Chapter XX (Kasi Masakit...)

71.5K 1.4K 173
                                    

"200 STEPS!?!" Parang ngayon palang nawalan na ako ng hininga sa sinabi nung guide namin dito sa pinuntahan namin! Isa syang park sa mataas na bahagi ng lugar dito... ewan ko ba kung san lupalop ako dinala nitong si Xavier. Basta para syang mountain view sa Cebu :P Nakapunta na kayo dun? Hahaha! ^o^ 

"Yes Ma'am. May legend pa nga na sa mga couples na makakatapos ng stairs na yan ng magkasama ay ang syang magkakatuluyan in the near future." ngiting sabi nung girl sa amin na parang may pinapahiwatig. 

Tsk >___< Kung ano man iniisip nya, pwes mali sya! Hindi kami mag-nobyo nyang si Xavier! May gf na yan... naiwan lang!

"Sige, thanks Miss." narinig kong tugon ni Sir sa kanya at saka tuluyang umalis yung babae... so bale, kami nalang dalawa dito. >__>

 "Lakad na nga tayo!" sabi ko at naglakad na nga papunta sa kabilang direksyon. Alam ko namang hindi rin yang papayag na aakyat ng 200 steps na hagdan eh! Malamang kasi ang gusto nyang makasama eh yung si Eunice. 

[A/n: Tignan nyo yung pic sa gilid! Yan yun :">]

"Huy Sir!" tawag ko nang lumingon ako sa kanya. Nakatingin pa din sya doon sa may hagdan at di man lang gumalaw.

=____________= 

"Sir, ano--"

"Try natin." biglang sabi nya na hindi inaalis ang tingin nya doon. 

"H--a??!" o?O Ano daw sabi nya?

"Sabi ko, try natin." Hinawakan nya ako sa kamay at saka hinila na!!! >.<

"Uy Sir! Sigurado ka?" tanong ko na nakatingin pa din sa kanya habang pumapanhik kami sa taas. And he just nodded. Seryoso naman ata sya -________-

Tahimik lang kami habang inaakyat tong 200 steps na hagdan. May design pala ang bawat baitang ng hagdan kaya makulay syang tignan at nakakapang akit... kaso, nyemas! >___< Nasa 50 palang kami, nanghihina na tuhod ko! Jusmiyo! Di pa naman ako mahilig sa ganito na activities. Nga pala, di ko nasasabing... I hate PE. Kaya anong klaseng physical na activity ay inaayawan ko talaga... unless lakwatsa!

"Tigil na natin to!" reklamo ko at naupo sa ika 76th na baitang. Henebee >o< Ang pucha naman neto! Wala atang tatagal dito! Bwiset oh!! "Ansakit na ng hita ko eh!" Feeling ko, nakahilata lang ako sa bahay buong linggo pag tinapos pa namin to. 

"Nasimulan na natin kaya kailangan nating tapusin." Narinig kong sagot nya sa akin.

Tch! Napasama naman ang tingin ko. Di nya naman makikita since naka eye glasses pa din ako. Di ba sya naawa sa akin?! Eh ang payatot ko?! Wala na akong energy para dyan! Tsaka, if i know... kung si Eunice pa yung kasama nya, siguradong, papayaga agad sya.

Haaaaayst! =_____= Why can't he just be fair? Manliligaw nya naman ako dba?

I'm courting my geek Professor [PUBLISHED BY VIVA PSICOM]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon