang sabi ni ray.

Natawa naman ang pamilya ni grace sa inasal ni ray.

"Yan ang tunay na lalaki! " si troy na isa sa mga kuya ni grace.

"Kuya! " sita ni grace sa kanya.

"Magtatapos mo na siya ng pag aaral,  bago kayo makasal" wika ni dada.

"Pwdi din naman pong mag aral ang may asawa a.! " sabi naman ni grace.

Nagkatinginan ang kanyang magulang.

"Mahihirapan ka anak! " sabi ni dado sa kay grace.

"Walang nahihirapan pag magkatuwang ang mag asawa papa! " dagdag pa ni grace.

"Gusto mo na ba makasal? " tanong naman ni dada.

Di makasagot si grace sa tanong na iyon.

"Napag usapan na po namin ang tungkol dito! " mahinang sagot ni ray.

"Tapos na pala ang usapan niyo e. " si dip.

"Wag niyong agahan ang pagpapakasal niyo,  habang bata pa kayo eenjoy niyo na lang muna yan! " si dada

Natahimik silang dalawa.

"Pero kung talagang buo na ang pasya mo anak,  sino ba naman kami para tumutol! " wika ni dado.

Biglang sumigla ang expression ng mukha ng dalawa.

"Salamat papa! " sabi na lang ni grace sa kanyang papa.

"Kailan niyo ba balak? " tanong ni dada.

"Gusto po namin magpakasal muna dito bago bumalik sa maynila" wika ni ray.

Tumalon talon ang puso ni grace sa tuwa ng marinig nito ang sinabi ni ray.  Di niya akalain na dito sila magpapakasal sa bayan ni grace.

"Seryoso ka babe? " pagtatakang tanong ni grace sa kanya.

"Oo naman! " nakangiting wika ni ray.

"Diba napag usapan na natin ito! " dagdag pa ni ray.

Napag usapan nila ngunit wala sa usapan na magpapakasal sila sa bayan ni grace.

"Di ba masydong maaga kung ganun." si dada naman ang nag wika niyan.

"Mama, mas maayos nga ho iyon e. Kesa naman lobo muna bago kasal! " wika ni dip na nakangisi pa.

Natawa na lang ng hilaw si mag kasintahan.

Lingid sa kaalaman nila na nagdadalang tao na pala si grace kaya gustong pakasalan agad ito ni ray.

"Iimbihin ko lahat ng barkada ko! " si zep naman iyon isa sa kanyang kuya.

"Ako rin simpre iimbitahin ko mga ka team ko! " wika ni troy.

"Wag kayong atat,  di pa ako pumapayag! " natatawang sabi ni dip.

"Anong di pumapayag,  e ikaw tong kumukunsinti sa kay mama at papa na payagan na ang dalawang magpakasal e. "Si zep naman iyon.

Nakakamot ng ulo si dip.

"Ako nga pala hehehe! " natatawang sabi ni dip

Fuckboy ang boyfriend ko (Complete)Onde as histórias ganham vida. Descobre agora